20

994 26 0
                                    

Ann's POV

It's been a week since that school outing. And 2 months narin akong hindi ginugulo ni Dianne. Pero di ako pwedeng makampante dahil alam ko naghahanap lang ng tyempo yan.

Back to stress because of school ulit kami.

"Haaaaay!!! Sana palaging outing nalang!" Rinig kong reklamo ng mga kaklase ko syempre pati kami. Sino ba namang gusto na masistress diba?

"Guys! Malapit na matapos yung semester, ano balak natin?" Sigaw ni Joanne

"EK us." Suggestion ko

"Oo nga noh! Para naman hindi tayo puro swimming." Sabi ni Sean

"Treat ko na one section tayo." Sabi ko pa

"Seryoso Monteverde?!" Gulat nilang tanong

"Baka mamulubi ka nyan." Sabi na nga ba hindi parin sya tumitigil eh.

"Nah! Barya lang sakin yan. Sumama ka na, wala ka namang gagastusin eh, baka kasi ikahirap mo kapag sumama ka na walang manlilibre sayo, tsaka para narin hindi ka na maghanap ng ikakama mo just for this EK trip." Sabi ko

"Tss." Sabi nalang nya.

"Basta wala munang mag-a-out of town or country ah. EK trip muna tayo bago tayo magsilayasan sa kani kanilang bahay HAHAHAH." Sabi ni Karlo.

"Basta at the end of the sem, bigay niyo lang sakin yung exact number ng sasama, each one of us may isang cargo lang or gusto isama, either a family member or a lover." Sabi ko

"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" Tanong ni Mam Valderama.

"Ah Mam sorry po kung nadatnan niyong maingay ang klase, nagplan lang po kami ng get together namin para sa sembreak." Sagot ni Lyca.

"Ah ok, pero bago yan syempre lesson muna tayo." Sabi nya at akmang magtuturo na ng ipatawag ako sa Dean's Office. "You may go, Miss Monteverde." Sabi ni mam kaya agad na akong pumuntang Dean's Office. Pagkabukas ko nagulat ako sa nakita ko

"DRAZEN?!" Oo si Drazen Jo Valdemor, my cousin sa side ni Mommy.

"Insaaaaan!!!! Na-miss kita ah! Liit mo parin!" Sabi nya at ginulo yung buhok ko

"Aish! Ang hirap hirap kaya mag ayos ng buhok!" Sabi ko. Yan kasi talaga hilig nya nanggugulo ng buhok.

"Ann, andito ka na pala. By the way, dito na mag aaral ang pinsan mo, can you give him a tour sa buong campus?"

"Seryoso Tita?! Buong campus?! Ang laki po neto eh!"

"Fine kung hanggang saan lang ang kaya mo."

"Tsaka itong mokong na to? Kabisado na nya yung buong campus, dito naman nag aral yan eh nagloko lang kaya nilipat ni Tito Emilio sa spain."

"Ayun nga eh nagloko din yan sa spain eh kaya balik sya dito. We'll make sure hindi na sya magloloko dito, dahil andito ako, ang kuya mo at ikaw para bantayan sya."

"Naging bodyguard pa ako." Sabi ko at umupo.

"Ay nga pala, Ann. Another thing, may kilala ka bang Dianne Castillo?"

"Why Tita?"

"May tumawag kasi kanina, Maybe its her dad, tinatanung if pumasok daw ba yung anak nya."

"Pwede ko ba makuha yung number ng tumawag?"

Ibinigay ni Tita sa akin yung number at lumabas na kami ng pinsan ko. Dumiretso kami sa cafeteria dahil breaktime na Im sure andun na sila. Pagkarating namin hindi ako nagkamali andun na nga sila at kumakain na.

"Oh Ann! Ang tagal mo yata sa D.O?" Tanong ni Abby.

"May sinundo lang na halimaw."

"Aww sakit mo magsalita ah." Biglang singit nitong halimaw na to.

"By the way guys, Drazen Jo Valdemor, my cousin sa mother side. Actually nag aral na sya dito noon, kaso nagloko ayun nalipat sa spain kaso hindi nagbago kaya bumalik dito. Kapag nakita niyong humaharot pakibugbog nalang."

"Ah Hi! Sorry fc ako. Pero mabait ako."

"By the way couz, this is my friends, Abby, Khyle, Ken, Shaine , Aj, Shaina, Jed, Lawrence, and Timothy my boyfriend."

"Hi nice to meet you all. Totoo pala yung sinabi ni Tita Anna na may boyfriend ka na."

"Oo kaya you shut up kung ayaw mong masampulan kita dito sa cafeteria. Kumain ka na." Sabi ko

Umupo na sya at sya ang kumain nung food ko, nagshare nalang kami ni Timothy. Naalala ko yung papel ng number na binigay ni Tita. Should I call Dianne's dad?

"Teka lang, may tatawagan lang ako." Sabi ko ng akmang susubuan ako ni Tim ng chips. Lumabas ako at kinuha yung phone ko.

After how many rings, sinagot na nya agad.

"Hello?"

"Ah Good Afternoon po, is this the father of Dianne Castillo?"

"Speaking, who is this?"

"Ah Sir, classmate po niya ako, ah pwede ko po ba kayong makausap personally?"

"Oh sige hija, nakaconfine kasi ako dito sa ***** hospital ngayon, you can come whenever you want." Sabi nya

"Ok sir, thanks." Sabi ko at binaba na yung tawag. Bumalik na ako sa loob at umupo sa tabi ni Timothy.

"Sinong tinawagan mo?" Tanong ni Abby. Tama! Sya nalang ang isasama ko.

"Ah Khyle, can I borrow Abby for today? Pleaseeee its very urgent."

"Saan naman kayo pupuntang dalawa?" Tanong ni Timothy. Palusot na ann!!

"Ah may pupuntahan lang pleaseeee, very urgent." Sabi ko with a pleading eyes.

"Ok." Sabi ni Khyle kaya agad agad kong hinila si Abby palabas, narinig ko pa silang sumigaw

"Babalik din kami agad promise, loveyou." Sabi ko kay Timothy at tuluyan na kaming umalis.

Car ko nalang yung ginamit namin at nagdrive na ako.

"Saan ba tayo pupunta be?" Takang tanong nya

"Dianne's dad."

"Ano namang gagawin natin don?"

"I just want to visit her father, im concerned, everyday daw tumatawag sa office yung daddy ni Dianne just to check if she's in school na."

"Baka naman concerned lang."

"No bes, kasi kung concern dapat kay Dianne sya tumatawag, may sariling phone si Dianne, ewan ko para akong nag alala na ewan sa daddy nya, and her dad's voice sounds weak." Sabi ko.

"Hay nako instinct nga naman." Sabi nya at nakarating din kami agad sa hospital

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now