14

23 2 0
                                    

Third person POV

Pagkatapos ng hearing ay agad na pinauwi si Ellai dahil siya ang nanalo sa kaso.

Nang makapasok na siya sa loob ng bahay niya ay bumungad sa kanya ang kanyang nakakatandang kapatid na si Esther Jennie Desdemona- Lee. May asawa na itong Koreano.

Patakbo siya nitong yinakap. "Yeodongsaeng! Your home!" Tili nito.

Kinalas naman ni Ellai ang pagkakayakap ng kanyang ate. "Eonni, bakit ka nandito? Eomma eodieyo?" Tanong niya gamit ang Korean Language. Hindi marunong magtagalog ang ate niya, Ingles lang.

"Eomma is in Korea. Im here manage the company." Saad nito sa wikang Ingles. "Alam ko naman kasi na wala kang interes sa negosyo, right? Pero wag kang mag alala share naman tayo"dagdag nito gamit ang banyagang wika. Tumango nalang si Ellai at nagtungo na sa kusina dahil nakaradam siya ng gutom pagkatapos ng hearing.

Third person POV

Sa kabilang panig ay nagwawala ngayon si Norelie sa bahay ng mga Dellamuebes.

"How can you do this to me?!" Bulalas niya kay Sandro habang hinahampas ang dibdib nito. "Paano na ang justice for our son?!" Dagdag nito.

Pinigilan na siya ni Sandro sa kakahampas. "Hindi si Ellai ang pumatay sa anak natin. At wag ka nang umarte na parte kapa ng pamilyang to. Remember, hiwalay na tayo"

"Ikaw lang ang may gusto nun!"

"At pumirma ka naman"

"Sa tingin mo,magugustuhan ni tito Glen ang ginagawa mo?"

"Kayo lang naman ang dahilan kung bakit nalayo ako sa taong mahal ko. Oras naman ngayon para sundin ko ang sarili ko" madiin niyang saad.

Umakyat na siya at naligo.

Sandro's POV

TATLONG LINGGO ang nakalipas simula nung makalaya na si Ellai sa kulungan.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng saya dahil nakalaya narin ako kay Norelie. Masaya ako dahil wala nang kokontrol sakin pero masakit parin ang mawalan ng magulang at anak.

Wala na rito sa bahay si Norelie dahil pinaalis na siya ni mommy. Mommy is very supportive sa lahat, lalo na sa mga magpapasaya sakin. That's why I really love my mom.

Nang makababa ako ay nagulat ako. Nakita kong nakaupo si Ellai sa sofa habang kausap ang mommy ko.

"Hija, kailan ka pala na engage?" Tanong ni mommy, hindi muna ako bumaba dahil gusto ko pang marinig ang pag uusap nila. Hindi ko mapigilang kabahan sa isasagot ni Ellai.

Nakita kong mahinang natawa si Ellai. "Ahm, last month ata yun. Hehe" sagot niya habang nakatingin sa malayo. She's really happy now.

Nakita kong lumungkot ang mata ni mommy. "Ahh.." aniya, peke siyang ngumiti at tumitig kay Ellai na nakangiti narin ngayon. "Congrats hija" dagdag niya. Alam kong nalungkot si mommy dun. Pangarap niya talagang maging daughter-in-law si Ellai noon paman.

Kinuha naman ni Ellai ang kape sa mesang nasa harap nila. "May nakuha na po ba kayong information about sa asawa niyo?"

Umiling si mommy. "Walang nagkakainteres na unahin ang kaso ng asawa ko. Maraming nagsasabi na masyado raw delikado kung sasali sila samin" malungkot niyang ani.

"Ang kaibigan ko po. Si Chiraz, Attorney yun. Yun ngalang maingay kaya pagpasinsyahan mo na"

Nagliwanag ang mukha ni mommy. "Talaga hija?" Tumango naman si Ellai. "Thankyou very much. Its okay if maingay siya basta asikasuhin lang niya ng mabuti ang kaso ng asawa ko" maligayang ani mommy, malawak na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Ellai.

Will You Be Mine Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon