Benedicto Jonas Lotus
Sayang! Hindi sumakto sa lap niya 'yung pagbato ko ng papel sa kaniya! Isinulat ko pa naman ang pangalan at ko at number doon buti na lang at pinagbintangan niya ang kapatid niya at hindi ako nabisto.
Danng! Dapat pala inayos ko 'yung pagbato! Sana may next time pa...
Batuhin ko kaya siya ulit? 'Wag na nga! Baka mamaya mahuli pa ako, mayayari pa ako.
Siya na kaya ang para sa akin? O pinagtagpo lang kami? Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero ang isinisigaw ng puso ko ay siya na ang aking mapapangasawa at magiging nanay ng mga anak ko—pero syempre kung gusto niyang magkaanak ay bibigyan ko siya, pero kung hindi ay irerespeto ko siya dahil katawan niya iyon at siya ang maghihirap sa pagdadala ng bata sa loob ng siyam na buwan kaya dapat handa na siya kapag ganun, kung siya ang magiging asawa ko!
Nakakakilig naman 'tong isipin!—tssee! Napakaadvanced kong mag-isip! Ni hindi ko pa nga alam pangalan niya tungkol kaagad sa pagpapamilya iniisip ko. Dang iiit!
Nang makabalik ako sa pwesto ko ay nakita ko na wala na siya sa upuan niya at pati ang kapatid niyang baby. Nasaan na kaya siya?
Sinubukan ko siyang hanapin, pero hindi ko siya makita.
Hindi siguro kami para sa isa't isa... Akala ko ay makikilala ko pa siya. Napakaliit kasi talaga ng chance kapag sa stranger ka nahulog lalo na kung walang lakas ng loob na tanungin ang pangalan ng taong iyon.
Inasikaso ko na lang ang ibang customers dahil dumarami na sila, para naman makalimutan ko siya kahit papaano.
Good evening po, ma'am and sir. Dine it po? Bati ko sa kanila at nakita kong may karamihan sila, buti na lang at tapos na ang pamilya na nasa long table.
Opo. Sagot nung babae at tumango naman ako saka iginiya sila papasok sa loob.
Ilan po ba kayo? Tanong ko pa sa kaniya habang pumapasok kami sa loob.
Labing isa kami lahat, kuya. Sagot niya sa akin at tumango naman ako bilang tugon.
Sakto na sila roon, magdadagdag na lang ng isang mesa para magkasya sila.
Nang makapasok na kami ay pinaupo ko na sila sa doon sa table na itinuro ko at tinawag ko si Janica para tulungan akong buhatin ang isang mesa para ilagay doon sa pwesto nila.
Nica, tulungan mo ko dito. Tawag ko sa kaniya kasi siya lang ang pinakamalapit sa akin at dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin at nang makalapit na siya ay iniangat niya na 'yung kabilang dulo ng mesa at ganun din ang ginawa ko saka maingat na binuhat ito papunta sa table nila.
Nang madala namin ito doon ay tinawag ako nung babae na kausap ko kanina.
Kuya, oorder na kami. Sabi niya sa akin at tumango naman ako at sabay nag salita.
Sige po, ma'am. Tugon ko sa kaniya at umikot pa ako sa kabila upang makapunta sa kaniya dahil nasa kabilang bahagi siya ng table.
Gaya nga ng kaniyang sinabi ay nag simula siyang omorder at panay ang buklat niya sa menu.
Dalawang uri ng appetizers ang kinuha niya at pati rin ng desserts. Tapos kumuha rin siya ng apat na iba-ibang main dish at ang sabi niya ay maghahati-hati sila sa babayaran.
Nang matapos siyang omorder ay ibinigay ko na ito kay sir Mac at gaya ng nakagawian ay tinipa niya ito sa kaniyang computer.
Sa kabila ng pagiging preoccupied ko ay sumasagi pa rin siya sa aking isipan, para siyang pabango na ang tagal ng kapit sa damit.
BINABASA MO ANG
Out of The Blue Moon (COMPLETED)
RomansaOnce in every two to three years Blue Moon is seen in Earth, but what if, the word Blue Moon became an idiom for love? Love that is unexpectedly came and brought feeling blue to someone. What if, Love unexpectedly strikes someone? Would it cause ch...