36

788 20 0
                                    

Ann's POV

Andito ako sa living room ngayon, well hindi lang pala ako, andito kami lahat, nanunuod kami ng movie, itong mga lalaki pormang porma.

Inamoy amoy ko si Timothy, ganun parin namn pabango nya. Ang sarap lang amuyin HAHAHA

"Pormang porma tayo ah, saan date niyo?" Pang aasar ko sa kanilang 5

"Ito katabi namin yung mga date namin eh." Sagot ni Aj

"Ganda ng mga porma eh, dinaig pa may date eh, at ang mga pabango oh! Parang pinaghandaan eh." Pang aasar din ni Jed, kanya kanya kaming amoy sa mga boyfriends namin.

"Sino kadate mo babe? Parang may pinaghandaan kang date eh." Pang aasar ko.

"Tss." Sabi nya habang nakatingin sakin, ako naman nakataas yung paa ko dito sa sofa habang nakaupo at nakasiksik sa kanya. "Mabuti pa matulog ka na, paalis narin kami eh."

"Edi umalis na kayo, big deal ba yun?"

"No, papatulugin muna kita bago ako umalis." Sabi nya. Inalalayan nya na ako patayo at nagtungo na kami sa hagdan. "Hintayin niyo ko mga gunggong ah! Papatulugin ko lang to." Sabi nya at umakyat na kaming dalawa sa kwarto namin.

"Ge lang tol." Rinig kong sigaw ni Aj at Khyle.

Humiga na ako sa kama at nagkumot, tinabihan nya ako at nagsimulang mag-humming, ganyan nya ako patulugin, para akong bata noh? Baby princess daw kasi nya ako.

Timothy's POV

Pagtingin ko kay Ann, malalalim na yung paghinga nya at mahimbing na yung tulog nya. Inangat ko nalang yung kumot hanggang sa balikat nya para lang hindi sya lamigin, at hinalikan sya sa noo tsaka lumabas na.

"Ano tol? Tulog na?" Tanong ni Lawrence

"Oo, tara na." Sabi ko. Nagsitayuan na sila at nagpaalam na sa mga girlfriend nila.

"Girls, kayo na bahala kay Ann ah, call me kapag nagising sya." Sabi ko

"Seriously Tim? Makikipagbugbugan ka tapos papatawagin mo kami sayo? Tsaka malaki na si Ann, wag mong i-baby baka maspoiled." Sabi ni Jed

"Ok lang yan. Basta kayo na muna bahala sa kanya ah. Salamat." Sabi ko nalang at umalis na kami

~~~

"Oh just in time SDG" sabi ni Elmo "Oh? Hindi mo kasama yung chix mo Jake?" Pagtatanong nya.

"Hindi naman kasi sya bagay sa ganitong lugar at kaganapan."

"Sa bagay masyado syang maganda at makinis para dito."

"Akala ko para sa babae lang ang salitang linta, pwede rin pala sayo?" Sabi ko at ngumisi. "Tsaka mas bagay kami kesa sa inyo eh, maganda sya, gwapo ako, diba? Perfect match. Eh kesa naman sayo, maganda ang girlfriend ko tas ipapartner sa mukhang yan? Walang magiging future ang girlfriend ko sayo."

"Sinasabi mo bang pangit ako?"

"Wala akong sinabing ganyan. Ikaw ang nagsabi nyan sa sarili mo." Tumatawa kong saad.

"Aba gago ka pala eh!" Sabi nya at biglang sumugod, buti nakaiwas ako bigla. Tss kami ang kinalaban nya eh weaklings naman sila.

*BOOGSH*

*BLAAAG*

Suntok dito suntok doon ang ginagawa namin, pinupuntirya ko ang vitals nya para mapabagsak agad.

Nang makahanap ako ng tyempo, agad ko syang in-uppercut at sinakto ko sa panga nya atsaka ako umikot para sipain sya sa mukha! And holla, bagsak na sya!

"Ang usapan ay usapan, Elmo! Kaya tigilan mo na kami ng girlfriend ko. Dahil kapag hindi ka tumupad, hindi lang yan ang maaabot mo." Sabi ko sa kanya at umalis na kami.

"Napuruhan ka sa gilid ng labi dude ah." Sabi ni Khyle

"Gago yun eh, sisirain pa yung gwapo kong mukha." Sabi ko habang pinupunasan yung dugo sa gilid ng labi ko.

"Gwapo, baka kwago!" Asar ni Aj

"Lul mo muka mo Alex! Tsaka si Ann na mismo nagsabi na gwapo ako."

"Baka naman malabo lang mata ni Ann pre?"

"Kung ako kwago, ikaw gago!"

Bigla kaming nanahimik nang tumawag si Shaina

"Hello Shaina?"

"Ah Tim, tapos na ba?"

"Oo bakit? Pauwi na kami"

"Bilisan niyo Tim, si Ann kasi nilagnat bigla, ayaw nya magpadala sa ospital, hihintayin ka nalang daw nya."

"Shit! Sige sige bibilisan namin. Salamat Shai." Sabi ko

"Anyare dude?"

"Law bilisan mo! Ifull speed mo na! Wala namang huli ngayon eh kasi midnight na"

"Anyare ba?"

"Si Ann inaapoy ng lagnat, ayaw daw magpadala sa ospital." Sabi ko kaya nabilisan nya ng wala sa oras at agad kaming nakarating sa bahay.

Nanakbo ako papunta sa kwarto namin at andun nga sya, lamig na lamig, nanginginig na sa lamig kahit na nakapatay na yung aircon at nakasarado yung mga bintana.

"Ken, pakitawagan yung pinsan ko please." Sabi ko at agad naman nyang tinawagan yung pinsan kong doctor. "Babe, wake up, andito na ko oh, papunta na yung pinsan kong doctor" sabi ko idinilat naman nya yung mata nya.

"Pakuha naman ng basin at bimpo palagyan ng maligamgam na tubig tapos palagyan ng alcohol." Sabi ko.

Kinuha ko sa walk in closet namin yung pinakamakapal kong jacket at isinuot ko yun sa kanya, tumabi ako sa kanya at inapply ang body heat. She still freezing.

Maya maya pa dunating na yung pinsan ko.

"Anyare, couz?" Tanong nya

"Girlfriend ko, inaapoy ng lagnat." Sabi ko. Napangiti naman sya ng makahulugan pero sumeryoso din agad at chineck ang temp ni Ann pati ang blood pressure nya.

After nya icheck si Ann, at siguro tulong narin yung maligamgam na tubig na ipinahid ko sa kanya, nakatulog na ulit si Ann. Tinabihan ko nalang sya habang yakap yakap ko sya. Kami nalang ng pinsan ko ang andito

"Sya pala yung kasama mo sa profile pic mo sa fb."

"Yeah, her name is Ann, girlfriend ko."

"Ang ganda nya Tim, for sure mabait din, ang amo ng mukha nya eh. Kung ako sayo, di ko na papakawalan yan."

"Wala naman akong balak pakawalan sya eh. Sige na baka hinahanap ka na ng asawa mo Ate Nicka, salamat ulit ah, bawi ako next time. Hindi na kita mahahatid, baka kasi magising ulit to eh. Sila Khyle nalang maghahatid sayo."

"Wala yun anu ka ba, sige na kaya ko na sarili ko. Ingatan mo yan ah, bumawi ka kapag magaling na girlfriend mo. Sige na goodnight."

Sabi nya at lumabas na ng kwarto namin. Tinignan ko lang si Ann, ang himbing na ng tulog nya at hindi na sya nagfifreeze. Kaya natulog narin ako

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now