2

51 6 2
                                    

Dalawang taon ang nakalipas. Ngayon ay nuwebe anyos na si Ellai ganun din si Sandro. Mas matanda lang si Sandro ng tatlong buwan kay Ellai.

At sa dalawang taon nayun ay mas lalong nakilala ni Ellai at Sandro ang isa't isa. Si Sandro ay may makakapal na kilay, kayumangging mga mata, mahahabang pilikmata, perpektong hugis ng panga, may katangusang ilong at may kapulahang mga labi. Hanggang leeg lang niya si Ellai, maputi rin ang kanyang kutis pero hindi permanente. Nagiging kayimanggi ito kapag siya ay nabibilad sa araw.

Nakatambay sila ngayon sa dalampasigan. Ito ang lugar na palagi nilang tinatambayan simula pa nung naging malapit na sila. Nakilala na ng pamilya niya si Sandro at wala naman itong sira di kagaya ni Norelie.

Masaya silang umaawit ng kahit anong kanta. Si Sandro ang nag gigitara habang si Ellai ang kumakanta.

"Ako'y alipin mo kahit hindi batid. Aaminin ko minsan ako'y manhid"

"Sana ay, iyong naririnig. Sayong yakap ako'y nasasabik"

"Pagkat ikaw lang ang nais makatabi" dugtong ni Sandro sa pagkanta ni Ellai. Nakangiti niya itong kinakanta habang nakatingin kay Ellai na nakapikit lang habang dinaramdam ang lamig ng hangin na dumidikit sa kanilang balat. "Malamig man o mainit ang gabi"

"Nais ko sanang iparating. Na ikaw lamang ang siyang aking..........iibigin...." sabay nilang kanta. Nang matapos na ang pagtugtog ng gitara ay iminulat na ni Ellai ang kanyang mga mata.

Nang nilingon niya si Sandro ay nakatingin na ito sa kanya. "Bakit?" Puna niya.

Napailing naman si Sandro. "Wala naman. Ahmm, may sasabihin sana ako sayo" sagot nito.

Sa buhanging kanilang inuupoan ay hinayaan nilang dumikit ito sa kanilang mga damit pambaba.

Hinarap ni Ellai si Sandro. "Ano yun?" Tanong niya.

Nag alangan muna si Sandro bago niya sabihin. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Aalis na kami bukas papuntang US" saad nito.

Biglang lumungkot ang mukha ni Ellai. "Kaya ba, pumayag kang gabihin tayo rito para masulit nalang yung oras mo? Di kana babalik?"

Umiling si Sandro habang nakangiti, masaya siyang may taong tulad ni Ellai na ayaw siyang malayo di tulad ng mga dati niyang mga kaibigan na kinakaibigan lang siya para sa isang bagay. Ngayon mas gusto na ni Sandro ng kaibigang babae kesa lalaki.

"Babalik pa ako. Pagkatapos ng isang taon. Next summer pa, dun kasi ako mag aaral"

"May problema ba kayo?"

"Wala naman. Gusto lang ni mommy na maranasan namin ang mag aral sa ibang bansa"

Napatango nalang si Ellai. "Sige, hihintayin kita. Basta bumalik ka" saad niya.

Matamis na ngumiti si Sandro. Habang tinititigan niya ang malungkot na mukha ni Ellai na nakaharap ngayon sa kawalan habang unti unting pumipikit ay hinihiling niyang sana ay ang babaeng nasa kanyang harapan ngayon ay ang babaeng mapapakasalan niya balang araw.

Ibinaling ulit ni Ellai ang tingin niya kau Sandro na hanggang ngayon ay nakangiti parin. "Bakit ba ngiti ka nang ngiti? Masaya kabang iiwan mo na ako?" Ungot niya.

Mahinang natawa si Sandro. "Sino bang magiging masaya na malayo sa kaibigan?" Sagot niya.

Napapikit ulit si Ellai at pinunasan ang mga mata. "Ngayon palang namimiss na kita" saad niya habang pinupunasan ang mga luhang tumulo na pala.

Natatawang lumapit si Sandro at pinahiran ang mga luha niya. "Bakit kaba umiiyak? Babalik pa naman ako. Ayokong nakikita kang umiiyak Ellai" aniya.

Will You Be Mine Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon