25

969 20 0
                                    

Ann's POV

"Parang may mga bagong mukha akong nakikita ngayon sa klase niyo. Nadagdagan ba ang boys?" Tanong ni Sir Frias. Prof namin sa Trigonometry.

"No sir. Sit-in lang po sila. Let them be, sir. Medyo late daw po kasi sila sa trigo nila eh kaya nagsit in dito para makasabay sa lesson." Sabi ko. Oo nakisit in na talaga tong lima dito. Anong magagawa ko eh bigla nalang pumasok si Tim at umupo sa likod ni Aj which is katabi ng pwesto ko.

"Ok. I will let you guys stay in my class, but promise me you will participate and dont make any unnecessary sound. Understand?"

"Yes sir" sabay sabay nilang sagot.

Ayun nga naglesson na si sir, kanya kanya na kaming labas ng calculator.

"After the discussion, may boardwork tayo ha. Counted yun as recitation, kapag nakatatlong beses kayong magsagot today, 1.0 na pati sa quizzes, so you dont have to take the quizzes narin." Sabi ni Sir. Medyo challenging yun ah, medyo mahaba habang solving din kasi kami ngayon eh .

"To make it challenging, first group, who will be your representative?" Tanong ni Sir.

"Ann ikaw na."

"Eh ayoko nga, mamaya sisihin niyo pa ako pag mali."

"Gaga! Walang sisihan to. Tsaka ikaw magkakamali? Running for Cum Laude ka eh, dalii na." Sabi ng mga kagrupo ko.

"Miss Monteverde, hinihintay ka ng marker."

"Fine. Walang sisihan ah! Kapag ako sinisi niyo, tig iisang batok matatanggap niyo ah." Sabi ko at pumunta na sa harap.

"Monteverde, mamili ka ng makakalaban mo from the next group." Sabi ni sir. Napangisi ako nang lumanding ang vision ko sa pwesto ni Dianne. Show me what you've got.

"I chose Castillo." I said smirking.

"Wala na talo na tayo nyan." Sabi ni Jade katabi nya.

"Chill lang guys, I know Miss Castillo knows something, Am I right Castillo?" Pang aasar ko. Tinignan lang nya ako ng masama, as if naman na matatakot ako

"Game na, ill give a word problem and whoever answer first will have 1 point, kung sino ang unang makaabot sa 5 points, will be the winner, your groupmates may help you." Sabi ni Sir

He started to post a word problem at habang ini-scan ng mata ko yung problem nagtatrabaho din yung kamay ko sa pagsolve, sabi kasi ni Mommy sa akin, ang isang mathematician daw habang gumagana ang utak eh nagtatrabaho din ang kamay, kumbaga habang inaalyze yung problem nagsosolve rin yung kamay. Ganern! Oh diba?! Sa kanila ko natututunan yung mga ganung strategy. Si mommy kasi Topnatcher sya sa board exam ng Accountancy nung college sya, and Accountant sya. Paminsan minsan nagpupunta sya dito para magturo ng accounting.

"Encircle your final answer." Sabi ni sir sa amin.

I encircled my final answer at itinaas ang dalawang kamay ko sign that Im done.

"Time's up!" Si Dianne hindi parin tapos.

"Ok let's check the work of Monteverde since Castillo didnt finish her work."

Ayun nga diniscuss ni sir yung flow ng solution ko and guess what, tama lahat ng flow ng solution ko. Partida nangungulit pa sakin si Tim at Ken kanina ah. Ang daldal ni ken eh! Sarap lagyan ng packing tape yung bunganga.

"So 1 point goes to Monteverde's group." Sabi ni sir at binura na yung mga solution na nsa board at pinost ulit yung second problem.

~~~~

After 1 hour and a half natapos din ang trigo.

"Pucha! Feeling ko naubusan ako ng dugo sa utak ko, nagsitakasan yata ang brain cells ko." Sabi ko at feeling ko talagang bangag na bangag utak ko kakasolve.

"Pauso to oh! Parang wala nga lang sayo kanina eh. Dire-diretso ka sa pagsosolve." Sabi ni Jed

"Kayo kaya sa posisyon ko kanina! Ang hirap nung pinapasolve ni sir, wala naman sa itinuro nya yun eh!"

"Ann, paturo kami nung itinuro ng prof niyo kanina." Sabi ni Khyle

"As if itinuro nya! Puro boardwork diba?" Sabi ko

"Kahit nga ako na nagsolve sa likod ng notebook ko di ko nakuha eh. Ang hirap pala nun." Sabi naman ni Lawrence.

"Pero ok na yan bes at least excempted na tayo sa mga quizzes." Sabi ni Shaine.

"Sa bagay." Sabi naman ni Abby na nakasandal sa balikat ni Khyle.

Dismissal na namin, eh sila Tim si Kuya dapat ang prof nila for 3-4 hours kasi major ang kaso lang absent kaya yan wala na silang last subject at nakisit in sila sa trigo namin kanina.

"Medyo maaga pa. Arcade us." Pagyayaya ni Aj.

"Kain muna tayoooo." Sabay sabay naming sabi na mga babae. Nagpuppy eyes lang ako kay Timothy, sana pumayag sana pumayag. "Babe pleaseeee. Ginutom ako sa trigo eh" pakiusap ko

"Tara na." Sabi nya at kiniss ako sa noo.

Nagsipuntahan na kami sa parking lot at kanya kanyang sasakyan tong mga lalaki. Syempre kanya kanyang sakay din kami sa kotse ng mga boyfriend namin.

****MALL

Pagpasok palang namin, pinagtitinginan na kami. Simple lang naman suot namin. Sila Tim as usual lagi naman silang nakatshirt at pants eh. Tas ako nakacroptop tas high waist na short then sneakers na black. Si Shaine nakashort na hindi high waist tas tas blouse na sleeveless. Si Abby naka high waist na pants tas denim na pang itaas. Si Jed naman nakadress na hanggang hita lang. Si shaina naman naka off shoulder na blouse tas pants pero hindi high waist.

"Saan us?" Tanong ni Ken

"Kahit saan." Sagot ni Abby

"Teka lang bes ah! Di pa kasi naitatayo yung kainan na kahit saan eh." Pagbibiro ko kay Abby kaya ayun nabatukan ako. Normal na sa aming 5 yung nagbabatukan.

"Gaga ka talaga!" Sabi nya na tumatawa.

"Eh wala naman kasi talagang kainan na kahit saan eh." Sabi ko at nagpout

"Ewan ko sayo! Inosente!" Sabi nya.

Pagkalingon ko biglang kuminang yung mga mata ko sa nakita ko. OREOOOO 😍😍😍😍

"Teka lang guys!" Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Tim at nanakbo papunta sa store ng oreo.

"Hay! The oreo queen." Rinig kong sabi ni Shaina.

"Good Afternoon ma'am. May promo kami nyan mam. Kapag po nag-avail kayo ng 1 bag of Oreo, may free human size teddy bear po kayo." Napatingin ako sa teddy bear na sinasabi ni Kuyang nangsisalestalk.

Hangkyuuuuuuuut!!!!!!!! Bibili ako kahit ilang bags pa basta oreo!!!! 😍😍😍😍

Tinignan ko sila especially si Timothy para bilhan ako ng oreo. Gumana ka puppy eyes pleaseeee.

"Dude, hanap lang kami ng kainan, text nalang namin kayo kapag nakahanap na kami." Sabi ni Aj kay Timothy na halatang ayaw tumingin sa akin kasi nga di nya ko maresist. Tumango lang sya sa kanila at nagsilabasan na sila.

"Mag-a-avail ka ba mam? Kasi sayang po yung promo na yun na may free human size teddy bear na kayo." Sabi ni kuyang salestalk HAHAHA

"Babe pleaseeee." Mahinang sabi ko kay Tim. Hays pahirapan this time ah. Babawi naman ako sa kanya eh.

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now