Ipinikit ko ang mata at dinama ang hangin na tumatama sa'king mukha. Napangiti ako ng mapunta ang tingin sa wedding ring na nasa palad ko.
Sobrang tagal kitang sinuot. Halos ayaw din kitang pakawalan..
Lumingon ako sa taong nasa likod ko. Mas lalo akong napangiti ng makitang ang ganda ng suot niyang damit. Ang laki ng katawan!
"Why are you looking at me? Gwapo ba?" Tanong nito at tinaas taas ang kilay. Napatawa naman ako at tumango. "Yup!"
Ipinatong nito ang braso sa railings at malayong tumingin sa karagatan na may malalakas na hampas ng alon at hangin.
So.. this is it?
"Salamat.." pagbasag ko sa katahimikan. "Salamat sa lahat, sa pagmamahal.. sa pagtulong, sa lahat Zarielle."
Inangat niya ang palad at hinaplos ang pisngi ko. Naramdaman ko ang kakaibang pakiramdam noong hinaplos niya yung pisngi ko.
"Welcome.." hinaplos niyang muli ang pisngi ko gamit ang hinlalaki. "Always welcome Faye.. alam mo? Siguro ako ang kailangan magpasalamat."
Nagtaka naman ako. Bakit ka magpapasalamat? Siya yung tumulong sakin una palang.. ni wala yata akong naiambag sa buhay niya.
"Thank you for coming into my life. Kahit ngayon ko lang sasabihin, sobrang n-napasaya niyo yung buhay ko. Sa limang taon nating naging pagsasama, ramdam na ramdam ko na kompleto ako.. Gano'n pala yung pakiramdam ng may sariling pamilya.."
Inalis niya ang palad sa pisngi ko. Binalik nito ang mga braso sa railings.
"Zari.." Tawag ko sa pangalan niya. Iba yung pakiramdam ko sa mga sinasabi niya ngayon, parang may laman bawat salitang sinasabi niya.
"S-sana.." nagulat ako ng makita ang kaunting kislap sa mata niya galing sa buwan. "S-sana payagan mo parin kaming magkita ni F-Faith? Hihiramin lang namin siya ni Dad paminsan-minsan."
Agad naman akong tumango. "Of course! Kasama na kayong dalawa ni Dad sa buhay ni Faith.. Hindi ko naman ilalayo ang anak ko sa inyo Zari."
Kahit kailan hindi ko naisip na ilayo si Faith kila Zari kapag dumating yung araw na maghihiwalay na kami.
Simula ng isilang ang anak ko sa mundo, nandyan siya.. Tinulungan niya 'kong magpalaki, mag-alaga at magbigay ng pagmamahal kay Faith kaya kahit kailan hindi ko inisip na tanggalin si Zari sa buhay ng anak ko, sa buhay namin.
Alam ko rin na masakit sa kaniya yung araw na pinaintindi namin kay Faith na hindi siya ang tunay na ama nito. Kahit nakangiti siya, alam kong hindi siya masaya na amining hindi siya ang tatay ni Faith.
Ang gulo lang kasi, pinakilala niya yung sarili niya sakin bilang gay pero never siyang nagpakilala sakin ng nagugustuhan niyang lalaki or kahit boyfriend man lang.
"You can always bond with her Zari.. You can always visit us and have some fun like we used to. Bakit ba pumasok sa isip mo yan? Gano'n ba yung tingin mo sa'kin?" Tanong ko rito.
"No.. T-takot lang ako na hindi na kayo makita, na hindi ko na mahawakan yung tinuring kong anak.." he smile sadly.
Binuksan ko ang palad at tinitigan saglit ang singsing na kanina ko pang hawak. Ngumiti ako kay Zari at inabot iyon.
"Time na para ibalik?" Birong tanong ko rito.
Tinitigan niya sa palad ko ang singsing. Akala ko nga ay hindi niya kukunin pero kinuha niya naman. "Yeah, time na."
Tinitigan ko ang nakangiti nitong mukha. Hindi ko ma-imagine kung ano ng magiging samahan namin pagtapos nito, kung may magbabago ba o ganoon parin.
Zarielle came when I need a hand. Walang pag-aalinlangan niya 'kong tinulungan at tinuring na pamilya.
"Btw, congratulations.."
Napakunot ako ng noo. "Bakit?" Tanong ko rito.
"You're the new financial advisor in Cuanco Company."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Baka jino-joke time lang ako nito? "Totoo?"
Tumango ito. "Ayaw mo ba?"
"I want! Thank you Zari!" Masaya kong saad dito bago yumakap sa kaniya.
He hug me back. Noong hihiwalay na sana ako, mas humigpit ang yakap niya sakin.
"Stay, S-saglit lang.." he stuttered. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paggalaw ng balikat nito.
"B-bakit Zari?" Tanong ko rito. Hinaplos ko ang likod niya.
Ngayon palang siya umiyak. Ngayon ko lang siyang nakitang mahina kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Hindi siya sumagot kaya mas hinigpitan ko nalang din ang yakap sa kaniya. Pinatong ko ang ulo sa dibdib nito.
"Magiging maayos kayo ni Faith ha? K-kung may problema kayo, nandito lang ako.. puntahan niyo lang ako."
"Bakit mo ba yan sinasabi Zari? Ayaw mo ba non? Magkakaroon ka na ng time sa mga bagay na gusto mo, makakahanap ka na ng lalaking magmamahal---"
"I lied.." napahinto ako ng marinig ang sinabi niya. Iaangat ko sana ang tingin ko pero hindi niya ko hinayaan at nilagay ang malaki ning palad sa likod ng ulo ko.
He lied? Nagsinungaling siya?
"I fucking l-lied Faye.."
"A-anong.." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hanggang ngayon hindi pa yata nagpa-process sa utak ko ang sinabi niya.
"W-wala akong gusto sa lalaki.. Ang rason ko kung bakit hindi pa 'ko nagpapakasal noon dahil wala akong magustuhang babae.. I want the girl who will prioritize her family over anything. At nung nahanap ko naman na yung gusto ko, yung babaeng mamahalin ko, wala na.. bawal na.." saad nito.
Hindi nga siya gay.. Naisip ko na 'to noon pero hindi ko pinansin dahil hindi ko alam ang rason niya kung bakit siya magsisinungaling sakin.
Pero bakit bawal na?
"B-bakit bawal na? Zari, baka may paraan pa para makuha mo yung babaeng mahal mo.."
Binitawan niya ang hawak sa ulo ko. Yumuko ito sakin at malungkot na ngumiti.
"Bawal na, Faye.."
"Kase simula palang, may mahal ka ng iba. May hinihintay ka lang bumalik sa buhay mo.. Kung lalaban man ako, simula palang talo na."
"Pero hindi ko pinagsisihan na minahal kita.. Kase nabigyan mo ko ng chance na magkaroon ng pamilya."
"Mahal at patuloy kitang mamahalin kahit hindi tayo pwede.."
"Dahil hindi mo 'ko mahal.."
_
Inyo na po si Zari :>

BINABASA MO ANG
My Professors And I
RomanceAnong kaya mong gawin para pumasa? Warning: R-18 Don't read this if you're not open minded and don't want this kind of story. Sensitive contents ahead! I've warned you.. Note: Most of the chapters have explicit content. #1-Mature Content (April 6) ...