Kabanata 5

9 2 0
                                    

Serafina Annaliese Toronto

Woaaah! This is neeeww, huh! Sana naman pumayag si daddy! Kasalukuyan ng kinakausap ni Ivan si daddy na nasa work ngayon.

Nakakakaba naman ito! Parang ipinapakilala ko na si Ivan na boyfriend ko! Geeezz! Oeeemjii! Sheeemaaay!

Sino ba iyon? Boyfriend mo? 'Pag lang nalaman ko na boyfriend mo 'yun ay alam mo na ang mangyayari! Banta sa akin ni mommy at lumaylay naman ang balikat ko.

Classmate ko lang siya simula nung grade 8. Best friend ko 'yun! Atsaka may kasama naman kami na classmate namin. Sagot ko sa kaniya at bumuntonghininga siya.

Mommy! Bakit si ate lalabas? Sasama ako! Sabat ni Andy at tiningnan ko siya nang masama.

Hindi ka pwedeng sumama, sige sumama ka at hindi na lang tayo pupunta sa Lumang Paraiso. Banta ni mommy at nakahinga ako nang maluwag dahil ayokong may kasamang kapatid.

Mag-ingat ka ha! Baka mamaya pag-uwi mo dito buntis ka na! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin namin sayo! Pananakot sa akin ni mommy at napakamot na lamang ako sa ulo ko dahil sa kaniyang sinabi.

Grabe naman! Ngayon nga lang ako lalabas na hindi sila kasama!

Ilang saglit pa ay biglang may tumawag sa phone ni mommy at si daddy iyon kaya sinagot niya.

Be! Be! Sino ba iyon?! Pinayagan mo ba si Serafina na sumama sa lalaki?! Galit na tanong ni daddy at nag simula na akong kabahan.

Oeeemjii! Nagalit si daddy.

Be, hayaan mo na. Malaki na 'tong anak mo. Alam naman niya ang mangyayari kapag nagkamali siya. Sagot ni mommy at dahil sa kaba ay nakagat ko ang mga daliri ko dahil sa takot.

Sige, payagan mo basta dapat bago ako makauwi diyan sa bahay ay nandiyan na siya. Rinig kong bilin ko ni daddy at nakahinga naman ako nang maayos.

Hindi ko nga alam kung bakit ako sasama kay Ivan kahit na hindi ko naman mga ka-close 'yung iba na kasama nila.

Kakausapin ko muna si Serafina. Rinig kong sabi ni daddy at tinanggal ko ang pagkakagat ko sa daliri ko at nanginginig kong kinuha ang phone ni mommy.

Oh, daddy? Kinakabahang bati ko sa kaniya at kung pwede lang ay baka bigla akong matumba dahil sa boses ni daddy! Oh, batman! Helpp mee!

Anak, mag-ingat ka ha! Lalaki ang kasama mo kahit na may kasama ka pang mga babae. Bilin ni daddy.

Opo. Sagot ko.

'Wag na 'wag kang iinom o kakain ng mga ibibigay nila ha? I-text mo ang mommy mo kapag nakarating ka na at kung ayos ka lang. Mahigpit na bilin sa akin ni daddy at sa isip-isip ko ay napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng ganitong magulang.

Opo, gagawin ko po. Magalang kong sagot at ibinigay ko na kay mommy ang phone niya.

Mommy, mag hahanap na ako ng susuotin. Pagpapaalam ko kay mommy at tumango lang siya at ako naman ay masayang umakyat sa second floor namin at pumunta sa pangalawang kwarto.






What are you doing, Serafina??!



Galit na tanong sa akin ni Savaris sa aking isipan nang makarating ako sa pangalawang kwarto.

You're with me, right? Then, if something bad happens to me you will help me, right? Mahinang sagot ko sa kaniya.









Yeeey! Savaris will protect us! Don't be mad, Savaris! Everything will be fine.





Sabat ni Novis at tumango-tango ako at pumunta sa closet ko.

Out of The Blue Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon