Unti-unti kong minulat ang mga mata. Bumungad sa akin ang madilim na kwarto.
Yung takot ko ay biglang bumalik ng marealize ko lahat ng nangyari.
Agad kong inikot ang mata, nagbabaka-sakaling makikita ko ang anak ko pero wala..
Nagtuluan ang luha sa mata ko. Hindi ko naman inakala na aabot si Jason sa ganon..
Pupunasan ko sana ng kamay ang luha pero naramdaman kong nakatali pala ako sa headboard ng kama kung nasaan ako. Pinilit kong hilahin iyon pero hindi ko maalis sa sobrang higpit ng pagkakabuhol.
"Jason!" I shouted. Ilang minuto ang lumipas pero wala siya kaya lalo akong napaiyak sa galit.
"Jason!!" I called his name angrily.
Pagnakaalis ako rito, hindi ako magdadalawang isip na kasuhan siya!
Walang dumadating kahit na anong tawag ko. I want to hit my head because of the frustration. Dapat hindi na pala ako humingi ng tulong sa kaniya..
Naiiyak ako hindi para sakin kung hindi para kay Faith. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon, kung maayos ba siya..
Zari is not around to protect my daughter. Mababaliw ako kakaisip kung anong nangyari sa anak ko. Kung naiwan man siya roon sa parking lot, sana may tumulong sa kaniya.
Hindi ko alam kung ilang oras or araw na ba akong nandito. Jason is really out of his mind to do this kind of thing to me. Napaka-lala na niya.
Napaangat ako ng tingin dahil bumukas ang pintuan sa kwarto. I saw the silhouette of the person who entered but I'm sure that it's not Jason. It's a woman I didn't expect to see here.
"Ani.." I whispered.
Ng makalapit ito ay may ngiti siya sa labi. Hindi ko mapigilang mainis. Sa lagay kong to, nakakangiti pa siya? Pareho na yata silang baliw ni Jason.
"Oh hello my friend!" Ngiti nito bago umupo sa harapan ko. Pero huminto ito bigla at Sarkastikong tumawa. "Oh, Ex-friend pala" she added.
Tinitigan ako nito. Kung siya nakakatawa pa, pwes ako hindi..
"Where's Jason?" I asked her, the anger is visible in my voice. Mahina at Pabebe itong tumawa.
May nakakatawa ba sa tinanong ko? Kung sipain ko kaya siya sa mukha ngayon?
The smile on her face faded. Unti-unting naging matalim ang tingin nito sakin. "Wala siya, bakit? You're going to steal him from me?!"
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. What the fuck is she thinking? Malamang hahanapin ko si Jason dahil siya ang dahilan kung bakit ako nakatali ngayon dito!
Oh my God, they're both insane..
Nagulat ako ng lumagapak ang palad niya sa pisngi ko. Masakit yon at ang hapdi.
"Why you're not answering? Tama ako 'no? Mang-aagaw ka!" She screamed.
"What the hell are you thinking Ani?! Isaksak mo siya sa baga mo! Wala akong pakialam!" Sigaw ko rito pabalik.
Napakatanga niya naman kung iniisip niyang kaya ako nandito ay para agawin si Jason!
"Ani, please.. if you're still sane, pakawalan mo ko please? Mali yung ginagawa ni Jason! Pakawalan mo ko rito!"
Hindi niya pinansin ang pagmamakaawa ko. Mas tumalim ang tingin niya sakin. She held my jaw tightly, napangiwi ako sa sakit. "Kapag iniwan ako ni Jason, humanda sakin yang anak mo."
BINABASA MO ANG
My Professors And I
RomanceAnong kaya mong gawin para pumasa? Warning: R-18 Don't read this if you're not open minded and don't want this kind of story. Sensitive contents ahead! I've warned you.. Note: Most of the chapters have explicit content. #1-Mature Content (April 6) ...