Chapter 3

23K 767 328
                                    

"Classmates!" pagkuha ng pansin sa amin ng isa naming kaklasi. "Bukas na lang raw papasok si Mrs. Beth dahil busy siya ngayon sa mga bagong students na ngayon lang nage-enroll. Goodbye!" paganunsyo niya sabay alis din. Eh?

Dahil sa announcement ay mabilisang nagsilabasan na ang mga kaklasi ko upang pumunta sa hindi ko alam. And me? Nandito pa rin sa room. Should I go back to library or garden? Mamaya pa namang 3:30 ang pasok ko ulit. At 1:18 pa lang. Damn. Ang dami kong oras, kung alam ko lang na ganito ay sana hindi muna ako pumasok ngayong 1st day.

I was about to stand when someone talked behind me.

"Hi"

"Oh sht" saad ko dahil sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko Damn it.

"Hihi. Sorry. I'm Justine. Justine Rei Cortez. Yes I know pang boy ang name ko, and I don't know why ganyan binigay ng parent ko. Pero hindi ako nagrereklamo, bagay naman sa akin. So, ikaw... What's your name?" tuloy tuloy na saad nito sa akin kaya pakurap kurap akong nakatingin sa kanya.

"Hey. Hello, you okay?"

Hindi ko alam na nakatulala na pala ako. At ng magsalita syang muli ay doon langko bumalik sa sarili ko. And when I realize na sobrang lapit niya sa akin ay bigla akong napatayo at atras sa kanya na ikinagulat at taka nya.

"Huh? Mabaho ba ako?" tanong niya habang ina-amoy ang sarili. Mabilis naman akong umiling.

"N-no. I-i'm sorry" saad ko sabay kuha ng bag ko at mabilis na lumabas sa room at dumaretso sa garden.

Pagdating ko ay pumwesto agad ako sa pwesto ko kanina sa isang malaking puno. Umupo ako sa bandang natatakpan ako para hindi ako makita ng iba. Agad kong kinuha muli ang gamot na pampakalma ko para umayos ang tibok ng puso ko dahil sa gulat kanina at takot na rin.

Kahit naman kasi madalas ay may physical contact kami nila mommy, daddy, at kuya.. Sa kanila lang yon. Sa kanilang tatlo ko lang nafi-feel na safe ako. And once na may humawak sa akin o kausapin man lang ako aside from them ay para na akong aatakihin sa puso dahil sa sobrang kaba at takot. Trauma. Yes. Natrauma ako for what happened to me years ago kaya ko to nae-experience ngayon.

Kasalukuyan kong nakapikit ngayon at nararamdaman kong unti-unti ng bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko since wala rin naman tao dito kaya feel kong safe ako.

Maya maya lang ay naramdaman kong nag vibrate ang phone ko indicating na may nag text kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko at binasa. It was from my kuya.

From: Yawisss 🖤
"Hi, princess. How's school?"

Yeah... Ganyan talaga name niya. Wala lang, short for Kuya Luis. When I was a kid, ganyan tawag ko sa kanya.

To: Yawisss 🖤
"Good"

Don't get me wrong ha. I'm not rude to them. Ganyan lang talaga ako sa kanila kaya sanay na din sila sa akin, paiba-iba ng ugali.. Plus... I hate texting, kaya sobrang dry ko minsan mag reply.

I was about to put my phone back on my pocket when kuya called.

"What?" sagot ko agad.

"Hello to you too, princess." I chuckled.

"Yeah kuya. Whatever. Why did you call?" I asked.

"Nothing. Wanna ask you how's school? Wala ka bang pasok? May sched ka ngayon right?"

"Busy yung teacher namin now kaya bukas nalang raw siya papasok."

"You? How are you there? Okay ka lang ba? Kumain ka na ba ng lunch? Late na. " Alam kong nag-aalala ito base palang sa bosis niya, but I don't want him to worry about me.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon