Chapter 14

16.7K 619 96
                                    

"Honey, wake up. We need to go." Ano ba yan. Bakit parang feeling ko kakatulog ko lang, nanggigising na agad si mommy.

"Hmm." Tumingin ako sa orasan ko. 2:00 am?

"Princess. Come on. We need to hurry." Niyugyog pa ako nito.

"Mommy naman. Ano bang gagawin natin. 2 AM pa lang." Reklamo ko.

"Your Dada is on the hospital. We need to go there. He's looking for you." Napabangon ako bigla pagkarinig ko dito.

"What? Why? What happened?" Tanong ko dito.

Nakita ko pang pasimple itong nagpunas ng luha. "I don't know yet. Tumawag lang sina Leigh. Papunta na rin daw sila doon. Let's go." Sabi nito at lumabas na.

Saglit muna akong pumasok sa closet ko upang kumuha ng jacket at lumabas na rin. Hindi na ako nagbihis dahil mas importante si Dada. Hindi na rin ako nagtoothbrush at kinuha nalang ang candy sa gilid ng pintuan ko.

Yes, I have these kind of candy na nagpapaalis ng bad breath at nakalagay ito malapit sa pinto for emergency purposes nga like tonight.

Pagbaba ko ay kumpleto na sina mommy at ako nalang ang hinihintay nila. Pagkakita nila sa akin ay nagsitayuan na rin sila.

"Let's go, princess." It was kuya.

Kanya kanya kaming sakay sa kotse paglabas namin. Iisa nalang ang ginamit namin at si kuya na ang nagdrive.

Tahimik ang byahe namin papuntang hospital and I am silently praying for my Dada's health. I hope he is fine.

Dada, he's somewhat old and may sakit sa puso. Maybe inatake nanaman siya. Wait, parang kagabi lang ay tumawag ito sa akin.

Among my lolos and lolas, he is my favorite and everyone knows it because ever since I was child, he loves to spoil me.

"Ashton, drive safely, damn it!" Sigaw ni mommy na nagpatigil ng katahimikan. I know racer ang lahat sa amin but kapag ganitong sitwasyon na, hindi pa rin maiwasan ni mommy ang kabahan because we know kinakabahan din si kuya for lolo. Masyado na rin kasing mabilis ang takbo niya.

Like me, malapit din si kuya kay Dada. Actually, kaming lahat palang magpipinsan sa side ni mommy ay malapit kina dada Rome at mama Alice kaya close din kaming lahat.

Pagkarinig, bumagal na sa pagpapatakbo si kuya at parang umayos na rin ang itsura niya. Kanina kasi ay sobrang higpit din ng hawak niya sa manubela.

After a few minutes, nakarating na kami sa hospital. Pagkalabas ay nauna na sina mommy and daddy. Si kuya naman ay hinintay pa ako dahil alam niyang hindi ko kakayaning mag-isa.

Nakita naming nagtanong si mommy sa isang nurse na nasa parang counter? Basta dun. Nakalimutan ko na ang tawag. Bahala na kayong mag-isip. Agad din naman itong sumagot at umalis si mommy kaya sumunod nalang kami.

Malapit na kami sa room ng makita kong umiiyak ang kambal at ganon din sina tito Jay, kapatid ni mommy at daddy ng kambal. Napatigil ako sa pagtakbo at parang bigla ko nalang naramdaman ang panghihina ko. Yung kaba ko kanina, parang dumoble.

Naging mabagal ang paglakad ko papunta sa kwarto. Parang ayaw ko ng tumuloy. Natatakot ako dahil sa mga itsura palang nila, parang alam ko na kung anong nangyayari.

Nauna na rin pumasok sa akin kanina si kuya kaya ako na lang ang hindi pa nakakapasok. Tinignan ko ang kambal at ang parents nila na patuloy pa rin sa pag-iyak.

Naiiyak na rin ako pero pinipigilan ko.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto, mula dito, kita ko sina mommy na umiiyak na rin.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon