14

1K 26 0
                                    

Timothy's POV

Ilang weeks na after nung debut ni Ann, it was such a great evening.

Ang epic lang dahil di ko alam bakit ko sinabi sa kanya yung kasabihan sa family namin about last roses. Haaaaays!!!

After that night din nagiging abnormal puso ko everytime na nagkakasalubong kami. Were on the same department kaya di malabong magkasalubong kami everyday.

"Aish!!" Inis kong sabi at ginulo yung buhok ko. Do I like her? No hindi pwede I promise myself na si ricka lang.

"Oh pre? Anyare sayo?" Tanong ni Aj

"Wala wala." Sabi ko at pumunta sa veranda.

It's saturday today kaya wala kaming pasok at andito sila nakatambay sa Condo ko. Di ko napansin sinundan pala ako ni Khyle.

"Dude, ayos ka lang?" Tanong nya

"Yeah."

"Dont pretend, alam kong hidi. So what's bothering you?" He asked.

"Wala to, naguguluhan lang ako."

"Naguguluhan? Saan?"

"After Ann's debut, di ko alam kung bakit everytime na nakakasalubong ko si Ann kahit na nakapokerface sya my heart keeps beating fast. Ewan ko naabnormal puso ko."

"Do you like her?"

"I dont know, I promise myself Khyle."

"Promises are meant to be broken. Alam mo dude wala namang masama kung magustuhan mo si Ann eh, tama ang friends nya she's such an amazing girl, kaya you're free to like or even love her, ikaw lang ang pumipigil sa sarili mo and not ricka."

Haaaay di ko na alam gagawin ko

Ann's POV

"Bes!!!!"

"Oh?"

"Teka! May napapansin kami" sabi naman ni Jed

"Ano naman yun?"

"Since the night of your debut, you're always smiling na! Tsaka nung minsan nangialam kami sa phone mo, teka! Kayo na ba ni Timothy?" Natawa ako sa sinabi nila

Timothy and I become closer than before, oo di parin kami nagpapansin dito sa school pero nagkakatext kami, para nga kaming mga pipi, tapos minsan nagkakatawagan kami everynight or chat sa fb.

"No, we're good friends. Napakamalisyosa niyo rin noh?" Natatawa kong sabi

"Eh what's with the smile? Do you like him na?" Bigla akong natigilan. I became confused.

He's making me laugh, napapangiti nya ako, and i dont know what's happening inside my tummy and my chest kapag kausap ko sya or katext, ang abnormal lang

"I dont know." I simply said. Di na sila nakaangal pa dahil dumating na si Kuya na prof namin.

"Good Morning class, how's your weekend?" Tanong nya

"Fine." We all answered in chorus.

"Ok. There are some announcements for this week, on Thursday you'll be having your Tour, are you all excited?" Well alam ko na yan dahil sinabi ni Daddy sa akin yan.

"Sir! Saan po ang destination?" Tanong ni Dianne the manwhore

"Hindi ko pa alam ang mga magiging destinations, ikaw ba Ann? Alam mo mga destinations? Kayo ang nag usap ni Daddy about that." I hate special mentions. Inirapan ko si Kuya at tumayo

"The destination will be in one of our resorts in Batangas, it will be a 3 day Tour or much more of an outing, you're free to relax for 3 days no more activities shit." I coldly said

"So ayun nga, sinabi na ng kapatid ko, anymore questions?" Tanong ni kuya at nung wala na nagsimula na syang magturo.

After ng class, lumabas na kami ng mga besties ko at my naririnig kami na bulungan.

"Excuse me, ah tama ba yung narinig ko na may away na nangyayari sa may soccer field?" I asked one of the students, halatang nagulat sila dahil sa pag approach ko.

"O-Opo, yung mga outsiders daw yung nanguna." Sabi nya

"Okay thanks." Sabi ko at dumiretso na kami ng mga besties ko sa soccer field and oo nga may away na nagaganap, di ko lang gaano makita dahil crowded ang place at syempre konsiderasyon sa height ko ah!

Inabot sa akin ni Abby yung nahatak niyang megaphone kanina kaya nagsalita ako

"ALL OF THE STUDENTS! GO BACK TO YOUR RESPECTIVE CLASSES NOW!" Sabi ko using megaphone kaya nahati yung daan at nakita ko sila Timothy at....at....y-yung g-gang n-ni D-Dominic

I was shocked! Pero mas pinili kong magpoker face para matago yung pagkashock ko.

"What are you doing at MY school?" I asked emphasizing the word MY. "ANONG KAGULUHAN TO?!" Sigaw ko nang walang sumagot

"S-Sila ang n-nanguna." Sabi ni Lawrence

"Ann! Long time no see." Sabi ni Charles

"Wala akong panahon makipagkamustahan Charles. Anong ginagawa niyo sa school KO?!"

"Chill. Masyado mainit ulo mo eh. So totoo palang ikaw ang anak ng may ari ng school na to? Rich kid talaga! Alipores mo ba tong limang bugok na to?" Alam kong nagpipigil lang sila na sugurin sila Charles

"You dont care kung ano ko sila what Im asking is anong ginagawa mo sa school KO!"

"I just want to check on you, and to tell you na–"

"Stop! Alam ko na lahat yan, guess you're not informed na dito nagtuturo ang ate nya. Now leave! Before I call the guards."

"Ann! Please nagmamakaawa kami sayo, nung namatay sya wala syang sinabi na mamumuno sa amin kundi ikaw" jessa pleaded, one of their gangmates

"SIMULA NUNG PINAGLARUAN AT GINAGO NIYO AKO WALA NA AKONG PAKE SA INYO AND HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU ALL THAT I WONT BE ONE OF YOUR GANG! HINDING HINDI AKO MAGIGING GANGSTER AT HINDING HINDI NA ULIT AKO MAGPAPALOKO SA ISANG GANGSTER! Mahirap ba intindihin yon Jessa and Charles?!"

Nagulat silang lahat even the 5 boys.

"Now Leave! O pulis na ang tatawagin ko?! I dont want you roaming around or spying the school! Dahil ibang Ann ang makakalaban niyo!" Sabi ko sa kanila kaya umalis na sila Charles.

"Ok lang ba kayo?" Tanong ko kila Aj

"Konting galos lang naman." Sagot ni Khyle

Napapansin kong tahimik si Timothy at pinupunasan yung mga dugo sa gilid ng psngi at labi nya.

"Sumunod kayo sa amin, gagamutin namin yang mga sugat niyo."

"Di na kailangan, kaya na namin to." Simpleng sabi ni Timothy

"Hahayaan niyo kaming gamutin yan o dadagdagan ko yang mga sugat niyo?" Sabi ko kaya napapayag sila. Takot lang nilang madagdagan pa ulit yan.

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now