13

23 2 0
                                    

Sandro POV

Pagkasabi niya sa katagang yun ay napaluhod ako, tumingala ako sa kanya. "Kung ginagawa moto dahil kay Norelie, itigil mo na dahil alam mo ang totoo" madiin saad ko. "I dont want her, I dont need her, I don't even love her just for a bit. Because your the only woman I wanna marry and I wanna be with for the rest of my life. Please dont let me go" pagmamakaawa ko. Hindi na siya sumagot at tinalikuran na ako. Sumakay na siya sa kotse niya at pinaharurot na ito.

Third person POV

LIMANG BUWAN ang nakalipas. Patuloy ang kaso sa pagkamatay ng ama ni Ellai at ni Sandro. Pinaghahanap din ang nurse na pumatay sa anak ni Sandro.

Naglalakad ngayon si Sandro patungong opisina ni Ellai dahil sinusundan niya si Nathan. Nang makapasok si Nathan ay nanatili siya sa likod ng pinto at idinikit ang kaliwang tenga upang marinig ang usapan sa loob.

"Oh, nandito ka pala" saad ni Ellai.

"Yeah, ah darling" sagot naman ni Nathan. Napahawak si Sandro sa kanyang dibdib dahil sa kirot na naramdaman niya nung marinig ang endearment. "May gusto sana akong itanong sayo" dagdag pa nito.

Narinig niyang gumalaw ang swivel chair kaya alam niyang tumayo si Ellai. "Ano yun?" Seryusong tanong nito.

Ilang sandali muna bago nadugtungan ang usapang iyon.

"Will you marry me?"

Sandro's POV

Hindi ko kinaya ang narinig ko kaya nagtungo ako sa pinakamalapit na upuan at sumalampak ng upo. Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang paghagulhol ko.

Ilang sandali pa ay may mga pulis na nagtungo sa opisina ni Ellai at mayamaya lang ay lumabas na sila kasama si Ellai na nakaposas na ang mga kamay. Nagugilat ko silang tinignan. Mukhang hindi nila ako napansin dahil dinaanan lang nila ako.

Sinundan ko sila nang sinundan. Isinakay siya sa kotse ng mga pulis at umalis na sila.

Ano na naman ba to?

"Ano na naman bang ginagawa mo rito?!" Biglang saad ng isang pamilyar na boses. Ang nilingon ko ito ay nakita ko si Nathan na palapit na sakin. Nung makalapit na siya ay kinuwelyuhan niya ako. "Sabihin mo sakin, ikaw ba ang nagpahuli sa kanya?!" Bulalas niya sakin.

Umiling ako at tinanggal ang pagkahawak niya sa kwelyo ko. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Nagulat na ngalang ako hinuhuli na siya" sagot ko.

"Pano mo naman mapapatunayan na hindi ikaw?"

"Alam mong mahal ko siya kaya hindi ko magagawa yun"

Bigla niya akong sinuntok sa kanang pisngi kaya medyo sumakit ang ulo ko. Hinawakan ko ang pisngi ko at tumitig sa kanya.

Dinuro duro niya ako. "Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit hinuli ngayon si Ellai?!"

"Bakit naman ako?"

"Adultery ang kaso niya. Sino pa ba ang konektado?"

Di ko na siya sinagot at dali dali akong sumunod patungo sa presinto kung nasaan siya.

Nang makarating ako ay agad kong hinanap ang silda kung nasaan si Ellai. Sinabi naman ng officer kung nasaan siya.

Nakita ko siyang nakaupo sa gilid at nakapikit. Sa itsura niya parang napakapayapa ng mundo niya. Nakauniform parin siya kaya nadumihan ito. Lumapit na ako sa silda niya.

"Who did this to you?" Nag aalalang tanong ko.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at walang emosyon niya akong tinignan. "Tinatanong paba yan?" Pabalang niyang sagot.

Will You Be Mine Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon