37

811 22 0
                                    

Timothy's POV

Oras oras nagigising ako kapag gagalaw sya, tas makakatulog ulit kapag mahimbing na yung tulog nya. Every 2 hours nagigising ako to check her.

And syempre after 2 hours nagising na naman ako, I checked the time 9am na. Chineck ko yung temp nya, good thing bumaba na, from 40 to 37. Maya maya minulat nya yung mata nya.

"Good Morning, are you feeling well already?" Tanong ko

"Yeah, galing ng nurse ko eh." Sabi nya and smile kahit na alam kong nanghihina pa sya. Napako yung tingin nya sa labi ko at kumunot ang noo. "Bakit may sugat ka sa gilid ng labi mo?" Tanong nya

"Eh kasi kakamadali namin kagabi dahil tumawag si Shaina na inaapoy ka ng lagnat, ayun napuruhan sa edge ng pinto ng sasakyan, gagaling din yan." Sabi ko nalang

"Thank you, alam ko napuyat ka dahil sakin."

"Dont say that."

"Babe. Pwede wag muna pumasok? Gusto ko pa matulog."

"Sure. Text ko nalang si Kuya Eric. Let's sleep again na." Sabi ko at natulog kami ulit

~~~

Maya maya nagising ako dahil may kumakalabit sa akin, pagtingin ko nakasiksik sa akin si Ann at tulog na tulog.

"Ano?" Tanong ko kay Khyle

"Nasabi na nila Abby kay Sir Eric na may sakit si Ann, and kami aalis na baka malate kami, ingat kayong dalawa dito, yung mga guards nakapaligid lang dyan sa tabi tabi."

"Sige, ingat." Sabi ko at lumabas na sya. Narinig ko yung pag andar ng mga sasakyan nila kaya alam kong nakaalis na sila.

Binalingan ko ng tingin si Ann, para syang bata na nakasiksik sa akin, hinawi ko yung ilang hibla ng buhok nya na nakaharang sa may pisngi nya, nakatagilid kasi sya eh.

"Babe, gising muna babe."

"Hmm."

"Gising ka muna babe, kain ka muna para makainom ka ulit ng gamot."

Nagmulat naman sya pero niyakap lang ako at lalong isiniksik yung sarili sa akin.

"Anong gustong kainin ng babe ko?" Tanong ko

"Noodles pleaseeee." Sabi nya habang nakapikit yung mata.

"Tara na sa kitchen para makakain ka ng noodles." Sabi ko at tumayo na. Sya naman nakahiga parin.

"Buhaaaaaat" sabi nya habang nakapout. Aish! Ginagamit na naman nya yung pagpapacute nya sakin.

Inalalayan ko syang umupo at nagpiggy back ride naman sya sa likod ko. Mainit parin sya pero hindi na katulad kagabi na sobrang init, mild nalang yung init nya ngayon. Nagpainit nalang ako ng tubig at nang kumulo nilagay ko yung noodles at hinintay itong maluto.

"Luto na." Sabi ko at inilagay sa isang bowl yung noodles na niluto ko at inilapag sa mesa. "Oh mainit pa yan ah." Sabi ko at hinugasan muna yung pinaglutuan ko.

"Masakit pa yung sugat mo babe?" Tanong nya pagkaupo ko sa tabi nya.

"Medyo bakit?"

"Gagamutin ko please, para gumaling na."

"Ikaw yung maysakit kaya ikaw ang dapat gumaling." Sabi ko naman sa kanya. "Say Ah." Ngumanga naman sya kaya isinubo ko sa kanya yung spoonfull of noodles. "Masarap?"

"Yup. The best cook kaya yung nagluto kaya for sure masarap."

"Nambola pa." Sabi ko at sinubuan lang sya ng noodles hanggang sa maubos nya. Pinainom ko narin sya ng gamot.

Andito kami sa kwarto ulit namin, everytime na isisiksik nya yung sarili nya sakin, hindi ko maiwasang hindi...alam niyo na....malaki ang respeto ko sa girlfriend ko pero syempre lalaki rin naman ako natutukso. Kaya sa mga ganitong sitwasyon grabeng pagpipigil yung ginagawa ko, mahirap oo pero kahit napakahirap gagawin ko dahil nirerespeto ko sya.

"Babe." Pagtawag nya sakin.

"Yes?"

"Wala lang." Sabi nya at ngumiti.

I kissed her passionately on her lips. Sh*t! Ang lambot talaga ng labi nya, nakakaadik halik-halikan. I stop and we both gasp for air.

"I love you." Bigla kong sabi sa kanya.

"I love you too." Sabi rin nya

"Ayan na magaling na yung sugat ko." Sabi ko at ngumiti sa kanya

"Bolero, chansing ka lang eh."

"Hindi ah, kamusta na pakiramdam mo?"

"Ok na, galing kasi ng nurse ko eh, with magic kiss pa kaya gumaling na ako."

"Kita mo, makasabi ka ng chansing, gusto mo rin pala."

"Hahahaha~! Babe, kapag nagkabahay tayo, gusto ko ganito lang kalaki."

"Bakit naman?"

"Eh kasi eh nakakasawa na yung mala-mansion na bahay, gusto ko yung sakto lang para hindi yung tipong nasa iisang bahay pero halos maghanapan na kasi ang laki."

"Mas ok nga yung malaking bahay para sa basketball team na gagawin ko eh"

"BASKETBALL TEAM?! SERIOUSLY TIMOTHY JAKE ROSALES?! Hindi ganun kadali manganak noh! Palibhasa kasi hindi kayo yung mahihirapan kaya akala niyo ganun lang kadali manganak."

"Joke lang, babe. Ito naman hindi mabiro. Ok na sakin yung 5."

"No! 3 and that's final!"

"Ok lang basta dapat dalawang lalaki at isang babae "

"Bakit naman?"

"Para may poprotekta sa little Ann natin kapag wala tayo, at para bantay sarado sa mga manliligaw."

"Kawawa na naman magiging baby girl natin, paghihigpitan ng tatay at kuya. Di naman ako pinaghigpitan ni Daddy eh."

"Syempre iba na ngayon, gusto ko masure yung safety ng family natin, ayokong matulad sa mga ibang bata yung magiging baby girl natin, gusto ko lumaki sya katulad ng mommy nya."

"Wow naman pala! And the best daddy goes to."

Takte naging usapang pamilya ah! Gusto ko na tuloy sya pakasalan, kaso alam ko this isnt the right time, ni hindi pa nga nya alam pagiging gangster ko diba? Im sure she'll hate me kapag nalaman nya.

"Babe, gangster-hater ka pala?"

"Yeah, kapag kasi nakakakita ako ng gangster naiisip ko na mapaglaro sila eh at hindi naneneryoso. And I promise myself na hindi na ulit ako magpapaloko sa isang gangster."

Paano ko ngayon masasabi sayo yan? Bigla akong pinanghinaan ng loob.

"Hindi naman siguro lahat."

"Ah basta ayoko parin sa gangster."

"Babe, kapag ginugulo ka nung gang ng ex mo sabihin mo lang sa akin ah, lalabanan ko sila wag ka lang nilang guluhin."

"Wag na, baka mapano ka pa. Tsaka kung hindi mo alam, marami na silang nabugbog."

Tss! Yung mga yun? Eh weakling yun sa g-war eh, malakas lang naman sila noon dahil kay Dominic.

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now