15

1K 29 0
                                    

Ann's POV

Andito kami sa Private room ko dito sa campus. Ayun nga kanya kanya silang daing ng sakit

Si shaine ginagamot si Ken, si Abby kay Khyle, si shaina kay Aj at si jed kay Lawrence. May napapansin lang ako kay Jed at Lawrence parang ang sweet nila eh. Well ako ito kaharap si timothy at ginagamot yung pisnge nya.

"Medyo masakit to pero keri lang, kalalaki mong tao kaya kayanin mo." Sabi ko

"Ah!" Daing nya dahil nga mahapdi.

"Tiisin mo lang."

"Ang sakit kaya!"

"Eh sinong may kasalanan?! Ako ba?! Ako?! Ako ba nakipagbasag ulo?!"

"Oh baka kayo naman magbugbugan dyan ah!" Sabi ni Shaina

"Shut up! Ang OA kasi eh, ginusto naman din nyang makipagbasag ulo tas ngayon rerekla-reklamo!"

"Ituloy mo na nga lang, napakamadada mo, nakakarindi." Sabi nya kaya pinagpatuloy ko na yung paggamot sa sugat nya.

"Nga pala, may napapansin ka ba kila jed at lawrence? Parang ang sweet nila eh." Sabi ko

"Ayan! Kakapoker face at kakawalang pake mo, wala kang alam sa nangyayari sa mundo, sila na last week pa!" Sabi nya

"Weh?!" Gulat kong tanong

"Pwede wag sa tenga ko?! Di nakakatulong yung pagsigaw mo eh. Nakakadagdag sa sakit." Sabi nya.

"Sorry naman! Di pwedeng nagulat lang kaya napasigaw?!"

"Ano ba?! Para kayong aso't pusa dyan dalawa ah!" Sigaw ni Shaine sa amin

"Isa ka rin eh! Ganyan ba talaga kayong mga babae?! Parang nasa kabilang building yung kausap niyo kung makasigaw kayo." Sabi ni Ken

"Ikaw kaya sapakin ko dyan?!" Sabi ni shaine kay ken

"Subukan mo! Huhulog kita sa bangin."

"As if mahuhulog ako?! Hindi ako tanga para magpahulog noh!"

"Aish! Ang ingay niyo guys alam niyo yun?" Reklamo ni Abby. Kaya nanahimik kami sa pagbabangayan lahat.

"Ayan na tapos na." Sabi ko nang matapos kong gamutin yung sugat ni Timothy.

"S-S–" nauutal nyang sabi

"Wag mo ng sabihin kung di kaya ng bibig mo. Alam kong di ka mahilig magpasalamat. Kaya wag mo ng ituloy." Sabi ko. "Sige na back to normal tayo, una na ko sa room mga bes." Dagdag ko at umalis na.

Yung puso ko na naman parang nagcircus. Para akong kinakabahan na parang nanunuyot yung lalamunan ko. Baka nauuhaw lang talaga ako kaya pumunta akong cafeteria at bumili ng tubig.

"Oh! The playgirl is here." Rinig kong sabi ni Dianne

"What do you want this time, manwhore?" I asked coldly. Hays ano ba to, ngayon pa yata ako magkakasakit ah.

"Wala lang, nakita kasi namin yung pagtatanggol mo sa mga transferee laban dun sa mga outsider." Malanding sabi nya.

"What's the big deal with that? I just protected the students in MY school, is that even a big deal? Well for you I can say yes, kasi gossiper ka eh manwhore pa." Sabi ko at nilagpasan nya ngunit napatigil ako sa sinabi nya.

"Nabalitaan ko rin from that outsider na ex mo ang leader nila na sad to say patay na. Pumapatol ka pala sa isang gangster? Napakalow class, at nagpaloko ka kasi pinagpustahan ka lang p–" narindi ako sa sinabi nya kaya nasampal ko sya ng wala sa oras

"Wala kang karapatan na manghimasok sa buhay ko, because first you're not part of it, second hindi mo ako lubusang kilala at third hindi ikaw ako. Kaya you should know your place manwhore, sa susunod na manghimasok ka hindi ako magdadalawang isip na pahirapan ka hanggang sa ikaw na ang magdrop sa school KO." Sabi ko sa kanya

"Matatakot na ba ako? Ano bang magagawa mo? Pahirapan? Bakit? Gangster ka narin ba? Tsaka is that your way of flirting with the transferees?"

"That's not her way of flirting us, never kaming nilandi ni Ann not like you, Dianne. That's her way of protecting the people inside HER school. Kung iniisip mo na pinagtatanggol ko sya because she flirted with me or us, dyan ka nagkakamali. Im doing this as her friend." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Timothy. After what he said napatanga nalang si Dianne.

"You just pushed me through my limits kaya humanda ka sa mga pwedeng mangyari sayo sa school na to, i'll make your life a miserable one." May diin sa bawat pagkakasabi ko dun.

Linapitan ako ni Timothy at chineck if may galos ako. Why does he care like this? Yung puso ko na naman nangleleche!

"Did she hurt you?" He asked.

"No, ok lang ako. T-Thanks." Sabi ko at hinila na nya ako paalis dun.

Pwedeng pwede ko syang itulak pero di ko alam bakit ako nagpatangay sa paghila nya. What's happening to you Ann?!

Timothy's POV

Di ko alam pero dinala ko si Ann dito sa condo ko, maybe ito yung place na pwede syang matahimik.

"Condo mo?"

"Yeah, sorry medyo makalat, galing kasi dito yung apat na ugok eh." Sabi nya habang nililigpit yung mga kalat.

"Tulungan na kita." Sabi ko at nagsimulang maghugas pero itinali ko muna yung buhok ko into a messy bun. Pipigilan na sana nya ako ng magsalita ako. "Let me help you, way of saying thank you narin sa pagtatanggol sa akin kanina kay Dianne." Sabi ko kaya hinayaan na nya ako.

Naghugas lang ako at sya naglinis sa living room ng condo nya. May pumunta rin para kunin yung mga laundry nya.

"Diba may parents ka? Bakit di ka sa inyo umuuwi?"

"Yes may parents ako, pero lagi silang wala, kaya dito ako umuuwi, umuuwi lang ako sa bahay kapag andun sila."

"Eh diba nung first mo akong dalhin dun sabi mo may anak anakan ka? Asan sya?"

"Andito sya, di ko lang alam if nakauwi na sya kasi mostly ganitong oras nakauwi na yun eh."

"Ah." Sabi ko while sipping the glass of juice that he prepared. Biglang nagring yung phone ko

"Yoboseyo?"

"Princess, this is daddy."

"Ne appa?"

"Alam na namin kung sino ang Lance na sinasabi mo. His real name is Timothy Jake Rosales, his dad prefer to call him Tim or Lance."

"Jinjja?!" Gulat kong tanong at napatingin kay Timothy na nakatingin habang iniinom yung juice nya.

Ikaw nga ba talaga si Lance?!

"Arasso appa" sabi ko at binaba na yung call.

Isang way of assuring na sya di Lance. The necklace I gave him nung mga bata pa kami.

"A-Ah T-Timothy." Mixed emotions. "I remember yung time na nagpapatulong kayo sa akin para ipainvestigate yung hinahanap mo, sino ba yung hinahanap mo na yun?" Kinakabahan ako sa pwede nyang isagot.

"Ah si Ricka, oo matagal ko na syang hinahanap, the first and last time na nagkita kami is gradeschool pa yata yun, I saw her na binubully nung mga classmates nya dahil nga sa mataba sya at madungis sya para daw hindi sya anak mayaman, pero di yun yung nakita ko sa kanya eh, kahit na mdungis at mataba sya tas duwag pa nakita ko yung beauty within her soul. Narinig ko lang yung yaya nya na tinawag syang Ricka at ayun umalis na sila she just gave me this necklace, ito lang yung tanging remembrance ko from her."

"L-Lance." Naiiyak kong sabi

And everything went black

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now