I'm walking back and forth.. hindi ako mapakali habang nakatingin sa emergency room.
Napalingon ako ng may marinig na mga yabag. I saw my parents walking towards me, si Faith ay hawak hawak ni Papa.
"Ano ba talagang nangyayari Faye? What's going on?" Mama asked me. Umiling lang ako dahil wala akong ganang magsalita.
Ang mahalaga sakin ngayon ay malaman kong ligtas siya.
Mahigit kalahating oras ang lumipas bago lumabas ang doctor. Agad akong tumayo at sinalubong siya.
"Family of the patient?" He asked. Tumango lang ako.
Bumuntong hininga ito. Saglit akong kinabahan pero nawala rin ng marinig ang sinabi niya. "He's now fine"
Lahat kami ngayon ay narito sa hospital room niya. My Mom and Dad curiously staring at us. Hawak ko ang kamay ni Zam na wala pang malay hanggang ngayon.
"What's the meaning of this, Faye?" Seryosong tanong ni Papa.
Wala na rito si Faith dahil pinauwi na muna siya. Pina check-up ko siya kanina at wala naman daw galos o kahit ano kaya sa susunod na araw ay balak kong pumunta sa psych kung sakaling nagkaroon ng trauma yung anak ko sa nangyari.
Narinig ko ang buntong hininga ni Zari. Tumayo ako at humarap sa kanila.
"H-he's Zam.." una kong saad.
My father glared at me. "Are you cheating on your husband Faye Elyz?!"
"Pa, let me explain.. I'm n-no--"
Am I cheating? Pero una palang, hindi naman kami nagmahalan ni Zari..
"Kung hindi ka nagloloko, sino yang lalaking yan?!" Malakas na sigaw ni papa.
Nakita ko kung paano siya pakalmahin ni mama sa tabi. Kinakabahan rin ako dahil baka magising si Zam sa lakas ng boses niya, as well as the other patients here.
"S-siya yung tatay ni Faith.." mahinang sambit ko.
Ng masabi ko iyon ay mahabang katahimikan ang namayani saamin. Walang umiimik, walang nagsasalita.
Nalaman ko na si Zam yung tatay ng anak ko dahil sa DNA test na nirequest ni Jason, siya yung unang naka-alam. Nakita namin 'yon sa office niya.
Halos mawala ang kaluluwa ko noong lumagapak ang malakas na sampal ni papa sakin. Agad na naluha ang mata ko dahil sa sakit.
Pumagitna sa amin si Zari. Kahit siya ay nagulat sa ginawa ni papa. He held my shoulder and ask me if I'm okay, I just shook my head.
"A-anong sinabi mo?!" Tumingin ito kay Zari. "Bakit ka pumayag na makasal sa anak ko kung buntis na pala siya una palang?!"
Marahan niya kong inilagay sa likod niya at humarap kay papa. "H'wag po kayong sumigaw, mag-usap tayo ng mahinahon.."
"Paano ako hihinahon?! Niloko niyo kami! Anong sasabihin ni Zaf sa akin kapag nalaman niya 'to?!" Papa said furiously.
Hindi ako nagsasalita. Wala rin namang lumalabas na kahit ano mula sakin dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag.
Ang mahalaga lang sakin dati, yung mapalaki yung anak ko.
"Don't worry about my father, ako ang bahalang magpaliwanag sa kaniya.."
"H-how? Bakit naging ganito?" Nanginginig na saad ni papa.
"How can I help?" He asked.
"Wait, what's your name?" Tanong ko rito. Naalala ko lang na kanina pa kami nag-uusap pero hindi kami nakapag-pakilala sa isa't isa.
"I'm Zarielle Cuanco." Inabot nito ang kamay na malugod kong tinanggap. "Faye.. Faye Samyo."
"I n-need your help.. naisip ko sanang kung pwede, akuin mo yung bata sa sinapupunan ko.." mahinang boses na sabi ko rito. Alam kong para akong baliw na nagtatanong ng bagay na imposible pero sinubukan ko pa rin.
"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Mas lalo akong kinabahan dahil sa tingin ko ay hindi siya papayag.
"Kung hindi mo g-gusto, okay lang.."
"No.. Can you tell me all the things I need to know? Ano bang plano mo?"
Humugot ako ng hinga bago siya seryosong harapin. "Sobrang magagalit sakin sa Papa pag nalaman niya 'to.. Gusto ko sanang matuloy yung kasal natin tapos akuin mo yung bata.."
Napahilamos ito ng mukha bago alangang humarap sa'kin..
"I'm pregnant.." saad ko sa harap ng magulang ko at harap ng tatay ni Zari.
"Ano?" Ulit na tanong ni papa. Hindi sa galit na tono, pero nagulat siya.
After 1 week when we met, naisipan namin na ngayon 'to sabihin.
Zari stepped forward. "May nangyari po samin.. Naisip ko na okay lang dahil ikakasal din kami, right?"
Natahimik sila pero ilang sandali pa ay ngumiti sila mama.. Mas masaya nga ang tatay ni Zari sa narinig.
"You may kiss the bride.." sabi ni Father.
Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya at sa unang pagkakataon, hinalikan niya ko.
"Ang ganda talaga ng choice niyong dalawa. Buti at sa US kayo nagpakasal.."
"Sinadya naming magpakasal sa ibang bansa.. sinadya namin 'yon para pagdumating yung araw na tapos na 'tong lahat, magdi-divorce na kami.."
Namumula sa galit si Papa.. Napunta ang tingin nito sakin at hinarap ako. "High school ka palang noon tapos nagpabuntis kana agad? Malandi ka rin ano?"
"Riguel!" Mama shouted. Hindi siya pinansin ni papa at nanatili ang matatalim niyang tingin sa akin.
Oo, sige malandi na kung malandi.. pero hindi ko 'yon pinagsisisihan dahil kung hindi nangyari yon lahat, wala si Faith ngayon sa buhay namin..
Napatingin kami kay Zari ng Sarkastiko itong tumawa. Napunta sa kaniya ang atensyon ni Papa.
"Galit na galit kayo ngayon dahil nalaman niyong hindi ko anak si Faith? Galit kayo dahil may nakabuntis kay Faye ng maaga?
Pero bakit noong sinabi kong may nangyari samin okay lang sa inyo? Nabuntis ko si Faye pero natuwa kayo kahit incoming college student palang siya?
Ang unfair niyo naman po sa anak niyo! Alam niyo kung bakit hindi niya sinabi sa inyo ang tungkol sa bagay na 'to una palang? Dahil alam niyang ganito yung mangyayari.. na ganito yung matatanggap niyang salita mula sa inyo! Imbis na tulungan at intindihin niyo yung anak niyo bilang magulang, kayo mismo yung nagda-down sa kaniya!"
My heart whelmed as I witnessed how he defend me to my father. I stared at Zari's eyes.. its full of concern.
I'm really lucky to have him as my friend..
_
I'LL UPLOAD THE EPILOGUE LATER.
THANK YOUUUU AGAIN!!
BINABASA MO ANG
My Professors And I
Roman d'amourAnong kaya mong gawin para pumasa? Warning: R-18 Don't read this if you're not open minded and don't want this kind of story. Sensitive contents ahead! I've warned you.. Note: Most of the chapters have explicit content. #1-Mature Content (April 6) ...
