47

439 17 0
                                    

Abby's POV

Hiyieeee madlaaa! Abby na naman at your service.

It's been 3 months since umalis si Anneng na hindi alam ni Timothy, wala narin kaming naging balita sa kanya eh pero nagchachat naman sya na ok lang sya.

Andito kami sa bahay namin magkakaibigan, nakakapanibago parin na wala kaming batang sinasaway, si Ann kasi pasaway yun eh, lagi mong maririnig na nag-aaway sila ng walang dahilan, well, nung ok pa ang lahat, kaso iba na kasi ngayon eh.

Timothy had an accident na recently lang namin napatunayan na kagagawan ng gang ng ex ni Ann, kaya agad pinakulong ni Kuya Eric yung mga yun. So yun, Timothy had an amnesia, pero si Ann lang ang hindi nya maalala, kaya galit na galit kami sa kanya, yung babaeng baliw na baliw sya, yun pa yung hindi nya maalala, sinong hindi magagalit diba? Pero inintindi nalang namin, at sinabihan din kami ni Ann na wag na wag ipepressure si Tim. Recently lang rin namin nalaman na buntis sya at si Tim ang ama, na mas lalong nakakagalit pero pinipilit naming intindihin, balak naming mga babae na bisitahin si Ann sa bakasyon. We promised her na hinding hindi malalaman ni Tim kung nasaan sya kahit pa maalala na sya nito.

Yung mga jowa namin, nagpresinta na tumayong ama sa anak nila, in behalf of Tim nalang daw, and pumayag naman sya.

"Oh? Bat mukha kang problemado?" Tanong ni Law sa kanya.

Bumaba kasi sya na parang problemado at kumakamot sa ulo.

"Wala"

"Ano? May pinopormahan ka na?" Asar pa ni Aj na may halong inis.

Pabagsak syang umupo dun sa sofa kung saan lagi sila naglalampungan ni Ann noon. Kahit papaano may part parin na naalala nga memories nila ni Ann, dahil simula nagkaamnesia sya at umalis si Ann, hindi sya umupo sa kahit saang sofa kundi dun lang kung saan sila lagi nakaupo noon. Kahit sinong nakaupo dun papaalisin nya, pwesto daw nya yun.

"Kung babae yan, pwede ka na lumayas sa pamamahay ba to" banta ni Shaine.

"Luh! Eh diba kaibigan niyo si Ricka?" Tanong nya.

Yes, Ricka ang tawag nga kay Ann, yun daw sinabi ni Ann na itawag nya sa kanya.

"Ah si Ann pala, ano meron?" Tanong ko

"Kasi 3 months ago, she went here. Wala kasi kayo nun eh, iniwan niyo ko."

"Oh tapos? Tangina ni-rape mo?!" Ken asked, ang OA lang.

"Gago! Alam kong bastos akong tao pero ewan ko nirerespeto ko sya. Ano kasi, pumunta sya dito noon para daw sana yayain kayo gumala kaso wala kayo kaya nag-offer ako na samahan sya. We went in a place na familiar sakin, di ko lang sure kung nakapunta na ko dun. Tapos pag-uwi, nagkapalitan pa kami ng number eh, then nagkatext pa kami nung nakauwi na sya, tapos nagkatawagan pa kami, then kinabukasan bigla nalang hindi nagreply, I tried calling her, cannot be reach. By any chance, alam niyo ba bahay nya?"

"Huh? Ano... Hindi eh, malihim yung babaeng yun, hindi yun pala-salita, tsaka hindi nya binibigay address nya samin"

"Gago, na-ghost ka? Ay teka, type mo ba?" Sabi nj Jed

"Malihim? Parang di naman, and she's also talkative, saya nga nga kasama eh, hindi nauubusan ng kwento. I don't know if I like her already, pero ewan siguro?"

Putangina! Kung andito si Ann, nagtititili na yun sa kilig.

"Hayaan mo muna sya, baka nag-iisip din sya bigyan mo ng time" sabi ni Shaine.

"Ano ba nagustuhan mo dun?" Curious na tanong ko.

"Maganda sya, tapos mabait, madaldal, childish sya, and ang unique nya lang. Basta may something sa kanya na super unique, kumbaga masasabihan mo talaga sya na kakaiba sya sa lahat ng babae sa mundo" sabi nya.

Still the same reason, may Ann parin sa sistema nya, and that's a good sign.

"May amnesia na at lahat, kay Ann parin pala mafufall" rinig kkng bulong ni Shaina.

"Agree bes. Ann lang sakalam eh" mahinang sabi ko rin.

"Pero yun nga, give her time too. Pag ready na sya siguro naman magpapakit yun sayo, ang alam kasi namin may inaasikaso din ata sya eh, pati samin hindi nagpaparamdam eh" sabi ni Shaina.

"Sige sige, salamat" sabi nya at umakyat na sa kwarto nila noon.

"May amnesia o wala, kay Ann parin talaga uuwi" sabi ni Khyle.

"True, pero I think that's a good sign, diba?" Sabi ko.

"It may be a good sign, and it's very obvious that she's still in his system. Pero we promised Ann na hinding hindi natin sasabihin kay Tim kung nasaan man sya"

"Good sign man yan o hindi, wala akong balak ilaglag si Ann. She sacrificed for their relationship, for him. Ni hindi nga nya alam na may anak sila, na buntis si Ann nung umalis, ayokong masayang yung sakripisyo nya."

"Agree, kung magkita man sila ulit, I also want it to be because of destiny. Ayokong dahil satin yun. Kilala namin si Ann, let's just let them grow separately. Kung sila talaga sa huli, destiny na bahala dun. Masyadong nadurog si Ann nung nagka-amnesia si Tim, she's smiling but shattering, hayaan natin sya magheal, hayaan natin na yung anak nila yung gumamot ng sugat na yun."

"Sana talaga maalala na ni Tim si Ann. Sana sila talaga hanggang huli, ayokong magkaroon ng broken family inaanak natin. Atsaka kung hindi man sila sa huli, alam kong hindi papayag si Tim dun, sisikapin nyang maging sila sa huli" sabi ni Aj.

Nagsi-akyat narin kami sa mga kwarto namin para magpahinga kasi may klase kami bukas.

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now