"Apologize." When he told me to apologize, his eyes darkened.

"What? Nagsorry nako di ba?" di mapakaniwala kong untag.

"Say it again." Kung kanina ay nandidilim ang paningin niya pero ngayon ay wala ng ekspresyon.

"Bahala ka!" sigaw ko pero hindi ako nito pinakawalan. "I won't let you go if you say sorry to me." Aba?! Sige pataasan tayo ng pride hayup ka!

"You didn't even say Thank you." Okay Fritzie piliin mong magpakumbaba ngayon hah? Napapikit pako at huminga ng malalim at ngumiti sa lalaki.

"Okay... I'm sorry and Thank you sa pagtatanggol sa akin kanina." aniya at napabitaw ang lalaki sa pagkakahawak sa pader kaya maaari na akong makawala.

Tumalikod na ako pero pinatigil ulit ako ng lalaki. "Ano?! Tapos nako nag sorry! Tapos na rin ako mag Thank you ano pang kailangan mo saken?!" inis kong aniya ng balingan ko ito ay nakatulala lang ito sa pader.

"Can you do it again?" tanong nito dahilan upang mangunot ang noo ko. "Ano?" napailing ako hindi maintindihan kong may saltik pa tong lalaking to o may sipon sa pag-uutak?!

"Your smile, can you do it again?" Nakatingin na ito ngayon sakin, When he looks at me, his eyes soften, as if he wants me to smile, Nang gagago ata.

"Ayoko!" Tinalikuran ko siya. "Hey!" sumusunod pa rin ito sa akin na parang aso pero hindi ko binabalingan dahil nakakainis na siya! Kanina lang ay naalala ko siya dahil sa ngayon lang ulit ako nag bar pero hindi nako natutuwa ng makitang nandito rin siya!

"Hey! Fritz----arghhh!" rinig kong daing nito pero hindi ko pa rin pinapansin pero nung hindi ko na siya narinig na tinatawag ako ay humarap ako pero nagulat ako ng makitang nagkalat ang dugo sa sahig.

Napahawak ako sa bibig at nakitang nakatingin ito sa akin, nakita kong napapikit pa ito ng idiin ang kutsilyo sa tiyan niya dahilan upang mapadaing ito sa sakit at napatingin sa lalaking gumawa nun sa kanya at di nga ako nagkamali na yun yung lalaking sinuntok ni Keanu kanina lang.

"K-Keanu!" sigaw ko at kumaripas ng takbo palapit sa kanya. Napangisi pa ang lalaki bago ito tumakbo papalayo.

Nangangatal ang mga kamay ko hindi alam kung anong gagawin pero sa huli ay napaluhod ako at umupo sa sahig para ihiga ang ulo niya sa mga hita ko habang pinipigilan ko ang pagdaloy ng dugo sa tiyan niya.

"W-wag ka muna matulog p-please!" na iiyak kong aniya habang hinahawakan ang tiyan nito. "Tulong!" pagsigaw ko pero walang nakaka rinig sa amin dahil malakas ang tugtugin sa bar pero dahil may unting tao sa labas ay nagsilabasan ang mga nasa loob.

Agad na lumipad ang mata ko sa mga kaibigan ko na gulat na ngayong nakatingin sa amin pati na rin ang mga kaibigan ng lalaki. "What the, anong nangyari?" nag-aalalang aniya ni Acaius.

"S-sinaksak siya!" pag-iyak ko, hindi naman iyon mangyayari kung hindi dahil saken! Natataranta ako habang nanginginig sa dugong dumadaloy na ngayon ay nasa kamay ko na.

Ngayon ko lang ito ginawa dahil takot na takot ako sa dugo. "T-tulungan niyo ko please!" humahagulgol ko nang aniya at tinulungan ako ng mga kaibigan ng lalaki at tumawag ng ambulansya.

"Fritzie" mahinang pagtawag saken ni Cressida habang nakatingin sa kamay kong duguan, agad na kinalkal nito ang bag at kumuha ng plastic bottle.

"Diyan ka lang kukuha ako ng panghugas mo! Wag ka matutulog!" sabi nito, tumango lang ako habang malabo pa rin ang paningin ko. Nakita ko namang kumapa si Azaria sa bulsa pero naalala nitong wala iyong bulsa.

"M-may panyo kayo?" Nangangatal na aniya ni Azaria kila Dimitri. "Why?" Ani Dimitri.

"Di na kailangan Azaria, okay lang ako." mahina kong aniya at napatingin sa lalaki, hindi pa siya nawawalan ng malay.

"No! You're afraid of blood." sigaw nito at agad na kinuha ang panyo sa kamay ng lalaki pero nakaramdam ako ng panghihina bago pa man ito lumapit upang mapunasan ang dugong nasa kamay ko.

Napatingin pa ako kay Darcy na hindi alam kung ano ang gagawin dahil parang napako ang mga paa nito sa kinakatayuan, ngumiti pa ako sa kanya bago ko pa man maramdaman ang pagbigat ng talukab ng mata ko.

"Fritzie!" rinig kong sigaw ni Azaria.

Kahit ramdan kong wala akong malay ay rinig na rinig ko ang paligid. Naririnig kong nagsisigawan ang mga tao dahil sa nasaksihan, pati na rin ang ambulansya papalapit sa amin dahil sa sirena nito.

Nakapikit ako pero ramdan kong isinakay nila ako sa ambulansya. "F-Fritzie..." narinig ko ang pagtawag sa akin ni Keanu at naramdaman ko ang palad niya sa palapulsuhan ko at hindi ko na maalala ang sumunod na pangayayari.

Nagising na lang ako nang tumambad ang isang puting silid ang laman, binuksan ko ang mga mata medyo malabo pa pero unti-unti nang lumiliwanag at nakita sa gilid ang mga kaibigan.

Agad naman akong napabangon. "Si Keanu?" agap kong tanong, nagkatinginan naman sila Darcy, Cressida at Azaria, sakto namang pumasok si Dimitri.

"He's fine now, Don't worry hinahanap na ng mga Awtoridad ang lalaking sumaksak sa kaibigan namin." napatawa pa ng mahina ang lalaki.

"He'll regret what he did to Keanu." aniya at napatingin sa pinto na ang ilinuwal niyon ay sina Chloe, Jandrei, Hannah at si Amara na mabuti na ang kalagayan.

Agad silang lumapit sa akin. "Are you okay, My Love?" Malambing na aniya ni Chloe at tumango naman ako. "Amara!" masaya kong aniya ng makita ang babae at lumapit ito sa akin para pisilin ang mga kamay ko.

"Kamusta kana?" ngumiti ang babae sa akin. "I should be the one to ask you that question." napailing naman si Amara sa akin.

Tumikham naman sila Cressida. "Ahm... Sa labas na muna kami Fritzie, tawagan mo na lang kami kung may kailangan ka hmm?" binigyan ko siya ng ngiti bago tumango.

"Girl ano bang nangyari? Mabuti na lang at malapit lang kami rito sa lugar niyo, Si Chandra naman di na nakasama dahil malayo siya pero pinapakamusta ka." Anang Hannah.

"Okay naman ako ehh tsaka dugo lang yun ano ba kayo."

"O babae pagkain mo, Gusto mo subuan pa kita?" Si Jandrei, napangisi ako. "Sige ahhh..." ngumanga ako at sinubuan naman ako.

"Baby sitter yan." si Hannah. "Aba Jandrei subuan mo rin daw siya." tawa ko at susubuan na dapat niya si Hannah ng samaan siya ng tingin ng babae.

"Ubusin moto kung hindi bubuhusan kita ng dugo."

"Kaltukan kita gusto mo?" irap ko at sinubuan ako pero bago pa man isubo ang pag kain sa akin ng lalaki ay biglang nagbukas ang pinto at tumambad ang isang lalaking nakasakay sa wheelchair tulak tulak ng isang nurse.

Nagpabalik balik pa ang tingin nito sa amin ni Jandrei. "Nurse, maybe I'll return later? She's busy eating." Ani Keanu bago tumingin kay Jandrei.

"Sige po, Sir."

:)

The Lust Nights (Nightclub Series #1) Where stories live. Discover now