15

26 2 0
                                    

Ellai's POV

Bago magsimulang magkwento ang tatay ni Norelie ay inihanda ko ang sarili ko sa posiblang pagluha.

Malalim na hininga ang pinakawalan niya bago siya nagsimulang magsalita. "Magkaibigan kaming tatlo dati....si Glen, Franco at ako.." panimula niya, napukaw ang interes ko dahil sa lahat ng pangyayari ito ang hindi ko inaasahan. Nung liningon ko si Sandro ay nakita ko ring nagulat siya. "Sanggang dikit kami nun. Hanggang isang araw, dumating ang mommy mo Ellai. Si Aleah Kim, transferee siya. Nagkagusto ang ama niyong dalawa sa kanya. Hindi naman natin maikakaila ang kagandahan ni Aleah. Maganda, hubog ang katawan, matalino at magaling kumanta..."

"Pinagnanasaan mo rin ba ang eomma ko dati?" Putol ko sa kwento niya.

Mahina siyang natawa, alam kong totoo yun. Tumingin ulit siya sa kawalan animong inaalala ang mga kinukwento niya. "Kahit ganun ang mommy mo hindi na ako nakiungot sa kanila ng daddy mo" sagot niya. "Nauna raw na nagkagusto ang daddy mo Ellai. Nung nagpaplano na si Franco na manligaw kay Aleah ay inunahan siya ni Glen......Kahit ako, I was so shock that time. Nakita ko ba namang inaway ni Glen si Franco at pinalalayo siya kay Aleah. Ako ang umaawat sa kanila nun pero hindi talaga sila naawat......" itinigil muna niya ang sasabihin at tumingin kay Sandro. "After a couple of months, your dad decided to broke our friendship for Aleah. Ayaw na niyang lumalapit kami kay Aleah. Nagalit si Franco sa kanya dahil ipinagpalit niya kami sa babaeng kakikilala palang niya. Kami yung nakasama niya for how many years pero mas pinili niya si Aleah, were just third year highschool that time. Time pass by, minsan nalang kaming magkita ni Franco nun. Biglang nagpunta si Glen sa bahay ko at nagsabing kalaban na raw namin si Franco, inagaw daw ng daddy mo si Aleah sa kanya. Tinanong ko siya kung naging sila ba ang sabi niya wala kasi inamin sa kanya ni Aleah na si Franco raw ang gusto nito since from the start. That's why, sumabog sa galit ang daddy mo Sandro. He decided to find a woman to marry and that's Percy Ladezma, your mother Sandro. Hindi niya totoong mahal ang mommy mo pero pinakasalan niya parin, ang mommy molang ang nagmamahal sa kanila Sandro" patuloy niya habang nakatingin ng malungkot kay Sandro. "Sinadya ni Glen na isabay ang kasal nila sa kasal sa mga magulang ni Ellai para maimagine niyang si Aleah ang bride niya. Nagkaanak sila, that's Nikolas. Nagkaanak narin sina Franco, that's Esther Jennie, pero agad raw umalis si Franco at nagtungong Korea at dun pinalaki si Esther. Minsan lang siyang umuwi rito sa Pilipinas. Kapag umuuwi siya rito ay dinadalaw lang niya saglit si Aleah at puro negosyo na....." nakatingin na siya ngayon sakin. Nakikita ko ang lungkot mula sa mga mata niya.

"Sumunod si Aicee pero isang taon lang ang lumipas ipinanganak kana Sandro. Ilang buwan lang din ang nakalipas ipinanganak na ng asawa ko si Norelie......" tuloy niya. "Nung nalaman ni Glen na babae ang sunod na anak ni Aleah at ilang buwan lang ang tanda mo Sandro" pagkasabi'y tumingin ka Sandro. "That's Ellai Gwen Desdemona. Nanatili dito si Aleah ng isang taon. Pero isang araw pinuntahan siya ni Glen kasama ako." Pinutol niya ang sasabihin at lumingon na naman sakin. "Pumunta kami sa bahay niyo Ellai. Lumuhod pa nun si Glen sa pagmamakaawang siya nalang ang piliin ng mommy mo tutal lagi naman daw siyang iniiwan ng daddy mo but Aleah still choose Franco. Nagalit ng sobra nun si Glen. Kaya ipinagkasundo niya ang anak ko sa anak niya. Alam niyang posibleng magkakilala kayo ni Sandro kaya inunahan na niya kayo. At hindi nga siya nagkamali, nabalitaan niyang naging magkaibigan kayo. Kaya mula America ay umuwi siya para ipaglayo kayo. Nung ipinaglayo na kayo akala namin ayus na ang lahat. Pero muntik nang mawala si Sandro sa katinuan kaya napabalik sila rito sa Pilipinas. Hinayaan niyang makita ka niya, kasi akala ng daddy ni Sandro kapag nagkita kayo ay di na kayo magkakabati pa dahil nasaktan kana nga niya. Pero ganun nalang ang pakadismaya niya nang malaman mula sa tagapagimpormasyon niya na nanliligaw na pala si Sandro sayo....That time, nagpadalos dalos na ng kilos si Glen. Minadali niya ang engagement, sinabihan niya pa si Norelie na magpabuntis ng maaga kay Sandro para wala na raw itong kawala. At dahil mahal siya ng anak ko ay sumunod siya......." napayuko siya. "Pero dahil sa bobong kilos na yun...." nakita ko ang dalawang patak ng luha mula sa kanya. "Naging miserable ang buhay ngayon ng anak ko. Pinaasa ni Glen ang anak ko na balang araw ang mamahalin din siya ni Sandro. Dahil sa galit ko, pinatay ko ang sarili kong apo dahil alam kong gagamitin lang siya para sa negosyo." Saad niya.

Will You Be Mine Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon