18

28.3K 454 73
                                    

Tinapik ko ang pisngi niya nang mahina para magising ito. Napangiti ako dahil humikab siya at kinusot-kusot pa ng maliit na kamay ang mga mata. Napaka-cute talaga ng baby ko.

"Baby.. wake up. We're here na oh? Your mamala at papalo is waiting." Bulong ko rito.

Tinignan ko ang katabi at marahang ngumiti. Agad siyang tumayo para kunin ang gamit namin.

Ng mag-adjust ang paningin niya sa liwanag ay tumingin siya sakin at yumakap. She whispered "We're here na po ba Mommy?"

Nakangiti akong tumango at kinarga siya. "Yes baby, we need to hurry na, baka iwan tayo ni Daddy."

Tumayo ako habang buhat buhat siya. Ng makababa kami ay nag-iintay na ang nakangiting mukha ng taong nakasama ko, namin sa ilang taon.

Lumapit kami sa kaniya at agad na humalik sa pisngi niya si Faith. Ang magaling kong anak ay lumayas sa bisig ko at lumipat sa ama niya.

"You don't want me to carry you ha? Ayaw mo na kay mommy.." pagtatampo ko rito.

She shook her little head. "I want! But for now, kay Daddy po muna ko.." sabi nito at yumakap sa leeg ng ama.

Sinamaan ko ng tingin si Zarielle dahil mahina itong tunatawa habang nakatingin sakin. Nakita ko ang galaw ng bibig niya at sinabing kawawa daw ako kaya inangat ko ng patago ang kamay at mahinang kinurot siya sa braso.

Sumakay kami sa kotse, inayos niya muna ang upuan ni Faith sa likod bago pumasok sa driver seat. Chineck niya kung maayos na ba ang lahat, kung may seatbelt na ko kaya ngasigurado ay pinaandar na niya ang sasakyan.

We're here.. I'm here again..

Nakarating kami sa bahay. Agad na bumaba si Zari at umikot para pagbuksan ako ng pinto, sinunod niya namang ibaba si Faith.

I held my daughter's hand and walk towards the front door. Sinalubong kami ni manang, pinagmano ko ang anak bago ko siya niyakap. I miss her! Lalo ng pumuti ang buhok niya..

"Where's Papa and Mama, manang?" I asked her.

Tinuro niya ang di kalayuang pinto. "Nasa garden sila Faye, nandoon rin si Mr. Cuanco. Hinihintay na kayo" ngiti nito.

Agad akong nagpasalamat at pumunta kung nasaan sila. Si Zari ay nasa likod lang at nakasunod sa amin.

Ng makalabas kami ay nakita namin silang nakaupo sa malaking lamesa sa labas. Faith called them and their eyes landed on our direction.

"Mamala!"

Tumakbo ang makulit na bata sa lola niya. She hug her and kissed her lola's cheeks. Bumaling ito sa dalawa niyang loo sa gilid at yumakap rin.

Napangiti ako dahil sa ganda ng nakikita ngayon. I turned my gaze to Zari who's now standing beside me. Inakbayan ako nito bago puntahan ang kinaroroonan nila.

Lumapit kami sa kanila, I kissed my parents cheeks and I smile to papa Zaf. Ganoon din ang ginawa ni Zari bago muling dumikit sakin.

"How's your trip? Nag-enjoy ba doon ang apo ko?" Tanong ng tatay ni Zari. Hindi pa kami nakakasagot ng magsalita agad ang makulit kong anak at nagsimula ng magkwento.

"Lolo.." tawag niya rito at hinila ang laylayan ng damit. Kinarga siya ni papa. "I enjoyed there po! We went to Disney land and I really love that place!"

Nagpatuloy siya roon sa pagkukwento, tahimik akong nagpaalam kila mama na papasok ako sa loob at sumunod naman sakin si Zari.

Umakyat kami ng kwarto namin. Umupo ako sa kama, ganon din siya. I saw our bags in the corner, siguro ay pinaakyat na niya kanina.

"What's your plan?" Zari asked me. Umusod pa siya pataas ng kama at sumandal sa headboard nito.

"Gonna work?" Di ko siguradong sagot rito.

Ayaw niya kasi akong magtrabaho, he wants me to just stay here and take care of our daughter. Syempre gusto kong alagaan si Faith pero I want to earn my own money, hindi naman pwedeng siya lang gagawa non.

"I told you, you don't ne--"

I cut him off. "Gusto ko nga.."

Bumuntong hininga ito. "Fine.. basta sa company ka magtatrabaho. No buts!"

Tumango tango ako rito, mas okay na rin na doon ako dahil mahirap maghanap ng trabaho no.

Tumayo ako at dumiretso sa cr. I cleaned myself, sinuot ko ang simpleng sando at shorts bago lumabas. Naabutan ko siyang may mga tinitigan na folders kaya nagkibit balikat ako bago pumunta sa harap ng salamin at nagsuklay.

Ilang saglit pa ay tinawag niya ang atensyon ko at may inilahad na sobre. Lumapit ako sa kaniya ng may pagtataka.

Ano ba to?

Binasa ko ang laman at nakitang party ito. I look at him with confusion.

"Mr. Cuanco raw oh? Mukha ba kong lalaki? Syempre para sa'yo to"

Napatawa ito ng mahina. "Mrs. Cuanco ka rin di ba? We should attend to that party together. Baka may makausap pa ko dyan na makakatulong sa company."

Tumango-tango ako at tinignan ang date nito. Sa ikatatlong linggo pa naman, ang layo pa.

Bigla kong naalala si Faith. Balak ko ng magtrabaho sa lunes kaya iniisip ko kung sino ang maghahatid sa kaniya sa school.

"Sa lunes na ko mag-start Zari, sino maghahatid kay Faith sa school?" Tanong ko rito.

"Dad is there, same as your parents. Wala naman silang ginagawa. Pwede nila munang ihatid si Faith at dadaanan nalang natin sa bahay nila pag-uwi."

Tumango ako. Siguro nga ay gan'on nalang dahil mahirap mag hire ngayon ng kung sino.

Bumaba ako ng kwarto at pumunta ng kusina para kumuha ng tubig. Inilibot ko ang tingin sa bahay namin, ang laki.

For the past years, nag-aral ako, nagpatuloy ako. Unti-unti ko na silang nakakalimutan, para silang pagkakamali lang na dapat daanan.


My Professors And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon