4

31 6 4
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin.

"Fuck" bulong ko. Malulusog ang mga eyebugs ko ngayon.

May kumatok sa pintuan. "Anak, almusal na" tawag sakin ni eomma.

"Andyan na po" sagot ko.

Pagkababa ko ay naabutan ko siyang nakaupo na kaya lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi.

Habang kumakain ay napansin kong nakatingin lang sakin si eomma. "Waeyo?" Tanong ko.

Mahina siyang natawa. "Wala naman. Ang lulusog ngayon ng eyebugs mo, anong vitamins ang gamit mo?" Biro niya, natawa naman ako. "By the way, san ka pupunta ngayon?" Biglang tanong niya.

Napaisip naman ako. "Siguro.....sa dalampasigan nalang" sagot ko.

"Sa dalampasigan? Yung nasa likod ng village nato?"

"Ye"

"Ano naman ang gagawin mo dun?"

"Kahit ano. Dala ko naman ang gitara ko"

"Ahm, mag iingat ka"

Di nalang ako sumagot. Pagkatapos kong kumain ay umakyat muna ako at kinuha ang gitara ko.

Naglalakad ako ngayon patungong dalampasigan nang may maramdaman akong may sumusunod. Luminga linga ako sa paligid pero wala namang tao.

Nang makarating ako ay nangilid na naman ang mga luha ko. Bawat parte ng dalampasigang to ay may alaala. Sa may mabatong parte, dun kami madalas mamulot ng mga bato para ihagis sa dagat. Sa buhangin, ang tambayan namin satwing kakanta kami. Sa isang malaking bato, dun kami umaakyat kapag lumulubog na ang araw para damang dama namin ang huling init nito. Bawat alaala namin ay tandang tanda ko pa. Alam kong kaibigan lang kami, pero mas masakit ata to keysa sa mawalan ng karelasyon, lalo na't siya yung nasa tabi ko simula pa nun. Habang tinatanaw ko ang bawat parte ng dalampasigan ay nakikita ko ang mga alaala namin dun. Pinahiran ko ang luha kong di ko namalayan na tumutulo na pala. Pumunta ako rito dahil ayokong iwasan ang mga lugar na may alaala namin. Ayokong pagtaguan at takbuhan ang mga alaala namin dahil mas mahihirapan akong kalimutan siya at tanggapin na wala na talaga siya rito. Kanina bago ako dumating, linuloko ko yung sarili kong nandito siya kaya nagmadali akong magpunta rito. Ako rin naman ang nabigo haha.

Naglakad na ako patungo sa parteng lagi namin tinatambayan kapag nag jajam kami.

Umupo na ako at nagsimulang patugtogin ang gitara. Pati ang gitarang to maraming alaala.

"I never gone with the wind just let it flow, let it takes me where it wants to go. Till you open the door there so much more, i'd never seen it before" unang lirikong kinanta ko at sunod sunod na ang luha ko. Maganda yung kanta pero parang nagluluksa ako. "I was trying to fly but i couldn't find wings. And you came along ang you change everything......"

"You lift my feet off the ground, you spin me around. You make me crazier, crazier" napalingon ako nung biglang may sumabay sa kanta. Bumagsak ang mga balikat ko nang makitang di si Sandro yun. "Feels like i'm falling ang i am lost in your eyes. You make me crazier,crazier,crazier" dagdag niya.

Hininto ko ang lagtugtog. Lumapit naman siya sakin.

"Kumusta ang boses ko, maganda ba?" Tanong niya. Di ko naman siya sinagot. "Sumagot ka naman, may bibig ka naman diba?" Dagdag niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"Sasamahan ka. Walang ibang sasama sayo ngayon dahil wala si Sandro kaya ako nalang, pwede ba?"

Will You Be Mine Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon