19

998 20 0
                                    

Timothy's POV

Paggising ko wala si Ann sa tabi ko, baka lumipat na sa room nila. I get my phone at tinignan ang oras, 12 na pala, hays pagod lang siguro kaya tinanghali ako ng gising.

Napansin ko yung text ni Ann. I open it and yun nga nagtext talaga sya

From: Babe Ko ❤️❤️

Good Morning Handsome! I'm here at private dining with kuya, coffee lang, reply ka pag gising ka na. Loveyou babe ko 😘

She's really sweet. Kaya ang swerte ko nang sagutin nya ako. Hay makaligo nga muna, mamaya ko nalang sya itetext para maitanong kung asan sya.

After ko maligo I just wear a simple white shirt and short tas yung tsinelas ko. Tinext ko sya.

To: Babe Ko ❤️❤️

Babe! Sorry nalate ako ng gising. Where are you by the way?

Lumabas na ako ng kwarto habang hinihintay yung reply nya. Naglakad na ako papunta sa elevator nang magvibrate yung phone ko.

From: Babe Ko ❤️❤️

Ok lang po, sorry sa kagabi napuyat ka yata because of me. Andito kami sa tabing dagat, naglalunch, andito po sila mommy at daddy eh. Punta ka na dito. Ako nagprepare ng food mo. Loveyou. Ingat sa elevator baka maipit ka HAHAHA labyuu

Di ko na sya nireplyan at dumiretso na sa tabing dagat. Andun nga sila naglalunch tas andun din sila Tito at Tita.

"Sorry po nalate ako ng gising." Sabi ko at umupo sa tabi ni Lawrence. Nang magtama ang tingin namin ni Ann bigla nya akong inirapan. Problema neto?

"Ok lang hijo, kain na, si Ann nagprepare ng food mo, para daw special." Sabi ni Tita. Napatingin naman ako sa kanya na concentrate sa pagkain at ni hindi man lang ako tinitignan.

"So kayo na pala ng anak namin? Kamusta ang first day with her? Naku pasensya na minsan talaga umaatake pagkamaldita nyan."

"Mommy naman eh." Sabi nya at nagpout. Ang sarap nyang halikan shet!

"Tsaka madalas umaatake pagkaabnormal nyan." Dagdag ni Sir eric kaya nagtawanan yung mga kasama namin sa mesa.

"Ayan ka naman Eric! Nananahimik na yung kapatid mo eh." Sabi ni Tito Roderick. "Bakit nga ba bigla kang nanahimik anak?" Tanong niya kay Ann na seryoso sa pagkain.

"W-Wala dad. Nagkoconcentrate lang sa pagkain." Sabi nya. "Teka lang po may kukunin lang ako sa room." Sabi nya at tumayo.

"Sundan ko lang po." Sabi ko at sinundan sya.

"LQ" rinig kong sabi nila Jed.

Nanakbo ako papasok ng hotel dahil ang bilis nya maglakad, hanggang sa may nakabangga sa akin na babae at natapunan ng juice yung tshirt ko.

"Ay hala. Sorry kuya sorry talaga." Pabebeng sabi nya habang pinupunasan ng tissue yung damit ko. Tss. Flirt.

Napansin kong may nakatingin ng masama sa akin kaya inilibot ko yung mata ko at si Ann pala nakatingin ng masama sa akin.

"No miss ok lang, ako na magpupunas nito mamaya. Hahabulin ko lang girlfriend ko." Sabi ko at nanakbo na ulit para habulin si Ann na nananakbo papunta sa room nila. Sh*t!

Pagdating ko sa room nila, binuksan ko agad yung pinto at nakita si Ann na nakatalukbong ng kumot. Aish! Umiiyak na naman yata to!

"Babe." Tawag ko sa kanya pero tinutulak lang nya ako palayo.

"Dun ka na! Dun ka sa nakabangga mo!" Prositive umiiyak nga sya.

"Ano bang kasalanan ko? Bigla bigla ka nalang nagagalit sakin."

"Wala! Dun ka na! Makipaglandian ka na sa babaeng malanding nakabangga mo!"

"You're jealous. Ni hindi ko nga kilala yun eh. Babe naman, wag naman ganyan. Alam mo namang ikaw lang mahal ko diba?"

"Ewan ko sayo!" Sigaw nya

"Tahan na babe ko. Uy, bati na tayo."

"Dun ka na! Tapos wag ka ring magreply sa mga text ko! Kapag ikaw nirereplyan ko!"

So yun ang iniiyak nya? Yung hindi ako nagreply at yung pagseselos nya? Hay oo nga pala bata nga pala ang girlfriend ko.

"Babe ko, umupo ka. Please. Kaya hindi kita nireplyan kasi balak ko I want to tell you personally that I love you too, ang kaso pinangunahan ka ng pagtatampo mo. Bati na tayo babe ko pleaseee." Para na akong bata dito na nakikiusap.

Nakadapa ako sa tabi nya habang sya nakatalukbong parin ng kumot. Maya maya ibinaba nya yung kumot hanggang leeg nya, kaya nagulo yung buhok nya.

"Hay nako!! Ang baby ko nagtatampo nang dahil lang sa di ako nagreply at nang dahil sa selos." Sabi ko habang inaalis yung mga nakaharang na buhok sa mukha nya. "Bati na tayo?" Tanong ko at tumango sya habang nakapout.

I kissed her sa palibot ng mukha nya and even sa lips nya.

"Tara na they're waiting for us." Sabi ko sa kanya kaso bigla na naman syang nagpout. Ano na namang gusto neto?

"Buhaaaat." Nakapout nyang sabi at itinaas yung dalawang kamay nya.

I kissed her again sa lips, smack lang naman at umupo sa kama nya.

"Yung baby ko, lalong nagpapababy. Sakay na." Sabi ko at agad agad naman syang sumakay sa likod ko.

"Sorry." Biglang sabi nya habang naglalakad ako at nakapiggy backride sya sakin.

"For what?"

"For being childish."

"Yun lang? Its not a problem, babe. Kahit na ano pang mood mo kahit awayin mo ko ng walang dahilan I will still love you and understand you."

"I love you."

"I love you more than anything. Andito na tayo." Sabi ko at bumaba naman sya.

"Baby damulag ka na pala ngayon? May pabuhat buhat effect pa." Sabi ni Kuya Eric.

"Che! Palibhasa kasi ikaw walang binubuhat kundi yung taba mo! Torpe ka kasi!"

"Di ako torpe noh! Sadyang ako yung nililigawan."

"Seryoso?! Wag ka magbiro kuya! Wala pang ni isang babae na pumunta sa bahay at hinarana ka, walang ni isang nanghingi ng tulong sa amin para mapalalit sayo. HAHAHA si kuya nagjojoke."

"Pag ako nagkagirlfriend."

"Pag ikaw nagkagirlfriend, edishing!" Pambabara ni Ann

"Che!" Sabi nya at nag walk out.

"Oh asar talo na naman kuya mo sayo. Hay nako kayong dalawa talaga." Sabi ni Tito Roderick

"Hayaan mo na Hon, mag asaran man sila, at least never sila nag away." Sabi ni Tita Annalize.

Maya maya pa umalis narin sila dahil may flight pa sila going to Brunei syempre business.

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now