Kabanata 42

2 1 0
                                    

Benedicto Jonas Lotus

WOW! Kuya, ang ganda pala niya! Tapos sundalo 'yung papa niya. Cool! Manghang sabi ni Janna sa akin nang mahanap niya sa Facebook si Serafina ngunit Serafina Annaliese Toronto lang ang name niya roon.

Kailan mo naman siya sisimulang ligawan, anak? Tanong sa akin ni mama at humigop muna ako ng aking kape bago siya sagutin.

Umaga na ngayon at nag-uumagahan pa lang ako dahil mamaya ay papasok na ako sa trabaho.

Ngayon, mama. Sagot ko sa kaniya at natawa naman siya pati na rin si Janna.

Bilis mo naman kuya! Mukang para talaga kayo sa isa't isa hehehe! Sabat ni Janna na aking ikinatawa. I'm not sure kung para ba talaga kami sa isa't isa, but I'm willing to love her with all of my heart.

Paano mo naman napapayag ang mga magulang niya, 'ya? Tanong pa sa akin ni Janna habang tiningnan ang mga pictures ni Serafina na naka-post sa Facebook.

Hindi ko rin alam hahahaha! Sagot ko sa kaniya dahil nagulat din ako nang pumayag si tito Seamus na ligawan ko ang anak niya.

Siguro nga na hindi lahat ng sundalo na may anak na babae ay masungit kapag may nanliligaw sa anak nila.

Eeeh, kuya! Ang kaunti lang ng post niya, mukang naka-private na ang iba at hindi rin ako makapag-send ng friend request sa kaniya. Angal ni Janna at tiningnan ko naman iyon.

Wala ngang nakalagay na add friend button sa profile niya. Siguro ay naka-private talaga ito.

Tanging ikaw siya lang ang pwedeng mag-add sayo, kuya. Sabi pa niya at lumaylay naman ang balikat ko.

Hindi mo rin siya pwedeng i-chat hahahaha! Dagdag pa niya at napailing na lamang ako.

Ayos lang iyan. Maliligawan ko naman siya. Tugon ko sa kaniya at inubos na ang kape na iniinom ko dahil baka ma-late ako sa trabaho ko ngayon.

First time mo lang mangliligaw, kuya. Gusto mo ba ng tulong ko? Hahahaha! Pang-aasar sa akin ni Janna at napangisi ako. First time ko lang kasing manligaw sa buong buhay ko dahil may mga crush lang ako dati pero hindi ko nililigawan, pero ngayon ay hindi ako makapaniwala na mangliligaw ako.

Tse! Buslog ka aayy! Tamo mamaya ay iwanan ka ni Iloy hahahaha! Pang-aasar ko sa kaniya at sinamaan niya ako nang tingin, si Iloy kasi ay ang kaniyang kasintahan.

Mag-yaon ka na nga at ako'y binabarino mo na naman kuya aaay! Pikon niyang sabi sa akin na aking ikinatawa.

Tamo 'tong isang 'to aay! Magaling mang-asar pero kapag siya ang inasar ay mapipikon.

Aaay! Kayong mga bata kayo! Mag-dayag ka na muna, Jonas, bago ka umalis. Pagpapatahimik sa amin ni mama at napakamot naman ako sa aking batok nang marinig ko ang sinabi ni mama.

Ba't ako mama? Ala namang pasok si Janna aaay! Siya na ang mag-dayag. Anggal ko dahil gusto kong maaga akong pumasok para makita ko si Serafina.

Eeeh! Mama! May gagawin pa ako! Anggal naman ni Janna at biglang tumayo si mama kaya tumahimik kami.

Ako na laang ang magdadayag. Gawin niyo na ang gagawin niyo. Nagpaparayang sabi ni mama at ako naman ay nakonsensya kaya tumayo ako at lumapit kay mama.

Ako na ang magdadayag, mama. Sabi ko sa kaniya at kinuha na ang sponge. Si Janna naman ay narinig kong tumatawa kaya napabuntonghininga na lamang ako.

Dang iiit!

Baya-i na nga at mamaya naman ay makikita ko rin si Serafina. Ano kaya ang gagawin ko? Paano ko kaya siya liligawan? Parang ang hirap naman gawin nito, pero kakayanin ko para sa kaniya.

Out of The Blue Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon