Kabanata 9

4 2 0
                                    

Serafina Annaliese Toronto

Saturday na ngayon at kaaalis lamang ng parents ko kasama ang tatlo kong kapatid upang mag pa-injection.

Hindi ako sumama dahil tinatamad akong lumabas at masakit ang ulo ko. Lagi na lang sumasakit ang ulo ko at nakakaasar iyon! 8 hours naman lagi ang tulog ko, pero parang deprived na deprived ako sa tulog!

Kasalukuyan akong nag-aayos ng kalat dito sa bahay dahil baka mamaya pag-uwi nila mommy ay sabihin niya na naman na wala akong ginawa dito kung hindi ang mag cellphone lang.

Ayoko na ng ganun, kung dati ay ayos lang sa akin na sabihan ako nang ganun ay ngayon ayoko na kasi malaki na ako at dapat ay tumutulong na ako sa mga gawaing bahay.

Tahimik ngayon dito sa bahay dahil wala sila at tanging ako lamang ang nandito. Maganda siguro kung ganito katahimik, pero nakakatakot naman ang katahimikan minsan kaya mas gusto kong may kasama.

Tinanggal ko ang mga damit nila na nakalagay sa sofa at inilagay iyon sa tamang lalagyanan. Matapos iyon ay inilagay ko lahat ng hugasin sa kusina upang hugasan iyon mamaya.

Nang mailagay ko na lahat ng pinggan ay kinuha ko ang walis at nag simulang walisan ang lapag.

Buti na lang at maliit lamang ang bahay namin at madaling linisin!

Ilang minuto ang lumipas ay natapos na akong mag walis at sunod ko namang ginawa ay ang paghanay-hanayin ang mga gamit na nasa mesa upang hindi makalat masyado.

Phew! This is tiring! Mahinang bulong ko sa sarili at marahang pinahid ang pawis sa aking muka gamit ang bimpo ko.

Dahil naiinitan na ako ay binuksan ko ang aircon namin dito sa sala upang lumamig-lamig naman kahit papaano.

Nang mabuksan ko na ang aircon ay tumungo na ako sa kusina upang hugasin ang ilang mga hugasin. Limang baso, dalawang pinggan at dalawang tinidor lang naman ang nandito kaya magaan pa ang gawaing ito.

Nag simula na akong lagyan ng sabon ang sponge at marahan ko iyong ikinuskos sa mga hugasin at kada hugasin ay naglalagay ako ng panibagong sabon sa sponge.

Parang mas masarap ang ginagawa kong ito dahil kahit pumasok ako sa regular class ko ay wala naman akong ginagawa doon at nakikinig lang sa kanila dahil nga kasali ako sa program na iyon.

Sana lagi na lang ganito, pero ano namang matututunan ko kung palagi na lamang ganito? Sayang lang ang tuition fee kung wala naman pala akong natututunan.

Ilang saglit pa ay natapos na rin akong sabunan ang lahat ng hugasin at ngayon ay binabanlawan ko na ito upang mailagay sa tauban ng aming pinggan.

Dito namin inilalagay ang mga bagong hugas na pinggan, baso, kutsara't tinidor.

---

Isang oras na ang nakalipas at hindi pa rin sila umuuwi, naiingit na tuloy ako dahil paniguradong wala na naman silang pasalubong sa akin, kung meron ay hindi ko naman gusto.

Hahahaha! Makakalabas din pala ako bukas dahil injection ko against sa COVID-19.

Bibili ako ng maraming baon para sa byahe pagpunta sa Lumang Paraiso! I'm soooo excited! Can't wait! Goossh!

Habang nakaupo ako rito sa sofa at nanonood ng Kwentong Pambata ay kinuha ko ang phone ko at binuksan iyon saka pumunta sa messenger kung saan bumungad sa akin ang chat ni Ivan sa akin.

Nag-aalalangan ay binuksan ko ito kahit na alam kong kaya ko siya ni-mute ay dahil gusto ko ng mag move on, pero hindi ko ba alam kung anong meron sa kaniya at naawa ako.

Out of The Blue Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon