Nang makababa ako ay naabutan ko silang nag uusap sa sala.
"Nasan nga po pala si Neva eomma?" Bungad ko.
Nilingon niya ako. "Nasa Tagaytay sila. Nagbabakasyon" sagot niya.
Napasimangot naman ako. "Andamot. Di manlang ako sinabihan" saad ko.
Tumayo na siya at lumapit sakin. "Mag iingat ka dun. Wag ka magpapagutom" blin niya, tumango naman ako.
Nasa labas na kami ngayon at naglakakad papunta sa likod ng village.
"Kailan mo pala ako unang nakilala?" Tanong ko.
"Nung firstday of class. Napadaan kasi ako sa room niyo nun. Nakita ko yung pagsagot mo sa terror teacher na yun. Beleb ako sayo dun kasi ako nga napahiya na niya ako dati ehh kaya feeling ko ikaw nalang yung gumanti para sakin" sagot niya, tumango tango nalang ako.
Nung makarating na kami sa kubo ay nagtungo agad ako sa kwarto ko. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas na ako. Nakita ko siyang inaayus ang hihigaan niya sa sala.
"Dito ka matutulog?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo sa sahig ng sala.
Tiningala naman niya ako. "Oo, bakit?" Sagot niya.
Napangiwi ako. "Pwede naman sa kwarto karin. Sa sahig nga lang" saad ko.
"Wag na. Masamang tignan kapag ganun"
"Hindi yun. Sige na, mas pangit tignan kapag papasok ka tas makikita mong may natutulog sa sala"
Wala na siyang nagawa kaya binitbit na niya ang banig, unan, at kumot niya papunta sa kwarto. Lumabas naman ako.
Papalubog na ang araw kaya medyo kulay kahel na ang kulay ng kalangitan.
Umupo lang muna ako sa buhangin at tumingala sa langit.
"Parang kahapon lang, ayus lang ang lahat. Pero ngayon,," saad ko at mapait na natawa.
Naisipan kong kunin ang gitara ko kaya tumayo muna ako at bumalik sa kubo. Nakita ko si Nathan na mahimbing natutulog sa sahig katabi ng kama ko. Nakabanig lang siya, yung isang unan ay yakap yakap niya, ang kumot naman niya ay hanggang bewang lang. Nakablack tshirt siya na may nakaprint na 'My love' sa unahan ng damit niya at naka jersey shorts siya. Nakatagilid siya kaya nakadaan ako at nakuha ko ang gitara ko.
Nang makabalik na ako sa dalampasigan ay umupo ulit ako. Sinimulan ko nang patugtogin ang gitara habang nakapikit.
"Now baby don't hang up, so i can tell you what you need t know. Baby i'm begging you just please don't go, so i can tell you what you need to know" panimula ko. Kinakanta ko yung 'Payphone' ng Maroon 5.
"If happy ever after did exist. I would still be holding you like this." Sa linyang to ay naramdaman ko nang pumatak na ang luha ko. "All those fairytales are full of it. One more stupid love song i'll be sick. Now i'm at a payphone" pagtatapos ko.
Sunod ko namang kinanta ang 'Alipin ako' ni Liezel. Ramdam na ramdam ang bawat liriko, inaalala ang mga panahong nandito pa siya.
"Alipin ako......Na umiibig sayo. Bakit laging ikaw parin sa puso ko......Alipin ako, ng yakap mo't mga halik. Bakit di magawa na magtampo, paano ba ito?"
Sunod kong kinanta ang 'Porque' ni Maldita. Sunod ang 'Hanggang dito nalang' ni Tj Monterde. Sunod ang 'Pagsuko' ni Jireh Lim. Marami pang sumunod hanggang sa mapansin kong madilim na pala ang kalangitan at lumabas na ang buwan.
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine Again?
RandomTotoo kaya kapag mahal ka noon at mamahalin ka parin hanggang ngayon? Ang tahimik ng buhay ng magandang doktora na si Ellai Gwen Desdemona muling gumulo nung magkatagpo ulit ang kanilang landas ng lalaking pinakauna at huli niyang minahal, si Anthon...