54

550 19 0
                                    

Ann's POV

Pagkagaling namin sa school ni Tin na pinag-enrollan namin sa kanya, dumiretso kami sa isang interview ko, isa lang naman, isinama ko nalang sila. I am just wearing a yellow sun dress and my flat sandals.

"Hi Ann. Ang gandang bata nga nito"

"Ako may make up, at ito kinalabasan, samantalang itong batang to lip tint lang ay kabog na, ang ganda ganda mo. Ang sarap mo ibulsa. Curious lang, may pinaayos ka sa mukha mo?"

"Wala po, it's all natural. Ahm, may plan dapat ako before, kaso sabi ng Mommy ko, wag daw kasi masisira lang yung mukha ko, and I got scared na masira yung mukha ko, so I refused na magpaayos ng anything sa mukha ko"

"Para kang barbie doll. For sure yung baby mo, super ganda din noh?"

"Opo, super ganda ng baby ko, I mean sino bang nanay na magsasabi na pangit yung anak, but, gender lang nakuha sakin, her features is from her dad, para silang pinagbiyak"

"Hindi ka talaga pala-make up?"

"Ahm, occassionally po, ever since I was young, tamang lip tint lang, kasi when I was studying, my reason is that, school yung pupuntahan ko not a club, and hindi rin po ako party goer, so yun I am morebused to having bare face than make ups. Pero, I do apply make up minsan kapag need talaga"

"Tanong lang, kasi napapansin namin before, you've never had a tour in the Philippines, is there a reason?"

"Yes po, ahm, nung nasa New York ako, my manager was always asking, if iinclude ba ang Philippines sa mga tours ko, I was always refusing kasi I wasn't ready yet for any possibilities na mangyari once I come here, so nung nagdecide yung brother ko na magstay kami dito for good, dun ko naiconsider na isama na ang Philippines, kasi andito na eh, I will just go with the flow"

"You were once seen somewhere with a guy, and napag-alaman na yung guy na yun is the CEO of Top 2 Multi-Billionaire companies in Asia, pang Top 1 ang Monteverde. So, is he a lover? Or ayokong mag open ng wound but, is he the father?"

"Oh, ahm, ang chismoso, charot. So, ahm, he is my daughter's daddy. And nung time na yun hindi pa sila magkakilala, but, we were fixing things between us, and yes, nagkikita na kami before they even meet, and we're going on dates, like normal couples. Pero yesterday lang sila nagkakilala, and I'm happy at the outcome" sabi ko at ngumiti.

"So, your heart is so full now?"

"Yes po, before, I was so selfish, gusto ko ako lang nasusunod and such, but, right now, sobrang nabuo lang yung puso ko when they met and I am seeing my daughtet so happy finally having her dad beside her. Sabi ko pa nung time na before kami magkaayos, naiisip ko, kahit anak ko nalang yung mahalin nya, kahit wag na ako, my daughter needs him more than I need him. I became very selfless when I became a mom, masaya ako kapag masaya yung anak ko, and right my daughter is just full of love and happiness, and me too, so it's more than enough."

"Ano ba talaga yung nangyari?"

"It's a long story eh, and I am not thevtype na nagdi-dig in sa past, what's important for me is kumpleto na kami ngayon as a family, masaya na yung anak ko, masaya na ko, and ayun nga like what he said, kinuha nya kami and that's more important than digging on the past. Ang gusto nalang kasi namin is to move forward for our daughter kasi wala naman syang alam sa nangyari sa past, and also to fight together para sa anak namin"

"Kasalan na ba ang sunod?"

"Po?" Yun nalang nasabi ko at naghiyawan naman yung audience. "Ahm, let's see, may mga bagay pa kasi kaming inaayos din, and we want to focus on our daughter muna, lalo sya, kasi ngayon lang sya nagbabawi sa anak namin. Let's just go with the flow, no pressure, no rush" sabi ko.

"Ano naman ang masasabi mo para sa mga fans mo na super excited sa first concert mo dito sa Pinas?"

"Unang una, thank you for being so patient na magkaroon ng concert dito sa pinas. And thank you guys for making me feel so special and sana mag-enjoy tayong lahat sa concert. I love you all so much" sabi ko at ngumiti.

"Last na before we let you go. Nung time ba na nasa New York ka, may mga naging jowa ka?"

"Wala po, there are some that tried pero I didn't let them. Sabihin niyo na kung ano gusto niyo sabihin, pero my heart is closed to any guy except the father of my daughter, and also, kapag kasi may nagcoconfess sa akin na gusto ako something like that, eentry na agad anak ko, sinesermunan na ko saying 'Mommy, you will not have a boyfriend except Daddy' ang tatanggapin lang daw na boyfriend ko is Daddy nga. So, like both of our hearts and minds are only sa Daddy nya"

"What if pala, halimbawa pagdating niyo kasal na pala, ano gagawin mo?"

"Gaya nga po ng sabi ko, kahit anak ko nalang mahalin nya, wag na ko. Tinanung narin yan ng manager ko but, I gave her a different answer, pero for me, ipapakilala ko parin anak ko sa kanya. Kahit hindi na sya bumalik samin, kilalanin nalang nya anak ko, kasi mas importante anak ko sakin, sya nalang, kahit wag na ko"

"That's a mother's unconditional love. Nakakaproud ka as a mom, and the way you protect your daughter sa public, she's wearing mask para lang hindi makita yung buong mukha nya, and we heard sa isang press conference mo, you told everyone kapag may nag-invade ng privacy ng anak mo or masaktan yung anak mo, you will press charges, which is very motherly to do, and also pinakita mo na ganun ka ka-protective sa anak mo, which is nakakaproud. Kasi dito sa pinas, aminin man o hindi, pagkakaguluhan ka talaga, they will find chismis about your personal life, pero you manage to minimize it para sa anak mo"

"Opo, kasi sya talaga yung pinakaimportanteng tao na ayaw na ayaw kong masira. Like, this society whether sikat ka or hindi, people will find ways to ruin you, and ok na sakin na nasira na ko ng ibang tao before I left the country, it's enough for me to be lost and broken, wag na ang anak ko. Hindi ko hahayaan na maexperience yun ng anak ko, kasi kahit buhay ko itataya ko para sa kanya. Masaktan sya, patawarin ako ng diyos sa kung ano ang kaya kong gawin para sa anak ko, and also her father, hindi yun papayag na may manakit sa anak namin, mas nakakatakot sya magalit, I swear, kaya wag niyo na subukan" sabi ko.

After nun, namasyal lang kami sa mall kasi nagrequest ang bulinggit, at yun nga dumiretso na kami sa bahay ng parents ni Tim.

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now