Serafina Annaliese Toronto
Yeeess naman! Nakapaggayak na ako ng mga dadalhin kong damit. Iniinat ko naman ang aking mga braso upang hindi mangalay nang todo, total tapos na rin naman ako sa paggagayak.
As usual nag dala ako ng sobra-sobrang undergarments dahil importante ang mga 'yan! Nag dala rin ako ng dalawang sobrang clothes para kapag nagpa-extend sila mommy at daddy ay nakaready ako.
Nung nakaraan kasi ay nagpa-extend nang nagpa-extend sila, eeeh wala naman akong dalang ganung karaming damit! Nag-ulit tuloy kami hahahahaha!
Habang nagsasaya ako rito sa kwarto sa second floor ay nakarinig ako ng mga yabag na halatang tumatakbo ito papunta sa kwarto kung saan ako nagsasaya.
Mayamaya pa ay bumungad sa harap ko ang kapatid kong si Andy at hinihingal siya dahil sa ginawa niyang pag takbo.
Ate, ate, ate! Tawag ka ni mommy, alagaan mo raw si Ranaria! Hinihingal niyang sabi at tumango na lamang ako at siya naman ay umalis na.
Overweight kasi ang isang iyon kaya ganun na lamang siyang hingalin kapag tumatakbo.
Tumayo na ako at binuhat ang backpack ko kung saan nakalagay ang mga susuotin ko roon. Tigi-tigisang bag kami na dadalhin kaya marami kaming bitbitin. Idagdag pa ang lalagyanan ng mga snacks, tubig, at iba pa.
Binuhat ko na nga ito at naglakad na papalabas ng kwarto at nang matapat ako sa pintuan ay marahan kong pinindot ang switch ng ilaw sa kwarto na nakalagay lamang sa katabi ng pintuan.
Sa inyong kaalaman, gabi na ngayon kaya pinatay ko ang ilaw. Pinatay ko ito para hindi sayang sa kuryente at para makatulong din naman ako kahit papaano sa pag-save sa Earth kasi kahit maliit na bagay lamang iyan ay makakatulong pa rin 'yan kaya dapat tayong maging matipid sa mga ganitong bagay.
Nang mapatay ko ito ay nagpatuloy na ako sa paglalakad at bumaba na, nang ako'y makababa ay tumambad sa akin ang iilang backpacks na nakahilera na at handa ng isakay sa sasakyan mamaya.
Tuluyan na nga akong nakababa at inilagay ko ang aking backpack sa tabi ng backpack ni Marianna.
Alagaan mo nga muna itong si Ranaria, Anna. Hindi ako mabilis-bilis sa ginagawa ko, darating na lang mamaya 'yung daddy niyo hindi pa ako nakakapaggayak ng ilang mga gamit. Bungad na utos ni mommy sa akin nang makababa ako at makitang tapos na ako sa aking ginagawa.
Nang marinig 'yun ay kinuha ko si Ranaria sa kaniya na kasalukuyang dumedede at buti na lamang ay hindi umiyak.
Byyee. Sabi niya at kumaway pa kay mommy.
Matapos 'yun ay pumunta ako sa kwarto namin upang tingin kung anong ginagawa nung dalawa kong kapatid.
Nang makita ko ang ginagawa nila ay biglang nag-init ang ulo ko. Naglalaro lamang sila ng Pet Simulator!
MAG LALARO NA LANG BA KAYO HANGGANG MAMAYA?! ANG DAMING KALAT OOOH! MAGLINIS NAMAN KAYO! TULUNGAN NIYO NAMAN SI MOMMY! ANAK NG TINAPA NAMAN OOH! Galit kong sigaw sa kanila at parehas silang natauhan sa kani-kanilang ginagawa at mabilis na tumayo sa pagkakahiga nila at lumabas na sa kwarto.
'Wag na kayong mag-away, lagi na lang kayong ganyan! Sabat ni mommy habang nag-aayos ng gamit at napabuntonghininga na lamang ako at isinandal ang ulo sa ulo ni Ranaria at bumulong ng...
...Sana may magandang mangyari naman. Mahinang bulong ko sa aking sarili at nag-angat na ng tingin at tiningnan ang aking dalawang kapatid na nagkukumahog na gawin ang mga dapat nilang gawin.
Baka may assignments pa kayo aah? Tapos hindi niyo pa ginagawa! Mariin kong paalala sa kanila lalo na kay Marianna dahil ang hilig niyang magpagawa ng module tuwing gabi kahit na ni-send nung teacher niya 'yun ng umaga o tanghali! Ang gagawin niya lamang ay maglaro!
BINABASA MO ANG
Out of The Blue Moon (COMPLETED)
RomansaOnce in every two to three years Blue Moon is seen in Earth, but what if, the word Blue Moon became an idiom for love? Love that is unexpectedly came and brought feeling blue to someone. What if, Love unexpectedly strikes someone? Would it cause ch...