"La, ako na diyan." Kinuha ko ang buhat ni Lola. Nakita ko siyang nagliligpit na ng karinderya. "Akin na iyang gamit mo at ako na mag-aayos." aniya Lola.

"Hindi na Lola, Ako na bahala dito at alam kong pagod kana. Ako na maghuhugas ng mga to at ako na rin ang magluluto ng hapunan." nakangiting aniya ko habang pinupunasan ang lamesa at nagliligpit ng pinagkainan.

"Salamat, Apo." Nakangiting aniya nito pero napatigil ako sa pagpupunas at lumingon kay Lola. "Ahh...Lola."tawag ko at lumingon naman ito.

"Si Mama po?" tanong ko dito at napabuntong hininga. "Hindi pa bumabalik ehh baka nga nagpapalamig lang yun, pero alam mo Apo. Nanay mo pa rin siya, Oo umalis siya noon at nagalit ako dahil hindi ka man lang masustentuhan ng pangangailangan mo." Tumigil ito sa pagsasalita at napatingin sa lupang tinatapakan.

"Inaamin kong ayokong kupkupin ka noon kaya galit na galit ako sa Ina mo dahil hindi kana binalikan pero alam mo Apo kung ano ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko?" Nakangiti ito sa akin habang ang luha ni Lola'y tumulo.

"Ay yung napamahal ka sa akin."

"At alam kong mahal na mahal ka ng Mama mo."

Napatigil ako sa sinabi ng Lola at naramdaman ang pagtulo ng luha ko.

"Nalaman din ng Papa mo na kinukupkop kita pero natatakot akong iharap ka sa kanya dahil..." napatigil ito.

Wala namang masama kung tatanungin ko ang nangyari sa Tatay ko, kung bakit siya nabilanggo at kung bakit kailangan niyang gumawa ng krimen para lang humantong siya sa kulungan na iyon.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi. "Lola pwede ba mag tanong?" mahina kong aniya, tumango ang matanda. "Ano iyon, Apo?" malambot niyang aniya.

"A-ano pong kasalanan ng Tatay ko, b-bakit po siya na kulong?" napahinto si Lola habang tinitignan ako. Umupo ito sa silya pagkatapos ay tumingin sa akin at bumaling sa labas.

"Ang Tatay mo'y isang pilyong bata." tumawa ang Lola pero makikita mong malungkot ito. "At kahit na pilyo ang Anak ko ay mahal na mahal ko iyon pero dahil sa katigasan ng ulo at ayaw makinig sa mga bilin ko at halos magrebelde dahil ayaw niya akong pakinggan, napariwara ang Tatay mo." malungkot na aniya ni Lola na para bang inaalala niya ang nakaraan.

"Pero simula nung nagbinata siya." napatingin ang Lola sa akin at napayuko. "Nalaman ko na lang na hinahanap na pala siya ng mga pulisya hawak ang warrant of arrest." narinig ko ang hikbi ng Lola at binaba ko ang hawak ko para lumapit sa kanya.

Hinagod ko ang likuran nito. "N-nalaman ko rin na nagtutulak ito ng droga, nakasama siya sa isang Fraternity at grupo ng sindikato, k-kaya pala lagi kong nakikitang may pasa dahil lagi itong napapaaway." mahabang kwento ng Lola.

"Ah...La siguro po tama na po iyan." Bumuntong hininga ako. "Sapat na saking meron ka sa tabi ko... Hindi ko naman talaga kailangang malaman pa ang tungkol kay Papa." ngumiti ako at pinatayo siya.

"Sige na ho, pumasok na kayo at susunod na ako at nang maipaghanda ko na kayo." inalalayan ko ang Lola na tumayo papasok.

Nang makapasok ang Lola ay biglang nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig dahilan upang magsitulo ang mga luha ko.

Kaya pala ang karamihan ay binu-bully ako ng iba na adik ang Tatay ko. Hindi ko naman iyon kasalanan pero bakit ako yung nahihirapan?

Hindi ko naman yun magagawa pero kung makalait sila sa buhay ko akala mo naman kilala talaga nila ako. Pinahid ko ang luhang tumulo at nagpanggap na walang nangyari.

Pagkatapos kong magligpit sa karinderya ay pumasok na ako sa bahay para makapag luto ng hapunan.

"La, kain na." napatigil pa ako ng marinig ko ang pinapanood ng Lola. "Yang Ze Dong, o mas kilala bilang may-ari ng Largest Company sa bansang Tsina ay narito sa Pilipinas kasama ang Pinay na Asawa na si Emily Yang upang makipag-negotiate sa kilalang mataas na nag pro-produced ng market sa ating bansa."

The Lust Nights (Nightclub Series #1) Where stories live. Discover now