21

27 2 0
                                    


"How's your vacation with Keanu hah?" Tumingin ako kay Cressida na naghuhugas ng pinggan at nang tignan ako nito ay ngumisi ako.

"Yuck, ang yabang mo!" sigaw nito sa akin dahilan upang tawanan ko lang.

"Ano tong naririnig ko?" bigla ay bumukas ang pinto at pumasok si Azariah. Pinagkunutan ako ni Azariah. "Ikaw na naman! Hoy babae ang landi mo!" irap nito sa akin.

"Wow parang di ka malandi ahh?" sarakastikong untag ni Cress kay Azariah kaya napapailing na lang ako sa kanila.

"Oo na!"

"Bala kayo! Uwi na muna ako?" pagpapaalam ko. "Di ka ihahatid ni Keanu?"

"Busy ehh."

Tumango lang sila. "Sige, Ingat ka ahh! Paki sabi na rin kay Lola mo kumusta na siya." tumango na lang ako at nginitian ang babae.

"Ako din! Miss ko na luto niya kamo!" si Cress.

Nang makauwi ay agad akong nagtungo sa bahay at nakita ang lola na nagluluto ng tanghalian. "Wow, ang bango naman niyan." inamoy ko ang ulam.

"Apo!" niyakap ko agad si Lola ng maramdaman ang higpit ng yakap niya pagkatapos ay kumalas ako sa kanya.

"Anong meron La?" nakangiting untag ko sa kanya dahil masyadong marami ang niluluto niya dahil dadalawa lang naman kami.

"A-ano kase, Apo----"

"Oh, siya na ba yung sinasabing anak ko?" may narinig akong isang lalaking marumbadong nag salita sa likuran ko dahilan upang mapatigil ako sa kinatatayuan ko.

"Apo, Tatay mo!" Nakangiting aniya Lola at napalingon ako sa sinasabing Ama. "Anak ko ba talaga yan?" sarakastikong aniya niyo dahilan upang nangunot ang noo ko.

"Anak!" suway ni Lola.

"Bakit, Ma? Di ka naman sigurado na Anak ko yan... Nagdala ka lang ng palamunin." pabagsak itong umupo habang tinitignan ito.

"Tinitingin tingin mo diyan?" napaiwas na lang ako. "Arceno?" suway ulit ni Lola. "Wag mo na lamang pansinin ang sinabi niyan, sige halikana't kakain na tayo." pinaghila ako ng lola ng upuan saka ako kumain.

Pasubo pa lang ako sa kinakain ko ay narinig ko ang Ama na inis na nag salita. "Nakakawalan ng gana." napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa pagnguya.

"Ano ba?!" inihagis niya ang kutsara sa pinggan dahilan upang mapatigil ako. "Nakaka-inis yang pag mumukha mo! Lalo na't kamukhang kamukha mo yung Nanay mong malanding Fiona na yun!"

Napakapit ako ng mahigpit sa kutsara.

"Arceno! Kunting galang naman sa pagkain!"

"L-La... Hayaan mo na po."

"E Nay, nakakainis ehh!"

"Inaano ka ng Bata!"

"La." awat ko.

Napabuntong hininga akong napatingin sa kalangitan. Madilim na rin at tulog na ang Lola pero hindi ko alam kung tulog na rin ang Tatay ko.

Ewan ko... Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang trato sakin ng Ama ko ngayong nakalaya na siya. Hindi man lang siya nakaramdam na sabik akong makita bilang anak?

Pero bakit pinagkakaila niyang hindi niya ako anak?

Napatayo ako at napatigil ng makita ang Ina sa di kalayuan.

"Anong kailangan mo?" tanong ko habang ang tingin ay malayo. Nasa may kanto kami ngayon papasok sa kanto ng bahay namin dahil ayokong makita o malaman niya na nakalaya na ang Tatay ko.

"Anak," may kung anong sakit ang dumaan sa puso ko at meron ring kaunting saya nang tawagin ako nitong anak, napailing ako.

"K-kailan tayo magkakaayos?" basag na tanong nito pero napaiwas na lang ako ng tingin. "Sabihin mo naman oh? Kase hirap na hirap nakong intindihan ka." napayuko ako habang pinipigilan ang luha.

"Oo, inaamin ko. Iniwan kita sa Lola mo dahil h-hindi kita kayang buhayin. Nangibang bansa ako dahil gusto kitang tustusan sa mga pangangailangan mo---

"Wala ka pa ring inambag." pagputol ko pero umiling ito at kita ang sakit sa mga mata niya.

"Pano kita tutustusan kong yung naging amo ko hindi ako binayaran ng ilang taon?" napatigil ako. "Sinasaktan ako ng Amo ko... Wala akong magawa p-pero nung makalaya ako mula sa amo ko umuwi ako para makita ka."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. "Pero hindi ako handa at wala rin akong perang maibibigay sayo." basag na basag ang boses nito.

"Mahal kita, Fritzie."

Pagkatapos niyang bigkasin iyon ay tumulo ang luha ko ng tuloy-tuloy. Matagal ko nang gustong marinig iyon mula sa isang magulang. Hinawakan pa nito ang pisngi ko at marahang hinaplos.

"Nakalaya na si Tatay." pagbasag ko dahilan upang mapatingin ito sa akin.

"Ano?" gulat na aniya nito dahilan upang pagkunutan ko ito.

"Laya na siya."

Natahimik ito nang ulitin ko pero nakabawi din. "Sinasaktan ka ba niya?" umiling ako.

"Saan ka galing?" napatigil ako at napatingin sa Ama. "T-Tay?" dumaan ang galit sa mukha niya dahilan upang mapa-atras ako.

"Saan ka galing?" ulit nito.

"N-nag palamig lang po."

"Baka may lalaki ka diyan?" nangunot ang noo ko.

"Wala po." lumapit ito dahilan upang mapayuko ako. "Alam ko yang mga galawang yan," ngisi nito. "Magkatulad na magkatulad kayo ng Nanay mo." Hinawakan niyo ang balikat ko pababa sa braso ko.

"L-La!" biglaang pagsigaw ko at tinakpan nito ang bunganga ko. "Anong ginagawa mo?!" matalim ang ginawad na tingin sa akin ng Ama.

"Arceno! Wag na wag mong hahawakan ang Apo ko kung ayaw mong lumayas sa pamamahay nato!" sigaw ng lalo.

"La!" lumapit ako dito at takot na takot na napayakap.

"Ayos ka lang, Apo?" hinaplos ng Lola ang buhok ko at napatango ako.

Masama ang kutob ko dahil sa pagtingin pa lang ng Ama ko ay kakaiba na, malagkit ito kung makatingin. Napailing na lang ako.

"O wala ka ata sa mood?" pamungad ni Azariah.

Nakaupo lang ako sa sofa. "Ayoko muna umuwi." napabuntong hininga ako.

"Bakit?"

Natahimik ako. Hindi nila alam ang tungkol sa Tatay ko dahil hindi ko naman na ikwe-kwento sa kanila ang tungkol sa kanila.

Humiga na lang ako sa sofa at tinitigan ang kisame hanggang sa dinatnan na lang ako ng antok. Nagising na lang ako ng makitang nasa kwarto na ako. Nangunot ang noo ko at nagtataka. Posibleng binuhat ako ng mga kaibigan ko?

"Gising kana." narinig ko ang boses ng lalaking ilang araw ko ng hindi nakikita. "Keanu!" masaya kong aniya at tumawa ito ng mahina at umupo sa tabi ko.

"Are you okay?" tumango ako at inilapit nito ang mukha at hinalikan ako sa noo. Nakapolo shirt ito ngayon ng puti, mukhang galing sa kumpanya.

"I miss you."

:)

The Lust Nights (Nightclub Series #1) Where stories live. Discover now