Serafina Annaliese Toronto
Woooaaah! Parang may nararamdaman akong liquid sa ibabang parte ng katawan ko na aking ikinakaba. Goosssh! Don't tell me I have my period now?!
Kainis naman! At hindi rin maayos ang tulog ko dahil iniisip ko na baka mamaya ay matagusan ako! Goossh!
Bad trip naman 'to! Paano ko naman ma-eenjoy ang bakasyon na 'to?! Kung buong bakasyon namin ay mayroon akong dugo?!
Naiinis, tumayo ako sa pagkakahiga ko at dahan-dahan naglakad papunta sa cr upang hindi magising ang mga natutulog.
Nang makapunta ako rito ay hindi ko na sinara ang pinto dahil tulog naman sila.
Marahan kong inilihis ang suot kong short pababa at umupo na sa bowl at nang tingnan ko ang undergarment ko na suot ay nanlumo ako at napalaylay na lang ang balikat ko.
My hunch is right! Kainis! May dugo nga ako! Kaasar naman! Isinuot ko na muli ang undergarment at short ko sabay tayo at lumabas upang kumuha ng panty at all night long na napkin.
Yuupp! All night long napkin ang lagi kong gamit kasi ayokong matagusan! I hate that!
Binuksan ko ang cabinet na nasa tapat lamang ng CR at kinuha ko ang bag ko kung saan nakalagay ang napkin at panty ko. Nang makakuha ako ay bumalik na ako sa CR at isinara ang pinto at pinindot ang lock nito dahil baka mamaya may pumasok tapos magkagulatan pa kami.
Hindi talaga magiging enjoyable 'tong bakasyon na 'to.
---
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Ranaria dito sa loob ng Lumang Paraiso. Ipinalabas muna kami ni mommy dahil nagkukulit si Ranaria sa kwarto namin kaya ito nandito kami sa labas.
Buti na lang at maraming puno at mahangin dito kasi kung hindi ay baka magalit lang ako dahil sa pagkairita.
No, Ranaria, no! Pangbabawal ko sa kaniya nang bigla siyang lumuhod sa kalsada at buti na lamang ay naagapan ko ang paghatak sa kaniya.
Imbes na paglakarin siya ay binuhat ko na lamang siya para hindi magwala. Sana all baby! Sana all binubuhat lang! Sana aaaalll!
Ranaria, Ranaria, Ranaria, why you're so stubborn? Pag-awit ko sa kaniya at humagikgik naman siya at akmang kakagating ako kaya natawa ako sa kakulitan niya.
Ang cute-cute-cuuuteee naman nitong si Ranaria! Sabi nila ay kahawig daw naming tatlo siya at mukang tama sila kasi minsan ay may angle na kamuka ko siya at minsan naman ay kamuka niya si Andy o Marianna.
Ateee! Rinig kong tawag sa akin ng isang boses at sigurado ako kung sino iyon, si Andy ito.
Huminto naman ako sa paglalakad at humarap sa kaniyang direksyon. Papalapit na siya sa amin ngunit mabagal nga lang siya nang kaunti lumakad dahil medyo palusong ang daan dito.
Ano? Tanong ko sa kaniya nang malapit na siyang makalapit sa akin at ipinakita naman niya sa akin ang kamay niya na may lamang dalawang one hundred pesos at isang fifty pesos.
Saan mo naman nakuha 'yan? Tanong ko sa kaniya dahil sigurado namang hindi siya bibigyan ni mommy at daddy nang ganiyang kalaking pera lalo na kapag nandito kami.
50 pesos pababa lamang ang ibinibigay nila sa amin kasi nga raw marami naman daw kaming dalang pagkain.
Marami raw, pero mga hindi naman namin gusto. Sows!
BINABASA MO ANG
Out of The Blue Moon (COMPLETED)
RomanceOnce in every two to three years Blue Moon is seen in Earth, but what if, the word Blue Moon became an idiom for love? Love that is unexpectedly came and brought feeling blue to someone. What if, Love unexpectedly strikes someone? Would it cause ch...