Kabanata 20

6 1 0
                                    

Benedicto Jonas Lotus

Alas! I've got her phone number hahahahaha! Fortunately, sir. Mac asked me to go get the log book kung saan nakalagay ang mga contact numbers and pangalan nung mga taong kumain sa aming resto.

Para lang naman 'yun sa mga hindi nakacheck in, ewan ko ba kung bakit niya nilagay ang pangalan at number niya doon kaninang umiga. Nakita ko kasi siya kanina na nagsulat sa book na iyon at sakto naman na pinakuha sa akin ni sir. Mac 'yung log book at nakita ko na ang sulat niya doon at nasa pinakadulo iyon. Kabarino naman at hindi ko masyadong mabasa ang pangalan niya dahil parang kinalahig ng manok ito!

Nung una ay naghe-hesitate akong tawagan siya, pero tinawagan ko na rin para sigurado kaso hindi na kami nakapag-usap nang maayos dahil binabaan niya na ako.

Ano pa nga bang e-expect ko? Alangan naman i-entertain niya ang unknown caller na tumawag sa kaniya. Syempre hindi!

Masaya ako ngayon dahil nakuha ko na ang number niya at pwede na kaming mag-usap, kaso paano ko sisimulan iyon? Pinag-iisipan ko pa lang kung ano ang gagawin ko dahil hindi ako pwedeng magpadalos-dalos at baka bigla akong mademanda.

Saya mo yata ngayon, pre? Nang-aasar na tanong sa akin ni Makoy habang parehas kaming kumukuha ng juice para sa customers namin.

Hindi 'man. Natatawang sagot ko at nailing-iling na lang. Napansin ko lang sa kaniya na inalis na niya 'yung salamin niya na suot-suot mag mula kaninang pumasok siya.

Asaan na 'yung salamin mo? Tanong ko sa kaniya habang ang tingin ay nasa juice.

Sunod ko namang nilagyan ay ang isang baso dahil malapit ng mapuno 'yung isa.

Hehehe! Poporma lang ako doon sa babaeng nakita natin kagabi. Sagot niya sa akin at halos maitapon ko itong juice na hawak-hawak ko dahil sa kaniyang sinabi.

Nawawala na yata siya sa sarili niya.

Igop na ba ako rito? Sa tingin mo magugustuhan niya ako? Sunod-sunod niyang tanong sa akin na nakapagpatayo sa aking balahibo.

Ayos lang ba itong si Makoy? May asawa na 'to ah? Paano naman asawa niya?

Aaayy! Hahahahaha! Hindi ko alam. Sagot ko sa kaniya at umalis na sa juice station upang ilabas ito at para hindi na makarinig ng kung ano man mula sa kaniya.

Aba'y may ganito pa lang tao aaay! Akala ko sa tulfo ko lang ito makikita, sa totoong buhay din pala!

Nang makalabas na ako rito sa juice station ay nakita ko 'yung pamilya nung babae na tinawagan ko, pero hindi ko siya nakita. Nasaan kaya siya?

Siya lang ang wala... Sayang naman at hindi ko siya mapagmamasdan.

Dapat ay limitahan ko na ang sarili ko sa pagtitig na ginagawa ko sa kaniya at baka biglang mailang pa siya, pero I can't take my eyes off her kasi!

I will try my very best not to stare at her for a long time.

Iniserved ko na nga ito sa table 6 at nagpasalamat sila sa akin. Matapos iyon ay pumunta ako sa table 7 dahil wala pang nag-aasikaso sa kanila.

Kaunti kasi kami ngayon dito kaya double time kami. Sa table 7 ay nandito ang pamilya nung babae na tinawagan ko kanina.

Medyo marami ang customers dahil malapit na ang mahal na araw.

Oorder na po ba kayo, sir? Tanong ko sa papa nung babae at mahina naman siyang tumawa.

Oo. Sagot niya at binitiwan na ang menu.

Isang sinigang na hipon, one whole chicken, at dalawang halo-halo. Dalawang ripe mango smoothies—ano 'yung sa ate niyo? Pag-dictate niya ng mga oorderin nila at kaagad ko 'yung isinulat sa notebook na dala-dala ko at napahinto siya nang kulang pa ang order nila na shake dahil wala pa ang anak niyang babae.

Out of The Blue Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon