24

972 22 0
                                    

Timothy's POV

"Sino na namang naghahamon?" Tanong kila Khyle.

"Sino pa ba? Sino ba naghahamon lately? Gang ng ex ni Ann." Sagot ni Aj

"Nasan na nga pala si ann?" Tanong ni Ken

"Naihatid ko na sa first class nya."

"Di ba sya naghinala?"

"Di naman. Sinabi ko lang na nangtrip kayo at maghahangout tayo until 10pm lang." Sagot ko

"Kelan mo balak sabihin?"

"This is not the right time." Sagot ko

"GUYS GUYS GUYS!!!!!" Napalingon kami sa nagsisisigaw na si Shaina habang nananakbo papunta sa amin.

"Oh bakit Shai? Parang madaling madali ka?" Tanong ni Khyle.

"Oo nga mahal, anong nangyare sayo?" Tanong ni Aj sa kanya

"S-Si Ann!"

"Anong nangyare kay Ann?!" Tanong ko habang alalang alala

"Nagrarambulan sila ni Dianne sa room. Wala kasi si Kuya Eric absent kaya wala kaming prof."

"WHAT?!" Sabi ko at sabay sabay kaming nanakbo papunta sa room nila. Ayun nga nadatnan namin nagsasabunutan silang dalawa, kaya agad kong inilayo si Ann kay Dianne.

"ANO BANG PROBLEMA MONG BABAE KA?! PWEDE BA TANTANAN MO YUNG GIRLFRIEND KO! BAKA AKO NA BUMUGBOG SAYO!" bulyaw ko kay Dianne. Nilapitan ko si Ann at inayos yung buhok nya. "Are you ok?"

"Yeah. Sadyang judgemental lang yang demonyong yan." Sabi nya at sinamaan ng tingin si Dianne.

"Ano ba talagang nangyari dito? Ano bang problema mo Dianne at bigla bigla mong sinusugod si Ann!" Sigaw ni Shaine sa kanya

"Hindi niyo alam yung ginawa ng kaibigan niyo sa akin?! Sya ang may pakana ng mga pinturang bumuhos sa akin!" Napatingin ako sa kanya at halo halong kulay nga ng pintura ang nakabalot sa kanya.

"Gago ka bang demonyo ka?! Nananahimik akong umiidlip dyan sa pwesto ko tapos sasabihin ako may pakana?! Eh halos magkasabayan lang tayo!" Sigaw ni Ann sa kanya.

"Tama na, babe." Sabi ko nang may mapansin akong cut sa labi nya.

"Sa susunod, siguraduhin mo yung sisisihin mo! Pero sa susunod I will make sure na ako na ang gagawa ng lahat ng yan sayo! Just wait Dianne" sabi nya.

"Kayo na bahala dito." Sabi ko kila Khyle at inalalayan papuntang clinic si Ann.

Habang nanglalakad kami, chineck ko yung cut sa labi nya.

"Si Dianne may gawa nito?" Tanong ko at hinawakan yung sugat

"Masakit! Wag ka na mangialam baka madamay ka pa." Sabi nya at hinawi yung kamay ko.

"Wala kong paki kong idamay nya ako, basta ito na yung una at huling beses na sasaktan ka nya! Kapag sinaktan ka nya ulit, ako na makakalaban nya!" Madiin kong sabi at dinala na sya sa clinic.

Ann's POV

Nakakabwisit talaga yung babaeng yun! Susugod sugod sya hindi ko naman alam yung nginingitngit nya! Aish! Nagkasugat pa ko sa labi nang dahil sa kanya!

"Princess! What happened?!" Nagulat ako sa pinsan kong parang si kuya kung mag overprotective. Si Chris the panget. Well sa angkan namin ako ang bunso sa lahat sa aming magpipinsan.

"Kuya Chris?! Diba nasa Australia ka?!" Napatayo na ko ng wala sa oras nang dahil sa gulat

"Pabo! I arrived last night, kaso dun ako nagstay sa condo ko." Sabi nya

"Eh paano mo nalaman yung nangyari?" Tanong ko at nag cross arms pa

"Aish! Syempre sa friends mo! Sino tong kasama mo?" Tanong nya

"Yah!" Warning ko sa kanya. "This is Timothy, my boyfriend. Babe, si Kuya Chris pinsan ko." Pakilala ko

"Alam ba nila Tito yan?"

"Pabo! Obviously! Legal kami both sides, tsaka kelan ba ako naglihim kila daddy?"

"Arasso. Mu seum il i it seub nikka?!"

"Sinugod ako ni Satanas(Dianne). End of the story." Sabi ko

"Alam na ba nila tito tong nangyare sayo?" Nag aalalang tanong nya. "Aish! Ni sa lamok nga hindi ka namin pinapadapuan tapos susugatan ka lang nya sa mukha ng ganun ganun lang?! Bakit di mo ipa-expel?"

"Kahit naman hindi ko sabihin kila daddy to. Eh sa kadaldalan mo malamang malalaman narin nila pagpunta mo sa bahay. And I have no plan of expelling her. May mas better plan ako hanggang sa sya na ang magdrop out." Sabi ko and an evilish smile came out from my lips.

"Ayus ayusin mo lang Princess. Sige na pupunta pa ako sa office ni Papa."

"Arasso, annyeong sachon" sabi ko at umalis na nga sya.

"Masakit pa ba yung sugat mo?" Tanong ni Tim. Sobrang caring nya talaga sheeeems!

"Hindi naman na gaano. May araw din yung babaeng yun sa akin." Sabi ko

"Oh chill na, tama na. Tara na baka malate ka sa next class mo." Sabi nya at naglakad na kami ng sabay habang magkaholding hands.

Pagkarating namin sa next class ko, wala pang prof, at nakita ko si Satanas sa pwesto nya at halatang bagong ligo.

"Naligo pa sya, hindi naman malilinis nun yung kademonyohan nya. Sana lumunok nalang sya ng Muriatic Acid para sure na malinis yung budhi nya." Sabi ko

"Anong sabi ko? Tama na diba? Nagkasugat ka na nang dahil sa babaeng yan." Sabi ni Timothy na nasa likod ko. "Konti nalang talaga sasabihan ko na sila Tito na magpadala ng bodyguard para sayo." Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

"Wag. I hate bodyguards at kaya ko ang sarili ko."

"Fine. Pero promise me yan na yung una at huling sugat na matatamo mo dyan sa babaeng yan."

"Opo, promise." Sabi ko na parang bata. Kiniss nya ako sa.....NOO lang?! Nagpout naman ako. "Sa noo lang?" Tanong ko at nagpaawa pa sa kanya.

"May sugat ka sa labi eh." Sabi nya. Inirapan ko nalang sya. "Sige na po. Nagpapababy na naman yung prinsesa ko." Sabi nya at kiniss ako sa labi

"HOY! LIVE SHOW OH!" Nagulat kami pareho sa mga boses na narinig namin.

"ANONG GINAGAWA NIYO DITO?!" Gulat kong tanong kila khyle na nakaupo sa tabi ng mga girlfriend nila.

"Nakikisit-in ano pa ba?!" Sagot ni Lawrence

"May sarili naman kayong klase diba?!"

"Wala si Sir Eric diba?" Oo nga pala! Si Kuya pala yung prof nila pag ganitong oras.

"Eh sino naman ang nagsabi na pwede kayo magsit-in? Labas! Lalandi lang kayo eh!"

"Grabe ka naman sa amin Ann, nakikinig kaya kami. Kahit ipa-recite mo pa sa amin yung multiplication table." Sabi ni Ken

"Seriously Ken?! ANO KA ELEMENTARY?!"

"Syempre joke lang yun. Tsaka balita namin advance kayo sa trigo eh, kaya makikisagap kami ng knowledge." Sabi nya pa. Aish! Pasaway talaga tong mga to.

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now