"Kamusta ang pag-aaral, Apo? Isang taon na lang at makakapagtapos kana?" masayang aniya ni Lola habang naghahain ako ng pang-umagahan.

"At dahil sayo Lola, nakapag-aral ako! Ikaw kaya ang The Best Lola ever!" masayang aniya ko at lumapit para halikan siya sa pisngi.

Tuwang tuwa naman si Lola. "Nga pala." Tinapunan ko ng tingin si Lola habang naglalagay ng Plato sa Mesa. "Nagpunta ang Mama mo kahapon dito,hinahanap ka." Bumuntong hininga ako at umupo.

"Bakit raw La?"

"Aba malay ko, baka nga na mimiss kana nun." aniya Lola pero nailing na lang ako. "Tsskk... Miss raw." mahabang ngusong aniya ko.

"Sure kana bang hindi kana makikipag-ayos sa Mama mo?" Ani Lola. "

"Aba kung lagi mong patataasin yang pride mo, pano kayo magkakaayos niyan?"

"Edi palitan ng tide." mahina't nakanguso kong aniya pero hindi rinig ng Lola.

"Hanggang pagtanda mo babaunin yan." dugtong niyan.

"Bahala na" untag ko at kumain na lang.

Alas sais na ng umaga nang nakahanda na ang gamit kapabalik sa lugar kung saan ako nag-aaral. Paulit ulit ko lang pinapakinggan ang mga bilin ng Lola habang inaabutan ako ng isang basket ng mga gulay para daw makapagtipid ako.

Sakto lang dahil ang mahal ng bilihin ng mga gulay, mabuti na lamang at may taniman ang Lola. "May mga rekados kana rin diyan, kompleto na iyan at hindi mo na kailangan mamili para bukas." tatango tango lang ako sa mga pinagsasabi ng Lola habang pinapanood siyang mag salita, nakangiti lang ako dito.

"At bago ka umalis." kinapa nito ang bulsa. "Allowance mo, Apo." binilang pa nito. "Lola naman itago niyo na lang iyan." Nakanguso kong aniya.

"Ano ka ba? Nagtabi nako ng para sakin, Tsaka binasag ko pa ang ipon ko para sa pag-paparal ko sayo sa kolehiyo..."Pinipilit na binibigay sa akin ang ₱10,000 pero napapailing lang ako.

"Halla sige kunin mo na." kinuha niya ang kamay ko at nilagay iyon sa palad ko saka tinikom. "Sige na, Mag-Ingat ka sa biyahe!" masayang aniya nito habang kumakaway.

"Ang cute ng Lola." pamungad naman ni Jandrei ng sumakay ako sa backseat habang nasa front seat si Chloe.

"Coffee" Inabutan ako ni Chloe, napatingin ako sa design 'Sweet Corner Bakeshop'. "Wow ngayon ko lang ulit matitikman tong kape ni Tita Alyannah ahh." aniya sabay higop.

"Thank you, Chloe!" tumango lang si Chloe habang nakangiti. "Yah, sinadya ko talaga na dumaan kami dun ni Jandrei para mabilhan ka ng kape and by the way pinapakamusta ka ni Tita Alyannah."

"Ang bait talaga ni Tita." nakangiting aniya ko bago sumimsim. "Here oh... Pinapamigay ni Tita, baunin mo raw." binigay niya sa akin ang plastic bag na may lamang tinapay.

"Halla... Nag-abala pa talaga si Tita."

"Sinabi mo pa" aniya Jandrei habang ang tingin niya'y nasa daan.

After Jandrei and Chloe leave me off at my boarding house, I quickly take a bath and change into my clothes before heading to school.

"Hoy, bat ngayon ka lang?" pamungad ni Azaria nang maka-upo ako. "Ahh...binisita ko pa kase yung kaibigan ko sa ospital." aniya at tumango naman ito.

"Nga pala ilan nakuha kong score?" Bumuntong hininga ito. "149 lang nakuha mo beh." malungkot na aniya nito dahilan upang magtaka ako? "

"Weh? Mamatay ang nagsisinungaling"

"Joke lang vebs...." nag peace sign ito at ngumiti na parang aso.

"155 nakuha mo, sanaol"

"Ehh kayo Ilan? 150 saken kay Cressida naman 232 tapos si Darcy magta-take ulit." napatingin ako kay Darcy na nagrereview sa upuan niya.

The Lust Nights (Nightclub Series #1) Where stories live. Discover now