22

25 2 0
                                    


Nakayakap ako ngayon kay Keanu at ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso niya. Tahimik lang kami pareho habang nagpapakiramdaman.

"Your friends are not here." tumango ako. "San sila nagpunta?"

"I don't know." nagkibit balikat ito at natahimik muli.

"I love you."

"I love you too." ngingiti kong aniya at tahimik lang ito. "May problema ba?"

Pansin kong kanina pa siya nananahimik.

"I'm just tired." tumango ako.

"I'm sorry I won't be able to see you every day."

"Why?"

"I have a lot of work to do at our firm."

"It's fine, Love. I'll wait."

"Fritzie, I love you."

May isang buwan na rin na hindi kami nagkikita ni Keanu pero lagi kaming naguusap pag may time siya o di kayay gumagawa siya ng time para kausapin ako. Minsan ay pagod na ito kaya pinapatulog ko na lang para may energy siya kinabukasan.

"Fritzie," I heard his exhausted voice on the phone.

"Keanu?"

"You should rest now, Love."

"No, I need to see you."

"Why?"

"Because I miss you," he sighed over the phone.

Miss ko na rin siya kaya pumayag ako. Nakita ko siya sa may kanto. Naghihintay itong nakasandal at agad na napa-ayos ito ng tayo ng makita ako.

Ramdam ko ang mahigpit na yakap niya. "Ayos ka lang?" tumango ito habang yakap pa rin ako.

"I miss you." bulong ko at napakagat sa labi, kumalas ito sa pagkakayakap at hinawakan ang pisngi ko. Malamlam ang mga mata nito at kitang kitang pagod na pagod ito.

"I miss my tahanan too." Hinalikan ako nito ng marahan at sinimsim ang labi ko, mabagal lang iyon habang tinutugon ko ang mga paghalik niya pero agad din itong napatigil.

"I-I'm Tired." isinandal nito ang ulo sa balikat ko. "Then rest." I smiled at him.

"Ikaw na." narinig kong nagbubulungan sina Azariah at Cress sa tabi ko habang kumakain ako. Napapangunot naman ako habang tinitignan sila.

"Ikaw na!"

"Bakit ako? Ikaw dapat." Si Azariah.

"Ehh alangan naman ako?"

"May gusto ba kayong sabihin?" pag pigil ko sa kanila at rinig ko ang sabay na pagbuntong hininga nilang dalawa.

"Ano kase..." Si Cress.

Agad na tumayo si Azariah at kinuha ang remote ng TV at sinindi iyon at balita agad ang bumungad.

The son of a Yang group company and the daughter of a second top company, the Chua, are now engaged.

My world seemed to be falling apart today... The glass is breaking like a fragile that I can't return to its original shape.

"Fritzie..."

Pero parang wala akong naririnig.

"Keanu Yang just proposed to Veronica Chua today."

I was shaking....

My vision began to blur.

"Fritzie," Cressida and Azariah hugged me.

"P-pano nako?" Basag na untag ko at natahimik sila pareho.

"Pano na kami? Wala lang ba yun lahat sa kanya? Lahat ng mga memories namin?"

"Shh... Andito lang kami hah?" Si Azariah.

"Sabi niya Mahal niya ako." nagsimula ng tumulo ang luha ko. "M-Mahal niya ako ehh...sabi niya yun."

"Pwede namang sabihin niya sa akin ng harapan na lang... Hindi yung ganito! Nanggugulat siya ehh ang sakit!" humagulgul na ako, napailing pa ako dahil kitang kita ko sa mukha nila na naawa sila sa akin.

"He said he loved me, and then I saw on the news that he's engaged? How about me? Us? Wala lang yun?"

Narinig ko pang may tumawag sa phone ni Azariah. "Dimi?"

"S-She's not okay." Si Azariah at napaiwas ako ng tingin. "Kami ng bahala sa kanya at pakisabi sa kaibigan mo na wag na wag na siyang magpapakita sa akin...kay Fritzie kung hindi ay sasabunutan ko buong pagkatao niyan!"

"T**gina niya!"

"Ano?!" si Cress, alam ko na kung sino ang tumawag. "Pakiusap pakilayo-layo sa akin yang kaibigan mong Intsik at baka masipa ko pa pabalik sa bansa nilang hayup na virus na yan!" galit na galit nilang aniya at tahimik lang akong nakikinig.

"Thunder tsaka kana tumawag pag bumalik na yan sa China! Bobo niya kamo!" at pinatay ang linya. Doon ay nagsimula na ulit akong napahagulgol.

I tried to call Keanu but he didn't answer.

Bumagsak ang balikat ko halos wala ng tumulong luha. Napatingin lang ako sa screen ng phone ko pero ni message ay wala.

He lied.

He broke his promise.

Wala siyang pakialam, natawa ako sa sariling katangahan.

Napansin ko na lang ang sarili na umuwi kina Lola at pansin kong nagkakagulo.

"P***ngina! Fiona hindi ko siya anak! At wag na wag mong ipipilit na ako ang Ama niyan dahil halatang halata na hindi siya galing sa akin!" rinig kong sigaw ng Tatay ko dahilan upang matigilan ako at pinipilit na wag ulit na maiyak.

Akala ko hindi na papatak ang luha ko pero nang marinig iyon mula sa pinakilalang Ama ay ang sakit para sa akin.

Rinig na rinig ko ang mga hikbi no Mama? Humihingi ito ng tawad at nakarinig pa ako ng malakas na pag bagsak dahilan upang agad kong tinungo ang bahay papasok at gulat akong nakasalampak sa lupa ang sariling Ina.

Kumirot ang puso ko at napatingin sa Tatay.

"Isa ka din! Palamunin!" sigaw nito pero hindi ko sila pinansin at agad na hinanap si Lola.

"Lola!" pagtawag habang tuloy tuloy ang pagkuha ko dahil nakaramdam ako bigla ng kaba na hindi ko maintindihan kong bakit.

"Wag na wag mo siyang matawag tawag na Lola. P***ngina ka!" agad kong naramdaman ang marahas na paghila sa braso ko dahilan upang mapasalampak ako sa sahig.

"Fritzie!" Rinig kong tawag ni Mama.

Bigla kong naramdaman ang pagkirot ng tiyan ko at ang mainit na likidong humahagos pababa sa binti ko dahilan upang mapatingin ako roon.

"M-ma... A-ano to?!" biglang bulalas ko. Bumara ang lalamunan ko at ramdam ko ang pamumutla ko.

"Fritzie!" lumapit ito sa akin at yumakap.

"Wag mong idamay ang Anak ko!"

"Manang-mana sayo parehas kayong disgrasya." Aniya bago kami talikuran.

"Si L-Lola!" paghahanap ko pero hindi ko siya makita. Nanlalaki naman ang mata kong napatingin sa braso ni Mama dahil may saksak na kutsilyo roon.

"M-mama?" iyak ko. Naghalo-halo na ang emosyon at galit na nararamdaman.

"Si Lola?!"

"Anak." napalunok pa ito.

"W-wala na ang Lola mo."

Napailing ako. "Hindi yan totoo! Sinungaling ka!" dumaan ang kirot sa mukha niya na inilingan ko pa at sinubukang tumayo pero pinigilan ako ng Ina.

"Anak...baka mapano ang bata."

:)

The Lust Nights (Nightclub Series #1) Where stories live. Discover now