Serafina Annaliese Toronto
Gosssh! It's April 15 na! Parang kahapon lang ay kapupunta pa lamang namin dito! Napakabilis nga talaga ng oras kapag mga nasa ganitong buwan! Kainis!
Sa sabado ay aalis na kami at nakakaasar iyon!
Mamaya ay darating si tito Aaron kasama sina mama which is lola ko, pero ang tawag ko ay mama at si tito El na kapatid naman ni mama.
Umaga pa lamang ngayon at kagigising ko lamang. Ang dalawa ko namang kapatid ay tulog pa, ang katabi ko rito sa kama ay si Marianna habang si Andy ay nasa folding bed.
Lumipat na kasi kami sa Cabana which is good kasi dalawa ang room. Nasa room 18 sina daddy at mommy habang si kami ay nasa 17.
At sabi ni mommy ay sa room 16 sina mama matutulog.
Ito ang best room dahil makakasagap ng WIFI din mula sa hotel kaya dahan-dahan akong bumangon upang hindi ko magising si Marianna at kinuha ang bag ko sa may upuan saka binuksan ito at dinukot ang phone ko na malaki.
Nang madukot ko na ang phone ko ay isinara ko na ang bag ko at isinauli na ulit ito sa upuan.
Humiga na ulit ako at nagkulubong upang hindi nila ako makita na nagce-cellphone dahil maaga pa at gusto ko pang matulog ulit!
Nakakairita nga lang dahil may suot akong napkin.
Naglalangoy pa rin naman ako kahit na may dugo ako hahahahaha! Alangan naman na hindi ko subukang i-enjoy itong bakasyon edi lugi naman ako! Pssh!
Nang mabuksan ko ang phone ko ay laking gulat ko ng wala pang 7 am! Whaat thee Baattmaan?!
It's ten past six pa lang! Graabeee! Ang aga namang sumikat ng araw. Lagi na lang ganito kapag nagbabakasyon kami dito. Akala ko 8 am na 'yun pala ay 6 am pa lang!
Kaya siguro maagang tumayo ang mga tao rito sa probinsya.
Pumunta na ako sa messenger at binuksan ang WIFI. Ilang saglit pa ay bumungad kaagad ang chat na galing kay Zoe, Ivan, at sa family group chat namin.
Una kong binuksan ang chat sa family group namin at nakita kong si daddy ang nag-chat nito at chat pa niya ito kagabi pa na binibilinan kami na iharang ang isang upuan sa pinto at ipatong doon ang galon na may lamang tubig para kapag may nagtangkang pumasok ay magising kami.
Binasa ko lang 'yun at hindi nag-react dahil baka kapag ginawa ko 'yun ay bigla akong tawagin ni mommy at ipaalaga si Ranaria sa akin which is ayoko dahil maaga pa!
Sunod kong binuksan ang chat ni Ivan at mayroon lamang siyang walong messages sa akin.
---
"Calm down, dude..."
"It's definitely wrong to stalk someone's Facebook account."
"No, you can't be in love with someone who is older than you!"
"You're still a minor."
"You're being "maharot" na... You should stop it."
"It won't bring any good to you..."
"He is 20, dude! Can't you see the difference?"
"Bye, I'm preoccupied by you! I'm telling you, you should stop it immediately!"
BINABASA MO ANG
Out of The Blue Moon (COMPLETED)
RomanceOnce in every two to three years Blue Moon is seen in Earth, but what if, the word Blue Moon became an idiom for love? Love that is unexpectedly came and brought feeling blue to someone. What if, Love unexpectedly strikes someone? Would it cause ch...