Kabanata 32

5 1 0
                                    

Benedicto Jonas Lotus

May 2 na ngayon at gusto ko sanang pumasok nang maaga kaso hindi pwede dahil may pinapagawa sa akin si mama.

Yaaahh! Akala'y kong makakapasok ako nang maaga para makita 'yung babae, mama aayy! Angal ko sa kaniya at bahagya naman siyang natawa habang inaayos ang kaniyang kwarto.

Aayy! Ganoon ba? Oh, siya yaon na aay! Hindi mo sinabi kaagad! 'Kaw bata ka talaga! Tugon sa akin ni mama at nailing na lamang ako dahil huli na.

Ayos lang, mamaya na lang, may mamaya pa naman aaay! Sabi ko sa kaniya at winalis ang mga alikabok dito sa kwarto.

Kalungkot naman at hindi ko siya makikita, pero ayos lang 'yun sa akin dahil sabi ni ate Ika ay regular customers na sila sa Lumang Paraiso kaya may chance na makita ko siya muli.

Nagulat nga ako kahapon dahil nung nasa hagdan ako pababa ay nakasalubong ko sila ng kaniyang kapatid at kumakain ng kokocrunch.

Ang kailangan ko lang gawin ay ipagpatuloy ang pagtra-trabaho rito para makita ko siya muli. Sayang nga lang at hindi ko pa nakukuha ang pangalan niya kasi sobrang busy ko sa trabaho at hindi ko naman minsang magawang mag bukas ng Facebook kahit gustuhin ko dahil kinabukasan ay may pasok ako.

Basta, kapag nakakuha ako ng pagkakataon ay tatanungin ko na lang ang kaniyang ama kung pwede ko siyang ligawan at hindi pa ngayon ang tamang panahon na iyon.

Oo, liligawan ko siya kahit na anak siya ng pulis, wala akong pakealam doon dahil iniirog ko na talaga siya, hindi ko lang alam kung papayag 'yung babae na ligawan siya at yaong kay ganda niya para sa akin aaayy!

Baka nga may boyfriend na ang isang iyon, pero wala namang masama kung hihingiin ko ang kamay niya sa kaniyang ama, hindi ba?

Kung may boyfriend na siya ay hindi ko na itutuloy ang pangliligaw ko sa kaniya at kung wala pa ay mas maganda iyon!

Paano naman si Maya, 'nak? Sasabihin mo ba sa kaniya? At ano bang plano mo sa babaeng iniirog mo aay? Sunod-sunod na tanong sa akin ni mama at napakamot na lamang ako sa aking ulo.

Mama, alam niyo ng may asawa na si Maya. Sagot ko sa kaniya at inilagay na sa dust pan ang mga dumi na aking na walis. Si Maya kasi ay kababata ko at may pamilya na siya kaya ayoko ng ipilit ang sarili ko sa kaniya. Matagal na akong naka-moved on sa kaniya bago pa man dumating ang babaeng iyon sa buhay ko.

Sasabihin ko lang 'yun sa kaniya kapag ikakasal na kami nung babae, kung ikakasal kami. Sagot ko pa sa tanong ni mama. Oo, kasal kaagad ang gusto ko dahil ipinangako ko sa sarili ko na kapag nagkaroon ako ng kasintahan ay idederetso ko siya sa simbahan kaagad, pero syempre hindi agad-agad.

Aaayy! Ganun ba? Tugon sa akin ni mama at tumango na lamang ako at inatupag na ang aking ginagawa para mabilis kaming matapos dito.

---

Serafina Annaliese Toronto

Ang bilis nga naman ng panahon! Bukas ay uuwi na kami aaatt hindi ko pa rin talaga nakukuha ang pangalan niya o nickname man lang niya!

Katatapos lang namin kumain ng dinner at kasalukuyan na kaming nagpapahinga ngayon. Kanina ay may pasok ako at pumasok ako dahil hindi naman ako pwedeng umabsent kasi hindi na ako exempted.

Dinala ko pa 'yung laptop ko sa restaurant para lang ipakita roon kay kuyang cuutee na waiiter guuy na nag-aaral pa lang ako, pero wala naman siya roon!

Out of The Blue Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon