Ellai's POV
"Darling....." saad ko at patuloy nang umagos ang mga luha sa mga mata ko.
Matamis siyang ngumiti. "Finally. My only wish came true. Hearing our endearment from your mouth makes butterflies in my stomach....." saad niya at lumunok. "But, I think. That's my first..... and last time I will hear...... that your calling me using our endearment.......darling, thankyou for making my only wish came true. Thankyou for everything...." saad niya.
Yinugyog ko siya. "Wag kangang magsasalita ng ganyan. Tatawagin pa kita nun ng paulit ulit pagkatapos mong magamot kaya umayos ka!" Sigaw ko sa kanya, mahina siyang natawa. "Darating na ang ambulansya kaya maghintay ka." Mahinahon kong saad, tumango naman siya. "wag kang pipikit" pahabol ko nung aktong pipikit na sana siya. Nanatili nalang siyang nakatitig sakin.
"I want to watch every emotions that coming out from your face. Tatlo palang kasi ang nakita ko. Lungkot, Galit, at Blangko" saad niya, mahina akong natawa. "That's not counted. Even your laughing or smiling. I dont see the real hapiness in your eyes" dagdag niya.
Ilang saglit lang ay dumating na ang ambulansya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko bago ngumiti, ginantihan ko rin siya.
May pumigil saking sumakay. "Doc, you need to stay here. Kailangan pa kayong interviewhin namin" saad ng isang pulis. Liningon ko muna si Nathan at tumango naman siya. Binitawan niya ang kamay ko at inilagay sa tiyan niya. Ngumiti muna siya bago siya ipinasok sa ambulansya.
Nang makaalis na ang ambulansya ay iginaya ako ng pulis sa kanila kasama si Sandro.
KINABUKASAN ay tanghali akong nagising. Pupuntahan ko ngayon si Nathan sa ospital, may utang pa siyang batok sakin na hindi ko nagawa kagabi.
Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito at sinagot. "Hello?"
"Hoy, Amiga open this gate of yours mamamatay na ako dahil sa init jusmeyo" reklamo ni Neva.
"Oo na" natatawang saad ko.
Bumaba na ako at pinagbukasan siya ng gate. "Finally, after 5 years. Natuto kang magbukas haha. Sinadya ko lang, hindi naman talaga nakalock yung gate mo kasi tamad kang magbukas diba? Haha" aniya nang makapasok. Babatukan ko sana siya nang sinenyasan niya ako ng pagtanggi. "No,no,no,no. Bagong rebond palang to" saad niya kaya hindi ko nalang itinuloy ang pagbatok sa kanya. Minsan nakakatuwa rin si Neva dahil nakakaya niyang pasayahin ang moment kahit ano pang sitwasyon.
Nang makapasok kami ay umupo siya agad sa sofa. "Do you want coffee or something?" Tanong ko.
Umiling sIya. "Nasan si ate Esther?"
" kondo niya"
"Wow, gumastos pa talaga siya ha"
"Hayaan mo. Maarte kasi"
"Sabagay. Ikaw ba naman CEO ng company hindi maging maarte"
Tumunog ang doorbell kaya tumayo siya at lumabas para pagbuksan ng gate. Bumalik siya kasama ang isang doktor.
Agad akong lumapit at nakipagkamay. "Welcome to my home Doc Zelderriega" bati ko at ngumiti.
Ngumiti rin siya. "Thankyou for allowing me to enter your adorable home" sagot niya. Siya ang chief ng Team 2-B, ako naman ang Team 1-A. May Team 3-C rin pero hindi ko close dahil bago palang.
"How's Nathan?" Tanong ko.
Biglang lumungkot ang ekspresyon niya. "He's dead on arrival Doc Desdemona." Malungkot na saad ni Doc Zelderriega.
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine Again?
RandomTotoo kaya kapag mahal ka noon at mamahalin ka parin hanggang ngayon? Ang tahimik ng buhay ng magandang doktora na si Ellai Gwen Desdemona muling gumulo nung magkatagpo ulit ang kanilang landas ng lalaking pinakauna at huli niyang minahal, si Anthon...