"Pupunta ka pa ba sa office ni Miss Turner?" Bulong na tanong ni Rei dahil andito pa naman si Miss at nagdi-discuss pa sa harap.
Umiling lang ako at tumango naman siya.
Friday ngayon at pupunta ako mamaya sa bahay nila Rei since last time hindi natuloy dahil biglang nawala si Brielle.
Speaking of, pagkahatid ko sa kanila kahapon sa office ay umalis na din ako agad. Naiinis lang ako sa inasta at sinabi ni Miss. Wala naman pala siyang pake sa akin bakit pa niya ako pagbabawalan? Ano 'yon? Trip niya lang? Desisyon siya?
"That's all for today. Class, dismiss."
Pagkarinig ko sa sinabi ni Miss ay agad na akong lumabas upang hindi na rin niya ako matawag. Agad din namang sumunod ang isa at dumaretso na kami sa parking lot.
"Sundan mo nalang ako ha?" Rei said bago siya pumasok sa car niya. Tumango lang ako at sumakay na rin.
Malapit lang pala ang bahay nila. 10 minutes lang ang inabot bago kami nakarating. Bumukas yung gate kaya dumaretso na si Rei sa loob while nagpark lang ako sa labas para hindi na kailanganing buksan pa ang malaking gate mamayang uuwi ako. Saglit lang naman ako.
"Pasok. Wala pa sina mommy kaya yung mga maid lang ang nandito."
Pumasok ako sa bahay nila. It is actually big. Kung sigurong hindi lang ako sanay ay mapapanganga talaga ako. Maganda yung interior. Modern.
"Anjan ka na pala, Just. At sino itong magandang batang kasama mo?" Masayang bati nang isang matanda. Baka kagaya ito ni nanay Tess.
"Kaibigan ko po, Nay. Si London. Lon, si Manang Fe."
"Good afternoon po." Magalang kong saad.
"Magandang hapon din, London." Nakangiting sagot nito.
"Upo ka muna. Magbibihis lang ako sa taas."
Tumango ako at pumunta sa sofa at umupo.
"Jan ka muna, London at kukuha lang ako ng miryenda niyo" paalam din Manang Fe. Tumango lang din ako.
"Ha, Manang?" Tawag ni Rei. Sabay pa kami ni Manang na napatingin kay sa kanya na nasa hagdan na.
"Baka lang po kasi, ano. Ahm. Huwag niyo pong hahawakan yang si London ha? May allergy po kasi yan sa paghawak ng tao." Tang ina.
Nagulat ako sa sinabi ni Rei at bigla pang nahiya kay Manang.
"Ay ganoon ba, anak? O sige. Huwag kang mag-alala at hindi din naman ako palahawak ng tao."
"O-okay po." Sagot ko dito.
Umalis na rin naman siya at maya maya lang ay bumalik. May dala ng miryenda. Juice and bread.
"Thank you po."
"Kain ka lang jan. Maya-maya lang ay bababa na rin si Justin. Hindi naman yon matagal magbihis- oh, anjan na pala."
"Salamat po sa miryenda" masiglang saad nito kay manang.
"Osya. Maiwan ko muna kayo at magluluto pa ako ng pang hapunan."
Sabay kaming tumango ni Rei at nagpasalamat pa ako bago ito tuluyang umalis.
"Ano magandang gawin?" Tanong ng katabi ko at humiga pa sa may mahabang sofa. Dito lang kasi ako sa single kaya malaya siyang humiga.
"I don't know. You invited me here without plan?" Tanong ko dito.
"Ha! Gawin nalang natin yung assiginment natin sa Politics." Masiglang sagot nito at bumangon sabay ng palakpak. Parang tanga.