25

24.3K 388 130
                                    

"Faye!" Napabalik ako sa katotohanan ng marinig ko ang pamilyar na boses. Yung boses na ilang taon ko ng hindi narinig at hinahanap-hanap ko.

I slowly turn my gaze to the person who entered the room. Agad na naluha ang mata ko ng sumalubong sakin ang nag-aalalang mukha ni Zam.

He immediately hug me. Paulit-ulit nitong hinalikan ang noo ko at bumubulong na tumigil na 'ko sa pag-iyak.

"Faye, I'm here now hmm? Sorry if I'm late, ligtas ka na.. ligtas na kayo ng anak natin.." he smiled. Lumingon siya sa kinaroroonan ni Faith at sinabing lumapit.

Nag-aalangan pa siya pero ng makitang tumango ako ay agad itong tumakbo sa amin at nakiyakap.

"Laki na ng anak ko.." maliit na tawa ang narinig ko. Pero ng tignan ko siya ay namumula ang mga mata niya habang yakap kami. Katulad kanina, hinalikan niya rin si Faith sa noo nito.

Masaya ako hindi lang dahil sa ligtas na kami, kundi dahil rin nandito na si Zam.. Bumalik siya..

Bumitaw ito sa yakap at pinunasan ang luha ng anak namin. Kahit na namumula ang mata ay maliit na boses na nagtanong si Faith. "You're my real D-daddy po? Kasi po we waited you for too long.. si Daddymi ang nagbantay samin while you're away.."

Masayang tumango si Zam. "Yes, hindi na ko aalis hmm? Babawi si Daddy.."

Nalipat ang tingin niya sakin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago siya nagsalita sa paos na boses. "I miss you.. I miss you so much Love.."

"I miss you too.. akala ko tinapon mo rin ako.. akala ko---"

He shook his head. "No.." malungkot itong ngumiti. "I'll explain love when we get out of here okay? Sasabihin ko sayo lahat.. lahat---"

"FAYE!!"

I flinch when I heard Jason screaming my name. Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Zam at hinawakan ko rin sa isa kong kamay si Faith na natatakot na.

Narinig ko ang mahinang mura ni Zam sa tabi namin. Kinuha nito ang cellphone niya sa bulsa at may tinipa bago ulit ito itago.

Napatingin ako kay Zam ng tumayo ito. Hawak hawak ko parin ang braso nito kaya yumuko siya. "Calm down okay? Sa likod ko lang kayo.."

Ano bang iniisip niya? For sure Jason have a gun too! Mapapahamak siya kung haharapin niya si Jason!

Umiling ako. "N-no.. dito kalang p-please?"

"Trust me love, aalis tayo rito, Mapaparusahan si Jason.." he assured.

We heard so many footsteps outside. "Nakita niyo bang lumabas si Faye? Nasaan si Faye?!"

Someone spoke. "Wala pong lumalabas sir--"

"Then fucking find her! Common sense naman mga bobo kayo! Go find her!"

Rinig na rinig ang bawat sigaw niya sa labas. Nakita ko sa peripheral vision ko na umiling si Zam.

"Mommy, alis na po tayo.. he will hurt us.." saad ni Faith. Tumango lang ako sa kaniya dahil hindi naman alam kung makaka-alis kami agad.

"They're on their way here so we need to wait them okay? Just---" kumalabog ang pinto kung nasaan kami.

Naalerto si Zam at sinenyasan kaming umatras sa dulo ng kwarto. Yakap-yakap ko lang anak ko dahil alam kong natatakot siya..

Kahit man ako, natatakot.

"Faye! Open this goddamn door!" Sigaw ni Jason sa labas.

Walang nagsalita saamin at nanatili ang tingin sa pinto. Wala kami maipang-harang dahil wala namang kahit ano rito sa loob.

My Professors And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon