16

30.1K 413 72
                                    

"Samyo, Faye Elyz."

Tumayo ako at nakita ko rin ang pagtayo nila mama at papa. They're smiling widely, happy to see their daughter graduates.

Pumunta kami sa unahan at tinanggap ang diploma. Ngumiti ako, sapat lang na mapakitang kahit papaano ay masaya ako.

I can't be happy, I know that after this, magkakagulo..

Inikot ko ang mata sa mga tao sa stage, nagtama ang tingin namin ng isa sa kinamumuhian ko. I stared at his eyes intently.

He's a fucking asshole.

Nilipat ko ang tingin sa paligid at wala rin siya. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil don.

Bumaba ako at bumalik sa kinauupuan. The ceremony went well and I'm now with my parents, going home.

Hindi ako nagsasalita sa likod at nanatiling nakayuko lamang para sana matulog dahil inaantok talaga ako pero bigla yatang bumangon yung diwa ko dahil narinig ko ang pangalan ko sa usapan nila.

"Faye should take law, mas mataas ang sweldo don kahit pa mataas ang tuition." Papa looked at my mother like encouraging her to agree.

Kumunot ang noo ko. Sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan yon, Oo magulang ko sila pero bakit nila pakikialaman yung kukunin kong course?

Tsaka isa pa, ayokong pumasok sa law school! Kung ano-ano ngang ginawa ko para makapasa tapos ganito?

I look at him in the mirror. "Ayoko ng law Pa.."

Nalipat ang tingin niya sakin. Kumunot ang noo nito at mariin akong tinignan. "Bakit ba nakikialam ka pa, Faye? Ikaw ba magbabayad ng papasukan mo?"

Bahagyang tumaas ang boses niya kaya napayuko ako. I saw my mother tapped his shoulder to calm him down.

"Let your father to decide Faye.." my mother smiled at me.

Hindi ko magawang ngumiti pabalik. Sa dami kong problema, dadagdag pa 'to.

She's letting my dad to decide? Wala ba kong karapatan na pumili?

Biglang pumasok sa isip ko ang talagang problema ko, napatawa ako dahil don.

Naiisip ko pang mag college eh hindi ko pa alam kung anong gagawin ko sa batang nasa sinapupunan ko.

Pinagpatuloy ko ang pag contact ko kay Zam. Ni hindi na ko matulog dahil nagbabaka-sakaling sasagutin niya pero hindi.

Siya nalang ang pag-asa ko. Kanina, hinanap ko siya pero wala. Tinanong ko pa ang adviser ko pero hindi pa raw bumabalik.

Grabe naman.. iiwanan talaga nila kong ganito? Jason doesn't care about me. He's an asshole I've ever met. Makita ko lang siya ngayon, nandidiri ako.

Hindi talaga ko makapaniwalang nagustuhan ko ang katulad niya.

Ng makarating kami sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto. Napakaraming handa sa mesa dahil nga celebration namin pero wala akong gana. Sino ba namang kakain kung alam mo na ano mang oras ay papalayasin ako ng papa ko rito sa bahay.

Naalala kong lagi siyang nagku-kwento tungkol sa mga maagang nabubuntis, kesyo malandi, walang utang na loob sa magulang tapos nakakahiya.

I locked my door. Umupo ako sa gilid ng kama at inilabas ang cellphone ko.

I know Zam loves me. Hindi niya ko papabayaan, kailangan kong makahingi ng tulong sa kaniya bago malaman nila papa na buntis ako.

Hinanap ko ang numero niya at nanginginig itong pinindot.

Please answer your phone..

Pero wala parin. Hindi parin niya sinagot.

Huminga ako ng malalim dahil nagbabanta nanaman ang luha sa mga mata ko.

Bakit parang iniwan niya rin ako sa ere katulad ni Jason?

Nakarinig ako ng katok at sinabi ni manang na bumaba na. Agad akong nagbihis bago lumabas.

Nakaupo na sila roon at ako nalang ang hinihintay kaya umupo na rin ako.

Nagsimula kaming kumain, parang natural lang na araw.

Inabot ko yung menudo at magsasandok sana ng bigla ko yong ilayo. Ambaho naman nyan, ano bang nilagay dyan?

Nakita ko ang tingin sakin nila mama. Kumunot ang noo ni papa bago ako seryosong tignan. "Bakit ka sumisimangot sa pagkain?"

Bigla akong kinabahan. "H-hindi Pa, a-ano kasi.."

My mother glance at me. "Ano Faye?"

Inisip ko kung sasabihin ko ba pero naisip ko na hwag nalang. I shook my head and continue to eat.

Ilang saglit pa ko tinitigan ni papa bago siya magpatuloy ulit sa pagkain. Nanginginig yata yung laman ko sa kaba. Baka may mapansin silang kakaiba?

My father wiped his lips. "Get dress, a formal one. You need to be ready before five, we'll go out and meet someone.."

"Sino? Bakit?" Takang tanong ko rito. Bumaling ako kay mama pero nanatili ang tingin niya sa plato niya.

"Doon mo na malalaman. Regalo ko na yon sayo, at the same time ay may benefits din saamin.."




I wore an elegant ocean blue fitted dress paired with my silver wedges. Inilugay ko lang ang buhok ko at naglagay lang rin ako ng kaunting make up.

Tinignan ko ang sarili sa salamin, halos hindi ko makilala dahil sa iba ang pananamit ko. Mukha akong fiance ng kung sinong mayaman..

Fiance..

Bigla akong napahinto at napatitig sa sarili ko. Naalala ko rin ang sinabi ni papa kanina..

What the fuck?!

My Professors And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon