Kabanata 8

4 2 0
                                    

Ivan Miguel Altar

That was a woah! Damn! I've never seen her like that before! She was so different!

Naihatid ko na siya sa bahay nila at buti naman ay wala pa ang papa ni Anna doon dahil kung mas nauna siya sa amin ay lagot ako! Baka mabaril ako nang wala sa oras!

So, how was your date with Ruby? Bungad na tanong sa akin ni Chelsea nang lumabas ako sa aking kwarto at siya naman ay nakasandal sa pintuan ng kwarto niya at may ngisi sa labi.

Dahil sa kaniyang tinuran ay napailing na lamang ako at naglakad patungo sa hagdan upang umuwi sa bahay ng aking mga magulang.

Forced date, you mean? Napapailing na tugon ko sa kaniya habang bumababa sa hagdanan.

So, it's Rubiel na not Serafiguel? WOW! That's amazing, huh! Asik niya sa akin at hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy na sa pagbaba dahil kapag pinansin ko pa siya ay baka magalit pa ito sa akin.

Habang naglalakad ako ay bigla akong napaisip kung bakit parang naging iba si Serafina kanina.

She's definitely different earlier like she was someone! Tsk! For sure, it had a reason why she acted like that.

She even mentioned that Ruby lied about the ticket. I guess Serafina is telling the truth because she never lies in some certain thing like this.

Ganun ba talaga ako ka-gwapo? Dalawa nagkakagusto sa akin. Crap! Hindi naman, hindi nga ako gwapo at normal na lalaki lang ako.

Si Serafina alam kong totoo ang pagkagusto niya sa akin, pero hindi ko lang alam kay Ruby. Ang hirap mamili sa kanila, halos hindi ko na nga kinausap 'yung mga ibang nagkakagusto sa akin dati nung grade 8. Ewan ko ba, si Serafina na lang lagi ang kinakausap ko at pati na rin ang iba kong kaibigan na babae.

May kakaiba kasi kay Serafina na hindi ko makita sa ibang babae, hindi ko rin kayang ipaliwanag kung ano 'yun, para bang napakahalaga niya 'yung tipong kapag umiyak siya ay para siyang mababasag.

Makauwi na nga lang! Paniguradong hinahanap na ako.

---

Serafina Annaliese Toronto

Geeez! I'm really sorry! Gusto kong mag-sorry kay Ruby, pero parang mali naman kasi 'yung ginawa niya sa akin eh!

Sabi rin naman ni Ivan na that's fine naman daw.

Hindi ko na lamang pinansin iyon at humiga na lamang sa malambot kong kama.

Mabilis lang naman ang araw ngayon! Sa susunod ay tapos na kami sa pagre-review para sa program na iyon!

Napansin ko kasi na parang ang bilis ng oras ngayon na hindi mo namamalayan ay ganitong oras na pala.

Siguro ay sobrang busy lang ako kaya ganun. Besides 3 weeks na lang at pupunta na kami sa Lumang Paraiso! Gosh! I can't wait!

Gabi na ngayon at syempre matutulog na ako nang biglang mag-vibrate ang phone ko kaya inis na kinuha ko ang phone ko sa gilid ng unan ko at binuksan iyon.

Nakalimutan ko pa lang patayin ang WIFI ng phone ko kaya nakarecieved pa ako ng message. Sana naman ay hindi ito tungkol sa Acads! Pagod na pagod na ako!

Nang makita ko kung sino ang nag chat ay nakahinga ako nang malalim dahil si Ivan lang pala ito.

Goodnight, Anna, I had fun. Chat niya sa akin at napakunot naman ang aking noo.

Out of The Blue Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon