41

473 20 0
                                    

Shaina's POV

It's already midnight. Hi Shaina Mae Dizon nga pala, girlfriend ni John Alex Santos, also known as AJ

So ayun nga si Ann nasa room na nya at andito kami sa garden at kakausapin ko sila tungkol sa napagusapan namin ni Ann kanina.

"Ano ba yung sasabihin mo Shai?" Tanong ni Khyle

"Sabihin mo na yung totoo kay Ann, Tim."

"What?!"

"Yeah, trust me. Nagkausap kasi kami kanina habang naghuhugas, then I asked her anong gagawin nya kapag gangster kayo."

"Anong sagot nya bes?" Tanong ni Jed

"She told me na matatanggap nya yun as long as ipu-prove mo daw na hindi ka katulad ng ex nya."

"Takte beb! Naprove na ni Tim yun una palang." Reklamo naman ni Aj

"Pwede patapusin ako? Puro kayo side comments eh."

"Go on shai." Seryosong sabi ni Timothy.

"Then sabi pa nya, kung sa ibang tao pa daw manggagaling eh dun daw sya magagalit at lalayo. So I guess dapat sabihin mo na, habang hindi ka pa nauunahan ni Charles and the other people na nakakaalam na gangster kayo."

"Tama si Shaina bro. Baka mamaya bigla nalang sabihin ni Charles ang lahat kay Ann. Tsaka in the first place, nagawa mo ng iprove sa kanya na mahalmo sya at seryoso ka sa kanya. You just did so many impossible things na si Ann lang nakapagpagawa sayo." Sabi ni Lawrence

"Fine, ill tell her tomorrow, I need you all out here tomorrow morning, gusto ko syang makausap ng kami lang."

"Ok, masusunod po your highbess." Sabi namin lahat.

Nagsiakyat na kami sa mga rooms namin syempre by pair, then yun na nagsitulog.

Timothy's POV

Pagpasok ko sa room namin ni Ann, nakita kong nagising sya.

"San ka galing?" Tanong nya at nag inat pa, another pagpupuyat to, hirap pa naman patulugin nito.

"Nagpahangin lang kami sa baba, akala ko kasi tulog ka eh."

"Ang ingay ng pag-bang nung mga pinto eh." Sabi nya at yumakap sa akin.

"Babe, magagalit ka ba kapag nalaman mong gangster ako?"

"As long as sayo manggagaling bakit ako maggalit? Nagpakatotoo ka eh, at naglakas loob ka kahit na alam mong gangster hater ako, tsaka na-prove mo na kasi na mahal mo talaga ako."

"So hindi ka magagalit?"

"Nope, pero kung sa ibang tao ko pa malalaman, dun ako magagalit kasi syempre nagmukhang tanga ako eh. Teka nga lang, kanina si Shaina nagtanong ng same question, konti nalang iisipin ko na gangster ka eh."

"I am."

"W-What?" Tanong nya at napaupo, kaya umupo narin ako

"Gangster ako babe. Kami nila Aj."

"Kelan pa?" Seryoso nyang tanong. Nagsimula akong kabahan

"Matagal na. Dont get mad, may balak talaga akong sabihin sayo, humahanap lang ng right timing, then Shaina told us na sabihin na sayo dahil nga sure na sya na hindi ka magagalit. Sorry if tinago ko sayo, natatakot lang naman ako na baka layuan mo kami eh."

"Bakit di kayo nakikipag away?"

"Yung mga late night hang outs namin gang war yun, di lang namin sinasabi sayo kasi nga di mo pa alam that time, and kanina umaga oo nagstroll kami pero after na ng gang war kami nagstroll."

"Ok." Sabi nya at humiga ulit at yumakap sa akin.

"H-Hindi ka galit?"

"Hindi, inaantok lang. Tulog na tayo babe." Sabi nya kaya naghumming lang ako ng kahit anong kanta hanggang sa pareho na kami makatulog.

Ann's POV

Pagkagising ko, duniretso ako sa balcony ng room namin, di lang masink in sa akin na gangster sila Timothy, ang gwapo naman nilang gangster? Sa lahat ng gangster sila yung nakita kong gwapo, tapos wala sa porma at ugali nila yung pagiging gangster. Pero dont get me wrong ah! Hindi ako galit kasi at least nagsabi sya ng totoo, oo may inis pero syempre mahal ko sya eh, tsaka pinaramdam nya sakin lahat lahat ng hindi naiparamdam sa akin ng ex kong heartbreaker.

Nang maramdaman kong kumalam yung sikmura ko, bumalik na ako sa loob ng room namin at ginising yung boyfriend kong gangster.

"Babe gising na babe." Para akong bata dito na ginigising yung magulang nya.

"Hmm." Halatang puyat oh!

"Bangon na babe ko, nagugutom na ako. Baba na tayo." Hinihila ko yung braso nya para tumayo.

Nahihila ko na sana sya patayo kaso isang hilaan lang nya ayun! Nasa ibabaw na nya ako.

He then captured my lips, papikit na sana ako kasi ang sarap nya humalik kaso....

"OH SH*T! ANG AGANG PORN NYAN AH!" sabi nung apat na ugok.

Bibitaw na sana ako dahil sa hiya ang kaso, he pressed me even more to give more access to him, at binato nya lang ng unan yung apat na nakapagpalabas naman sa kanila sa room namin. Ilang minuto lang kami naghalikan sa kama namin at tumigil narin kami baka mamaya ma-rape ko pa to eh. Virgin pa ko noh!

"Nakakahiya! Nakita pa nila tayo, ang aga aga kasi ang manyak eh."

"Anong nakakahiya dun? Ginagawa rin naman nila yun sa mga girlfriend nila eh. Tsaka ang gwapo ko namang manyak."

"Tss. Buhat na naman ang sariling bangko. Ah basta! Nakakahiya yun babe, they caught us in the act of kissing while im above you!"

"Nasa bandang abdomen kita diba? Wala silang iisipin na masama dun, akala ko ba dating playgirl ka? Eh bakit hindi mo alam na make out ang tawag dun?"

"I know what that is."

"Oh alam mo naman pala eh. Mahiya ka kapag nakita nila na ako ang nakapaibabaw sayo, dahil alam mo na ang takbo ng utak nila."

"Oo na oo na, talo na ko. Pero kasi kanina pa ako nagugutom eh, baba na tayo babe."

"Tara na nga." Inalalayan nya akong bumaba ng kama at inayos lang nya yun at bumaba narin kami.

"Aalis pa ba kami dude?" Tanong ni Ken

"No need, nasabi ko na kagabi." So yung about sa pagiging gangster nila yun?

"Teka lang ah! So dahil gangster kayo, meaning nakalaban niyo narin sila Charles?" Takang tanong ko

"Yep, maraming beses na, simula nung nililigawan ka palang ni Timothy."

"Eh? Diba sa ganyan may mga pusta yan?"

"Yeah, minsan condo, minsan latest big bike and madalas car, pero lately tao ang pinagpupustahan eh." Sabi ni Aj habang kumakain ng pasta.

"Tao? Sino?" Tanong ko kaya nagtitigan sila, at tumingin sa akin. "Is it by any chance me?" Dahan dahan kong tanong habang kinukuhaan ako ni Timothy ng food.

"Yeah. Masyado ka kasing maganda at mabait, kaya madaming naaattract sayo na leaders ng ibang gang. Nakita ka nila on facebook then nagkagusto sayo, kaya kahit hindi mo napapansin may mga secret body guards na nakabantay lagi dyan." Pagpapaliwanag nk Tim

"Pati gang nila charles?"

"Nope, iba ang issue kila Charles. Sila naman gusto kang makuha as their gang leader. Syempre hindi ako pumayag, mamamatay muna ko bago ka nila makuha." Sabi nya ng seryoso at hinalikan ako sa noo.

"Wala namang ganyang usapan, ako papatay sa inyo eh."

"Ann naman, kapag pinatay mo kami, mababawasan na yung gwapo sa mundo" sabi ni Khyle

"At sino nagsabing gwapo kayo?"

"Parents namin syempre."

"Ah akala ko si Madam Auring eh."

"Grabe talaga to."

Nagtawanan nalang kami at kumain na dahil magsisimba kami.

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now