Chelsea Claire Dalawin
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng floor ko nang marinig kong may kausap si Lauren at nakabukas ang pinto niya.
Hindi ko naman gawain na makinig sa usapan ng iba, pero ewan ko ba parang pakiramdam ko ay dapat kong marinig ang pag-uusap nila.
Kadalasan kasi ang mga kwarto rito ay nakabukas ang pinto dahil ang aircon ay nasa hallway! Well, may aircon naman sa bawat room ng paupahan na ito, pero may oras iyon sa pagbukas!
Pagpatak ng 10 pm hanggang 7 am ay nakabukas ang aircon, tapos 7 am to 1 pm ay nakapatay ito.
Pagpatak naman ng 1 pm to 6 pm ay bubukas ulit ito tapos hihinto ulit hanggang 10 pm. Kaya nagbubukas kami ng pinto para pumasok ang lamig na galing sa aircon ng hallway.
Edi, masaya na ngayon si Serafina dahil may lalaking magmamahal na sa kaniya at hindi na magiging unrequited love iyon? Rinig kong tanong niya sa kaniyang kausap.
What? Hanggang dito ba naman ay may Serafina? Ang galing naman ng coincidence na 'to.
Syempre! Ano ka ba? Rinig kong sagot nung kausap niya sa kabilang linya at boses ng babae iyon.
Naka-loud speaker kasi ang phone ni Lauren dahil medyo malayo sa kaniya ang phone niya.
Sanaaa aaaalll na lang! Tugon niya at kating-kati na akong malaman kung sinong Serafina ang kaniyang tinutukoy.
Ilang saglit pa ay ibinaba niya na ang tawag at dito na ako pumasok sa kaniyang kwarto nang walang katok-katok.
Sino 'yung kausap mo, Lu? Tanong ko sa kaniya at nagulat pa siya sa ginawa kong pagpasok.
Aaah butiki! Gulat niyang sigaw sa akin at napakunot naman ang noo ko.
Ang ganda ko namang butiki. Inis kong tugon sa kaniya at napangiti siya nang alanganin at nag-peace sign saka bumalik sa ginagawa niya.
Si Zoe lang iyon, kaibigan ko. Sagot niya sa akin at napatango naman ako at naupo ako sa kama niya.
Naman, atee! Ang dumi-dumi mo! 'Wag kang maupo diyan! Pangbabawal niya sa akin at inirapan ko lang siya at tinanggal ang tsinelas ko at nahiga rito kaya napaismid na lamang siya.
Kapatid ko si Lauren, dalawa lamang kaming magkapatid at nagdo-dorm din siya.
Eh, sino naman si Serafina? Curious kong tanong sa kaniya.
Kaibigan ko rin, bakit ba ang dami mong tanong, ate? Pikon na sagot niya sa akin at hindi ko pinansin ang sinabi niya at nag tanong muli.
By any chance, Toronto ba ang apelido niya? Tanong ko sa kaniya at nakakunot ang kilay niyang tumingin sa akin at tinaasan ko siya ng kilay.
Oo, ate? Bakit? Seryosong tanong niya sa akin at nagulat naman ako. Huh? Paano niya naging kaibigan si Serafina? Bago 'to aaah? Hindi ko alam na kaibigan niya si Serafina.
Paano mo naman siya nakilala? Tanong ko pa sa kaniya. Hindi ko naman sila nakikitang mag-usap ni Ivan, in fact nilalayuan pa nga niya si Ivan so paano niya naging kaibigan si Serafina? I mean, paano niya nakilala si Serafina?
Classmate ko siya nung grade 8. Sagot niya sa akin at napabalikwas ako sa aking pagkakahiga at mabilis akong naupo sa kama niya at tiningnan siya nang mabuti.
Ibig sabihin classmate mo rin si Ivan?! Gulat kong tanong sa kaniya at umismid naman siya saka bumalik sa kaniyang pagsusulat.
Oo, ate, ngayon mo lang ba nalaman? Katabi lang kita ng kwarto tapos ngayon mo lang nalaman? Haay nakuu ikaw talaga ate! Napipikon na sagot niya sa akin at napahawak na lamang ako sa aking pisnge.
BINABASA MO ANG
Out of The Blue Moon (COMPLETED)
RomanceOnce in every two to three years Blue Moon is seen in Earth, but what if, the word Blue Moon became an idiom for love? Love that is unexpectedly came and brought feeling blue to someone. What if, Love unexpectedly strikes someone? Would it cause ch...