24

24.1K 405 55
                                    

I'm sitting on the corner, katatapos ko lang maligo at syempre, ni-lock niya yung pinto kaya nakakulong parin ako rito, wala nga lang tali.

Hindi na rin ako nagmaka-awa sa kaniya kase alam kong useless din, wala na talaga siyang pag-asa.

I really need to get out of here. Alam kong alam na ni Zari yung nangyayari kaya sure akong hinahanap na kami non pero hindi ako pwedeng umasa lang, I need to think a plan.

Ang priority ko ngayon ay makuha yung anak ko. Kahit na hindi kami maka-alis rito kung nasaan man kami, basta kailangan kong makasama si Faith.

Paiba-iba yung isip ni Jason, baka saktan niya rin si Faith pag nagkataon.


Gulong-gulo yung isip ko. Iniisip ko si Faith, kung hinahanap na ba kami ni Zari, kung makakalabas pa ba kami rito peti na rin yung sinabi ni Jason.

"That fucker is so dumb. Naunahan ko siyang mahanap ka."

Hinahanap ako ni Zam? For what reason? Hindi niya ba talaga ko iniwan dati?

Napakunot ang noo ko ng may marinig na mahinang ingay sa labas. Tingin ko, malayo 'yon sa kinalalagyan ko kaya pumunta ako sa dapat ng pinto para marinig ko kung ano mang nangyayari sa labas.

"Disappear, will you? I don't need you anymore Aniva! Hawak ko na si Faye, you're now useless... Oh, useless ka pala dati pa dahil hindi mo naman sakin sinabi kung nasaan si Faye una palang!" I heard Jason shouted. Kausap niya si Ani sa labas.

Nagulat ako sa narinig. So he's just using Ani to find me? Bakit ba baliw na baliw siya sakin ngayon? Siya mismo ang nagsabing hindi niya ko mahal!

"Baby, I thought you just want to fuck her? O-okay lang sakin, basta ako yung mahal mo.." narinig kong saad ng babae sa kaniya.

Hindi ko na alam, pati yata ako mababaliw na sa mga naririnig at nakikita kong kilos nila.

Tumingin ako sa paligid at pumukaw sa atensyon ko ang bintana. Oo nga pala, may bintana rito.

Agad akong tumayo at pumunta doon, paghawi ko ng kurnitina ay bumungad sa akin ang Jalousie na bintana kaya agad akong napapikit sa inis.

Bwiset talaga, akala ko sliding glass.

Tinignan ko ang labas at malawak na lupa na may konting damo lang ang nakita ko. Sa 'di kalayuan ay may naaninag akong dinadaanan ng mga sasakyan.


Kung makakatakas kami, pwede kaming umikot rito at tumakbo papunta sa highway..

Pero kailangan ko munang makuha si Faith. Hindi ko alam kung gaano ba kalaki 'tong bahay na to kaya alam kong matatagalan bago ko makita kung nasaan yung anak ko.

I heard some footsteps outside, I immediately closed the curtains. Umupo agad ako sa kama at saktong bumukas ang pinto.

Nakita ko si Ani, gulo ang buhok at parang stress na stress sa buhay niya. Ang matalim niyang tingin ay agad na dumapo sakin, bigla akong napatayo ng mabilis siyang tumakbo at sinabunutan ako.

"Bwiset ka talaga! Peste ka talaga sa buhay ko dati pa!" Sigaw nito.

"The hell Ani?! Bitawan mo ko!"

Gumanti ako sa kaniya. Anong akala niya sakin? Magpapasabunot nalang basta basta? Kung may peste rito, siya yon.

Pinagpalit niya yung pagkakaibigan namin para lang sa baliw na Jason na 'yon!

"Ouch!" She winced in pain. Ng medyo lumuwag ang hawak niya sa buhok ko ay agad ko siyang sinipa sa tyan.

Na-guilty agad ako ng makita kong napapikit siya sa sakit pero nawala rin 'yon sa isip ko ng makitang bukas ang pintuan ng kwarto.

My Professors And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon