32

858 17 0
                                    

Ann's POV

Nagising ulit ako dahil sa isang phone call, im sure that's mine. Naramdaman ko rin sa tabi ko si Tim at sya ang sumagot sa tawag. Sinilip ko konti yung sa veranda ng room nya, gabi na pala. Nagugutom ako pero ayoko muna talaga syang makausap. Im sure mangungulit lang sya ng tanong kapag nalaman nyang gising ako.

"Hello?.....Oh Abby? Si Timothy to.... Oo tulog parin sya eh, nag aalala nga ako di pa sya nagdidinner baka gutom na to... Yeah I already changed my number... Try kong gisingin para makakain kahit konti... Sige sige bye." So si Abby yung tumawag sa phone ko.

Maya maya pa narinig ko yung panggigising nya sa akin.

"Babe." Tawag nya habang tinatapik tapik yung braso ko ng mahina.

"Hmm." Kunwari tulog

"Gising ka muna babe, kain ka muna, gabi na oh wala ka pang kinakain na kahit ano."

"Busog ako." Inaantok kong sabi at tinalikuran sya.

"Dali na babe, kahit konti lang magkalaman lang yung tyan mo. Dali na babe, pinagluto kita ng soup para mawala hang over mo. Dali na babe please kain ka muna." Sabi nya. Wala na akong ibang nagawa kundi ang bumangon.

Bumangon ako at bumaba na papunta sa kitchen at umupo sa kitchen counter, dada lang sya ng dada habang naghahain ng pagkain ko pero ako, parang wala lang naririnig.

"Masakit pa ba ulo mo? Gusto mo hilutin ko?" Tanong nya

"No need." I simply said. Oo masakit sa akin na bigyan sya ng ganito ka-cold na treatment pero ewan ko ba, mas nasasaktan kasi ako eh, girlfriend nya ako oo pero di ko maiwasang masaktan sa mga ganung bagay.

"Sorry." Bigla nyang sabi. Napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi nya, pero nagkunwari nalang akong walang narinig at I continue eating.

"Busog na ko." Sabi ko at dumiretso ako sa guest room at ni-lock yung pinto. Rinig na rinig ko yung pagkatok nya.

"Babe, open the door please. Sorry for everything, sorry kung di agad ako nagpalit ng number, sorry kung hindi ako nakinig sayo, sorry kung naging unfair ako sayo, im really sorry, alam ko galit ka parin sakin, hindi ka naman maglalasing kung wala lang yun eh. I already change my number, wala ng manggugulo sa akin, sa atin. Babe sorry na please." Natigil sya sa pagkatok katok sa pinto, akala ko wala na sya pero nagulat ako nang magsalita ulit sya, andito lang naman ako sa pinto nakasandal eh.

"Alam mo bang ang sakit? Oo babe, nasasaktan ako because of your cold treatment to me. I know walang maniniwala kasi I really never cry, you're the only girl that really made me cry, kanina nung nagsasalita ka habang tulog, that's how I realize na sobra ka na palang nasasaktan, akala ko saya lang nafifeel mo eh pero mas nangingibabaw pala ang sakit, ang galing mo lang talaga magtago ng true feeling mo, I saw it earlier, sorry kung sobra ka ng nasasaktan, I didnt mean it. Oo siga ako pero kung yung babaeng mahal ko ang usapan, kahit dugo pa ang iiyak ko, iiiyak ko yan basta para sayo. Ganun kita kamahal babe. Sorry please sorry." HE CRIED?! kaya ba wala sya nung gumising ako kaninang tanghali? Totoo ba yung panaginip na yun na kinakausap talaga nya ako habang tulog? Umiyak ba talaga sya?

I feel how hurt he is dahil sa cold treatment ko sa kanya pero hindi ba pwedeng mas masaktan ako? I really want to forgive him, pero I dont know what's stopping me. Mahal ko rin naman sya eh, sobrang mahal ko sya, kaya nga nagtino ako nung naging kami diba? Kaya kong gawin yung imposible pagdating sa kanya, I even deleted my facebook account at gumawa ng bago kasi ang daming nag aadd sakin na mga nakafling ko, nagawa kong talikuran yung pagiging playgirl just for him.

"If you're hurt, mas nasasaktan ako. Ang sakit lang kasi na kung hindi pa ako naglasing hindi ka rin magpapalit ng number para tantanan ka na ng mga nakafling mo. Ang sakit kasi yun yung nagiging reason ng pagtatalo nating dalawa, yes, im childish at ako yung mahilig manakit, kaya nga playgirl diba? But Tim, ikaw yung nagpatino sa akin, and now naramdaman ko naman masaktan. Matulog ka na, matutulog narin ako, pagod na ako." Sabi ko at pinunasan yung mga luhang tumulo galing sa mata ko.

Humiga ako sa kama dito sa guest room pero hindi rin ako agad nakatulog, kaya tinawagan ko si Jed

"Hello bes, natutulog ka na ba?"

"Hindi naman, nanunuod pa ako eh, ok ka na ba?"

"Ewan ko bes, may karapatan naman akong masaktan diba?"

"Oo naman bes, duh! Girlfriend ka kaya! Pero bes, why dont you talk to him, yung maayos na pag uusap, hindi yung lasing ka, hindi yung puno ka ng galit."

"Parang di ko pa kayang makipag usap sa kanya. Mababaw pero nakakapuno eh, napuno na ako kasi kung hindi pa ako naglasing hindi rin sya magpapalit ng number, kung hindi pa ako umiyak habang nagsisleep talk at ito nga lasing, hindi pa rin nya marirealize kung gaano ako nasasaktan dahil sa mga naghahabol sa kanya at binabalak sirain yung relasyon namin. Ang sakit bes eh."

"Oh! Iiyak ka na naman eh. Tahan na bes. Try mo kasing magsalita bes hindi yung tinatago mo yung totoong nararamdaman mo, yun yung isang key para hindi puro away o tampuhan. Sabihin mo sa kanya kung naiinis o nagseselos ka, para hindi sya clueless."

"Ang hirap bes, nahihirapan ako. I tried doing that many times pero natatakot ako na baka magtake advantage lang rin sya katulad nung ginawa ni Dominic noon, natatakot ako na baka kapag nafall na talaga ako and I cant afford losing him, baka dun naman din nya ako biglang iwanan."

"Bes, listen to me. Dominic and Timothy are two different guy. Magkaiba sila bes, iba si Timothy kay Dominic. Tsaka sige nga yung mga nagagawa ba ni Timothy para sayo, nagawa na ba ni Dominic yun? Hindi diba. Magstart tayo sa fb, picture mo ginawa ni Tim na cover photo, picture niyong dalawa ginawa nyang profile picture, and almost everyday nagpopost sya ng stolen mo or picture mo sa instagram and sinasabi nya how lucky he is to have you even sa twitter ang active nya at ganun mga post nya lagi kang binibida. He's really proud to have you in his life, bes. Nagawa ba ni Dominic na ipagmalaki ka? Hindi bes."

"Ewan ko bes, naguguluhan ako."

"Itulog mo na yan, pagod ka lang. Kausapin mo nalang sya bukas kapag wala ng bahid ng alak sayo."

Pinatay ko na yung tawag at di katagalan nakatulog narin ako

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now