Epilogue of MPAI (1st)

28.8K 338 75
                                    

"Done Ma'am.. Stand by lang po tayo, ilang minuto nalang lalabas na.."

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Tinignan kong muli ang reflection ko sa salamin at ang ganda ko sa ayos na 'to.

Hinawi ko ng kaunti ang hibla ng buhok na tumatabing sa aking mukha.

Kahit anong ngiti ko yata ngayon, hindi matatabunan non yung kaba na nararamdaman ko.

"Ready na tayo, tara na po."

Tumango ako at tumayo na. Lumabas ako ng kwarto at sumakay sa kotseng nag-aabang sa labas.

Mas lalong tumindi yung kaba ko ng makarating kami sa tapat ng malaking pinto. Huminga ako ng malalim bago lumabas at umayos ng tayo sa tapat.

"Ready!"

Ilang segundo pa at bumukas na ang malaking pinto. Nagsimula na akong maglakad sa gitna habang hawak hawak ang bouquet ng bulaklak.

Inikot ko ang mga mata at nakita ang mga taong naging at magiging parte ng buhay ko.

My daughter is waving her hand. Nakatayo ito sa unahan. Nasa gilid niya sila Papa at Mama, si Zari at Dad.

Napunta ang tingin ko sa unahan kung nasaan nakatayo ang lalaking hinintay ko ng ilang taon na bumalik sakin.

Suot nito ang kulay grey nitong tuxedo. Clean haircut at gwapong-gwapo siyang nakatayo doon habang hinihintay ang pagdating ko.

Ng makapunta ako sa unahan ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at dinala ito sa braso niya.

"Ganda ng Misis ko ah?"

Pabiro akong umirap. "Wala pa nga.."

Inalalayan niya ko, umakyat kami paunahan hanggang sa makarating kami sa harap ni Father.

The ceremony started, lahat ng sagot ay nasabi na namin at hindi parin talaga ako makapaniwalang nandito ako ngayon.

Hindi ko inakalang mapupunta pa kami rito dahil sa totoo lang, nawalan ako ng pag-asa dati na makikita ko siya. Na babalik siya sa'kin.

Wala akong naging boyfriend. Tanging siya lang talaga yung minahal ko ng ganito sa buong buhay ko.

Kaya alam ko sa sarili kong siya yung taong gusto ko makasama habang buhay.

"I want to thank god for everything. Lalong lalo na at ibinigay ka niya sakin. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagteacher dati. You know? Bigla lang yon pumasok sa isip ko at sobrang pasasalamat ko dahil doon kita nakilala. Mali man yung una nating pagsasama, pero alam ko na sa huli, tayo parin.." he said.

"I want you to know that I love you so much.. handa akong gawin lahat para maibigay sayo lahat lahat sa mundong 'to.."

Hinaplos ko ang palad niya at tinignan siya sa mata.

"Hindi ko inexpect na dadating tayo dito, Zam.. teacher lang kita dati tapos ngayon? Ngayon asawa na..

"Marami man tayong pinagdaanan, sobrang rami man ng misunderstanding natin.. masaya ako na kahit ganoon, pinili parin nating ang isa't isa.."

"Gusto ko rin na malaman mo na, ikaw.. ikaw yung nag-iisang minahal ko ng ganito. Ikaw lang yung mahahalin ko ng walang hanggan.." I smile.

"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride"

Inangat niya ang manipis na tela sa ulo ko. I laugh when I saw him sobbing but at the same time laughing.

Hinawakan niya ang pisngi ko bago unti-unting inilapit ang mga labi sa'kin.

My Professors And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon