12

27 2 2
                                    

Neva's POV

Abala kami sa paglantak ng mga biniling pagkain ni Nathan nang biglang tumunog ang cellphone ni Ellai.

Kinuha niya ito mula sa bulsa niya at binasa. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, mula sa pagkakangiti ngayon ay nag aalala na.

Tinapik ko siya. "Anong meron?" Usisa ko.

Hindi siya nagsalita. Iniharap niya sakin ang screen ng cellphone niya kaya binasa ko ang message.

From: 09051234550

Nasan ka dalagang Desdemona? May regalo ako para sayo. Sigurado akong magugustohan mo.

Napahawak ako sa bibig ko at tumingin kay Ellai na ngayon ay halata sa mga mata ang pagtataka at pag aalala.

Bumangon siya mula sa pagkakaupo sa sofa. Tinawag niya si Nathan na nandoon sa labas ng secret house. Tumayo narin ako at sumunod sa kanila.

"Umuwi na tayo" biglang saad ni Ellai. "Masama ang kutob ko"dagdag niya. Tumango naman kaming dalawa ni Nathan.

Di ako makapaniwalang nakakatawid si Ellai sa hanging bridge na parang tumatawid lang sa batong tulay. Dire-diretso ang lakad, walang lingunan, walang hawak hawak. Mukhang ganun na talaga ang pag aalala niya.

Nang makarating na kami ay kinuha na namin agad ang mga gamit, hindi pa nga kami nag iisang araw nagcheck out na. Tinanong pa kami ng mga staffs kung bakit kami aalis ng ganun kadali pero hindi lang namin sila sinagot. Habang nasa biyahe ay panay ang tipa ni Ellai sa cellphone niya.

"Eomma, eodiseyo?" Bungad niya, nakatapat ang cellphone sa tenga. Di ko maintindihan ang sinasabi niya pero alam kong si tita ang kausap niya. Pano ko nasabi? Eomma means Mom in Korean. "Ye, Mm" yun lang ang huling sinabi niya bago pinatay ang linya. Umulit na naman siya sa pagtipa at itinapat sa tenga ang cellphone. Mukhang nabigo siya sa tinatawagan niya kaya paulit ulit niyang tinawagan.

"Appa, please pick up the phone" nag aalalang ani Ellai.

Nakaupo ako ngayon dito sa back seat habang sumisilip kay Ellai sa passenger seat.

Wala paring sumasagot kaya sumuko na si Ellai.

Liningon niya ako. "Hindi sumasagot si Appa. Masama ang kutob ko sa message na yun" saad niya sakin.

Kinuha ko naman ang cellphone ko. "Teka, ako naman ang tatawag" suhestyon ko, tumango naman siya. Tahimik lang si Nathan habang mayamayang tinitignan kami mula sa rear mirror.

Nagtipa na ako at tinawagan si tito. "The number you have dialed is cannot be reach. Please leave a message"

Paulit ulit ko yun giawa pero iisa lang ang sinasagot, CANNOT BE REACH.

Sa sobrang pag aalala ay di na namin namalayan na nakarating na pala kami ng Bicol. Nang makapasok kami ng village ay binilisan na ni Nathan ang takbo ng kotse hanggang sa marating na namin ang bahay ni Ellai.

Nauna siyang bumaba at sumunod na kami. Agad niyang binuksan ang gate at nagmamadaling binuksan ang pinto ng bahay.

Ganun nalang ang ag atras naming tatlo dahil sa gulat. May nakalatag na ataul sa harap namin ngayon.

Dahan dahang lumapit si Ellai sa ataul at binuksan ito.

Napatakip ako sa aking bibig nang makilala ang taong nasa loob ng ataul, si Tito Franco. Ang taong tinatawagan namin na hindi mareach ay wala na palang buhay.

Napaluhod si Ellai at nakita ko ang sunod sunod na paglandas ng mga luha niya. Ilang saglit pa ay napahagulhol na siya.

"Appa, who did this to you?!" Sigaw ni Ellai habang hinahawakan ang pisngi ng walang buhay niya ama, natutop ako sa aking kinatatayuan.

Will You Be Mine Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon