Kabanata 14

5 2 0
                                    

Benedicto Jonas Lotus

Woah! What is this feeling? Ang ganda niya!

Ngayon ko lamang siya nakita rito sa restaurant, sa bagay paiba-iba naman ang mga customer dito, pero siya lang ang kakaiba para sa akin.

Kakukuha ko pa lamang ng kanilang order at ang inorder nila ay Sinigang na Bangus, isang buong chicken, dalawang rice platters, at Pancit Lucban.

Dinala ko na ang order nila sa cashier namin para maregister na 'yung babayaran nila at mailuto na ang order nila.

Sir, sa table 5, ito ang order. Sabi ko at pinilas ang papel sa pagkakakabit sa notebook ko at ibinigay ito kay Mila, assistant ni sir Mac.

Okay. Tugon ni sir Mac at kaagad na ni-encode sa computer niya iyon.

Ako naman ay humarap sa table 5 kung saan nandoon ang babaeng pumukaw ng aking atensyon.

Hindi pa man niya hinuhubad ang face mask niya ay nabibighani na ako kaagad sa ganda niya.

Buti na lang at wala akong girlfriend, kaya ayos lang na tumingin sa mga babae! Hahahaha! Pero, may crush ako at 'yun ay ang childhood bestfriend ko kaso nga lang ay hindi kami parehas ng nararamdaman sa isa't isa. Kakaiba 'tong nararamdaman ko ngayon, ibang-iba sa mga naunang napagmamasdan ko.

Bago pa lang kasi ako rito sa restaurant na ito at mag i-isang buwan pa lamang ako rito kaya marami-rami na rin akong nakitang mga babaeng maganda.

Curious tuloy ako kung anong pangalan niya, saan siya nakatira, ilang taon na siya at kung may boyfriend na ba siya.

Nakayuko siya at halatang nakikinig sa music na pinatutugtog niya sa kaniyang phone, habang nakayuko siya ay bahagyang gumagalaw ang ulo niya na sa tingin ko ay nagvi-vibe siya sa music.

Nakasuot siya ng SquarePants na kulay dark green na tinernuhan niya ng white printed t-shirt. Ang buhok niya ay umaabot hanggang sa likod niya at may kulay itong black na sinamahan pa niya ng bangs.

Pansin ko na wala siyang ganoong kalusog na hinaharap, pero pang model ang katawan at tangkad niya! Siguro ay 18 years old na siya o kaya ay pataas. Ang kutis niya ay katamtaman lang at hindi ganoong kayumanggi.

Hindi ko lubos na mapagmasdan ang kabuang muka niya dahil may suot pa siyang face mask. Baya i na at titingnan ko na lang siya mamaya.

Habang nakatingin ako sa kaniya ay bigla siyang nag-angat ng ulo at nagkatamaan kami ng tingin ngunit hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya at sa halip tiningnan ko si Rico na kasalukuyang naglalagay ng pinggan sa kanila.

Nang ibalik ko ang tingin sa kaniya ay nakita kong nakakunot ang noo niya sa akin na aking ikinagulat kaya dali-dali akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at tumalikod na lamang.

Napansin niya kaya?!—tse! Sino ba namang hindi makakapansin nun? Halos tunawin ko na siya sa ginagawa kong pagtitig sa kaniya!

Hindi naman kasi ako sobrang tumititig sa ganitong babae dati, kasi sulyap lang ang ginagawa ko, pero sa babaeng ito ay titig talaga ang ginagawa ko.

Paano ko ba ititigil ang kakatitig sa kaniya kung napukaw niya na ang atensyon ko?

Hindi ito ari ay! Mamaya't mapansin ako ng papa nito ay baka makatanggap pa ako ng sapak.

Imbes na titigan siya nang titigan ay lumapit na lamang ako sa mga bagong dating na customer at nasa table 6 sila.

Good evening, ma'am and sir, ano pong order niyo? Tanong ko sa kanila at kinuha naman nung babae 'yung menu at bumuklat.

May kasama rin silang dalawang babae at ewan ko ba! Parang hindi nila nakukuha ang atensyon ko at tanging 'yung babae lamang sa table 5 ang nakakakuha ng atensyon ko.

Out of The Blue Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon