Zoe Rye Agila
Nasa Lumang Paraiso na naman pala sila Serafina ngayon kaya pala tuwang-tuwa ang loko!
Kahit papaano ay masaya na rin ako para sa kaniya dahil hindi ko na mababasa o maririnig pa ang pangalang Ivan! Sawang-sawa na akong marinig at mabasa ang pangalan niya!
Kinakabahan nga lang ako kay Anna dahil baka mamaya ay may mangyaring masama ulit sa kaniya roon at worse baka may gawing masama sa kaniya 'yung lalaking iyon.
Pero sa tingin ko naman ay matalino at mapagmasid si Anna kaya hindi siya maiisahan. 'Yung pa nga lang napansin niya na chat ni Jeff na hindi ko napansin ay napansin niya tapos nahulaan niya kung saan nakatira si Jeff! Bwisit nga eeeh! Kapit-bahay ko lang pala ang lintik na 'yun!
Hindi naman kagwapuhan! Tsse! Hindi siya pasado sa standard ko! Tinaasan ko na 'yung standard ko na kahit bilyunaryo ay hindi kayang abutin! Tssee! 'Kala niya aaah!
Isa pa hindi ako sigurado kung totoo siya o nangtri-trip lamang katulad ni Ruby lalo na at close ang dalawang iyon sa chat.
Sabado ngayon at walang pasok, nakahiga lamang ako sa kama ko at nanonood ng power puff girls habang hinihintay na mag-chat si Serafina.
Only child lang ako kaya pa-easy-easy lang ako at masaya ako sa pagiging only child ko.
Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko at tiningnan ko kung sino ito at nakita ko na chat ito galing kay Serafina.
Kaagad ko itong binasa at paniguradong tungkol na naman ito roon sa "cute" daw na waiter doon.
Baka para sa kaniya cute 'yun, pero baka pag nakita ko 'yun ay wala pa sa kalingkinan ni Serafina, aayy naakuu lang!
Si Serafina kasi ay aaminin ko na na hindi talaga siya ganung kaganda, hindi siya maputi at sakto lang, tapos hindi matangos ang kaniyang ilong, pero iba 'yung charisma niya! Napakacharming niya!
Ibang-iba 'yung charm niya sa mga babaeng magaganda. Tapos, idagdag mo pa 'yung mga mata niya na maaamo talagang ma-a-attract ang sino man sa kaniya. Well, I can say na 'yung iba ay hindi na-a-attract sa kaniya at ang gusto lang ay pagtrip-an siya.
Kung lalaki nga lang ako ay baka nagkagusto na ako sa kaniya, pero noppee! I am womaan!
Oreeemmjii! I saw him yesterday! It waaass reaally unexpected! I thought I'm not gonna see him again, but then our paths have crossed. Basa ko sa kaniyang chat at ako naman ay napangisi na lamang.
Mukang may kinababaliwan na naman ang isang 'to. Well, slightly good for her. I'll hope na lang na maging better ang love life.
Masyado kasing stick to one 'tong si Anna kaya minsan ang sarap ng sabunutan at ipamukha sa kaniya na hindi siya gusto ni Ivan, at buti na lang ay natauhan na siya... Sana nga.
Ingatan ang puso, Anna. Madami pang pating sa karagatan. Utak ay gamitin, puso'y 'wag pairalin. Reply ko sa kaniya at nang mabasa niya ito ay nag-react siya ng "hahaha"
Ingat ka rin kay Jeff baka bigla ka niyang mahuli. Kung sila ang pating tayo naman ang isda. Hahahaha! Reply niya sa akin at napasimangot naman ako sa kaniyang sinabi.
Simula nung malaman ko na kapit-bahay ko lang si Jeff ay lagi ng nakaharang ang kurtina ko sa bintana upang hindi na niya ako masilip pa.
Geeez! She's getting on my nerves! Minsan talaga nakakapikon 'tong si Anna, buti na lang at kaibigan ko siya. Nag-iisang kaibigan.
Siya lang 'yung kayang i-handle ang ugali ko, well medyo parehas kasi kami ng ugali kaso mas matindi siya sa akin kaya sa tingin ko bagay talaga kaming maging magkaibigan.
BINABASA MO ANG
Out of The Blue Moon (COMPLETED)
RomanceOnce in every two to three years Blue Moon is seen in Earth, but what if, the word Blue Moon became an idiom for love? Love that is unexpectedly came and brought feeling blue to someone. What if, Love unexpectedly strikes someone? Would it cause ch...