31

817 19 0
                                    

Shaine's POV

Hi si Shaine Arguellez to, bestie ni Anneng na ito lasing na lasing na. Kanina pa yan sya nagkukwento about what happened last night, simula nung kumanta sya sa harap ng maraming tao hanggang sa lintang yun.

Sa totoo lang, naaawa na ako sa babaeng to. Kahit tatanga tanga sa ibang bagay yan mahal na mahal namin yan, sya kasi pinakabata sa amin, ayaw na ayaw naming sinasaktan ng kung sino sino yan. Pero alam rin naman namin kung gaano sya kamahal ni Timothy eh, alam namin na sa paligid may mga secret agent na nagbabantay kay Ann, mga hired agent ni Timothy yun. Ganyan nya protektahan si Ann.

Ito na si Ann nakatulog na dito sa table kakaiyak at dala narin ng kalasingan.

"Naaawa ako kay Ann." Bigla kong sabi

"Oo nagkakatampuhan sila, pero childish cry lang yung mga iniiyak nya eh. But now, its different, she's really hurt." Sabi naman ni Jed

"Bakit kasi di pa magpalit si Tim ng number eh, si Ann nga nagawa nyang magpalit ng number eh, bakit si Tim hindi magawa yun?" Sabi ni Shai. Totoo yun nagpalit si Ann ng number kasi nagalit si Tim one time at may nakasapakan dahil isa yun sa mga nakafling ni Ann noon.

Playgirl tong bestfriend namin pero virgin pa yan noh! That's what we admire about her, hindi nya hinahayaang makuha yun ng kung sinuman. At si Timothy lang yung sineryoso nya at nagpakaloyal sya simula nung naging playgirl sya. She really love Timothy.

"Girls!" Rinig naming tawag ng mga lalaki.

Napako yung tingin ni Timothy kay Ann na ngayon humihikbi hikbi parin, oo tulog yan pero for sure nananaginip yan na uniiyak sya.

"Tim, iuwi mo na si Ann." Sabi ni Abby kay Tim.

"Oo nga, lasing na lasing yan eh, and pagod kakaiyak, kaya hinayaan naming umidlip habang hinihintay kayo." Sabi ni Jed

"Salamat sa pagsama sa kanya." Sabi nya samin

"Malamang sa malamang sasamahan namin yan kahit saan pa kami makarating kasi bestfriend namin yan eh. Iniingatan namin sya katulad ng pag iingat ng pamilya nya sa kanya." Sabi ko. "At ang sakit sa amin na nakikitang nagkakaganyan ang bestfriend namin, this is the first time na nagkaganyan sya. Kahit di nya sabihin alam namin how hurt she is." Dagdag ko pa.

Binuhat na nya si Ann at sabay sabay na kaming tinungo ang Parking Lot. Pinwesto nya si Ann sa shot gun seat at inadjust para umislant at makahiga si Ann.

"Tim! Sana ito narin yung huling beses na magpapakalasing si Ann at iiyak, kung kami sayo, magpalit ka na ng number dahil never titigil ang mga linta kahit na may girlfriend na ang isang tao." Sabi ni Shaina

"Simula nung naging kayo, she became different in a better way, hindi kami mangingialam dahil relasyon niyo yan, pero kami yung nakakakita ng kahinaan at sakit ng kaibigan namin kaya dont expect na mananahimik lang kami. Were giving you until tomorrow to change your number, kapag hindi ka parin nagpalit, sorry to say kami mismo ang magtatapon ng phone mo sa kung saan man na madaanan namin na ilog." Sabi ni Jed

Tumango lang si Tim at pinaandar na yung sasakyan nya at nauna na silang umalis

Timothy's POV

Pagkadating dito sa condo ko, agad ko syang inihiga sa kama ko at kumuha ako ng basin at bimpo tsaka nilagyan na alcohol na may maligamgam na tubig para ipunas sa kanya.

She's sleeping silently, napatingin ako sa mukha nya, may bahid pa ng luha sa gilid ng mga mata nya, halatang kagagaling sa iyak. Ganun ko na ba talaga sya nasasaktan? Bakit hindi nya sabihin sa akin?

"Dapat alam mo ang bawat expression ni Ann, hindi sya mahilig magpakita ng emosyon or magsabi ng kung anong nararamdaman nya kaya pakiramdaman lang yan."

Oo nga pala sinabihan na ako noon nila Shaina at Jed na hindi sya showy na tao, mas gusto nyang tinatago yung sakit kesa sabihin dahil ayaw nyang macriticize.

Sisimulan ko na sana syang punasan nang mag-sleep talk sya.

"Girls, alam niyo naman gaano ko sya kamahal diba? Pero bakit ganun? Boyfriend ko na sya pero bakit may part sa akin na nasasaktan ng sobra? Akin sya diba? Hahahaha boyfriend ko nga lang pala sya but I cant call him mine." She sleep talk, at may tumulong luha and she laugh bitterly.

"Sshh...hush now babe, im all yours walang makakaagaw sa akin sayo."

"Ang galing, naririnig ko sya, am I hallucinating? Mangyayari na naman ba yung nangyari noon? Nakakapagod na kasing masaktan ng paulit ulit eh." She started sobbing until she fell asleep again, hindi ko na sya nagawang punasan dahil nanakbo na ako papuntang guest room at dun ko initak lahat. Oo gangster ako pero pagdating sa taong mahal ko, kahit dugo pa iiyak ko gagawin ko, ganun na pala sya nasasaktan nang dahil sa akin. Bakit ang manhid ko? Malakas ang pakiramdam ko pero bakit hindi ko naramdaman na ganun ko na sya nasasaktan?!

Ann's POV

Kahit nahihilo pa ako, iminulat ko yung mata ko, naririnig ko yung boses nya eh, it feels like he's assuring me na sa akin lang sya.

Pagmulat ko ng mata ko disappointment ang nafeel ko, im in his room but he's not here, baka panaginip lang yun, ito na naman puso ko kumikirot. I expect him to be here and taking care of me pero wala pala sya. Hayss assuming ka pala talaga Ann.

I closed my eyes again pero hindi ako tulog, yung panaginip na sinasabi nya sa akin na walang makakaagaw sa kanya sakin, para syang totoo, pinupunasan pa nga daw nya ako nun eh, pero oo may basin at bimpo pero walang bahid ng punas yung katawan ko, why so assuming Ann?

Ano bang nangyari habang tulog ako? Inihatid pa yata ako nila Abby dahil sa kalasingan, Argh ewan! Sumasakit lang ulo ko kapag inisip ko. Masakit na nga puso ko tas gagawa pa ko ng dahilan para pati ulo ko sumakit. Itutulog ko nalang ulit to

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now